9. Sino sa mga Wattpad authors ang naging inspirasyon mo? O di kaya ay hinahangaan mo?
Nainspired din ako ni Ate Aril. Bukod kay Ate Bianca siya talaga yung sobrang naencourage ako magsulat. Hihi. Si Ate Aril kasi kahit peymus na siya feet on the ground pa din siya. Nakakatuwa kasi hindi pa rin siya nakakalimot sa mga readers yung mga kauna-unahan hanggang sa present. Hands down talaga ko sa kanya.
10. Naranasan mo na bang ma-inlove sa character ng kwento mo o kahit sa ibang kwento ng mga writers? Kung Oo,anong feeling?
Oo. Ayun feeling heaven. Na sana lahat ng lalaki ganun. Na sana isang Lance Mariano o Carl Marcus Sevilla din ang makilala ko. Mahirap din kasi, magseset ka ng standards which is dapat hindi panget din maging choosy. Hahanap ka kasi ng mga katangian nung character na yun sa isang tao na kahit alam mong malabo eh pipilitin mo.
11. Anong araw at oras ka nagsusulat ng mga kwento mo? May Time Management ka ba para dito?
Araw? Everyday. LOL. Nung vacation everyday talaga. Netong nakaraan lang kasi hindi maganda flow ng pagsusulat ko kasi wala kameng net nagkakatamaran kasi kailangan ko pang pumunta ng computer shop. Hindi ako kumportable sa ganun. Oras? Madalas madaling araw pero dahil may pasok after school as much as possible or kapag may naisip akong idea inonote ko na yun sa notebook ko para hindi ko makalimutan. Actually walang time management hindi ko yun alam. Hahaha. Kung maisipan ko lang talaga at kung gusto ko.
12. At anong platform ang pinagsusulatan mo? MS Word ba o straight sa Wattpad?
Noong summer vacation diretso Wattpad, dire-diretso kasi concept ko noon, tapos na ang plot sa utak ko. Sa ngayon yung mga on going stories ko sa MS WORD na nahihirapan kasi ako sa plot sobrang magulo kasi. Hindi nakaset utak ko para lang sa pagsusulat, ang dameng kailangang gawin bago yung pagiging writer ko.
13. Na-try mo na bang magsulat ng mga restricted stories? Kung Oo,hindi ka ba nahirapan magsulat nito?
Nope. Dahil sabe ko nga based on experiences ako magsulat at hindi ko pa yun naexperience. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
14. Kung nagbabasa ka ng mga stories sa Wattpad,ano ang mga requirements mo para basahin at tapusin ang isang kwento ng kapwa mo writer?
Wala. Hindi kasi ako mapiling reader. Ay siguro yung mga catchy na title. Ayun. Pag medyo trip ko itatry ko.
15. What if,makabasa ka ng isang Jejemon type of stories,gusto ko lang malaman,ano ang magiging reaksyon mo dito? Jejejejejeje,tenk u phoewzx!
Sana lamunin na ko ng lupa. JOKE. Siguro may badtrip na mararamdaman pero kung yun yung gusto ng writer na yun bakit ko ba papakialaman, kanya-kanya naman tayo ng paraan ng pagsusulat. Di ko na lang babasahin, tutal hindi ko din naman yun maiitindihan. Haha.
16. Ano ang advice mo sa ngayon pa lang magsisimulang magsulat?
Sabe nga ng Globe, Go lang ng go! Wag na wag kayong mawawalan ng pag-asa kung wala pang nagbabasa ng mga stories niyo. Bakit ba? Pana-panahon lang kaya yan! Malay mo mamaya, o bukas, o sa makalawa isang milyon na reads niyan. Saka kapag nasa rurok na ng kasikatan, wag na wag makakalimot sa mga unang taong nakasama niyo. Kahit anong sabihin mo pare-pareho pa din tayong nagsimula sa wala.
17. At ano naman ang advice mo sa sarili mo para maging isang mahusay na writer?
Sana sipagin ka na. Sana yung plot mo ayusin mo na. At sana magsipag sa pagbisita ng Wattpad kung hindi ka pa mag UUD hindi mo pa ioopen. Ang tamad-tamad mo. Sana din maenhance ng bongga ang English ko. Jusko. Ang laking pasasalamat ko naman talaga kapag naging maayos na yung English ko.
18. Mensahe mo para sa iyong mga avid readers & supporters,maging sa iyong mga Wattpad friends?
Forever thank you. Alam ko namang pagod na pagod na kayo sa kakapasalamat ko, walang paglagyan yung saya kapag nakikita mong may nagbabasa ng kwento mo. Isang pang wala ng stress ang mga comments. Alam niyo yun? Yung feeling na pagod ka kakaisip ng pang UD pero may mababasa kang magagandang feedbacks, sobrang mapapa “Awwweee.” Kinikilig na kame sa mga simpleng ganun. Kahit hindi ko kayo mareplyan sa mga comments niyo, alam niyo kung gaano yung pasasalamat ko. Kung hindi dahil sa inyo walang mahyen27 na naging ayensdfghjkl at forever babaengfragile. I love you guys! Sagad at tagos buto. :””””””>
19. At ang iyong mensahe para sa iyong mga secret readers at mga future readers & supporters?
Ui! Uso magcomment. Hahaha. Patuloy lang kayo sa pagbabasa. Maraming Salamat. Super Thanks. :””””””””””””””””””””””> Wag na wag kayong mahiya kung may mga ipapakisuyo kayo, sa abot ng aking makakaya eh pagbibigyan ko naman kayo. Wag laang talaga sa financial at ako eh lagapak diyan. Hehe. Bukas naman fb, tumblr at ang wattpad ko para sa mga messages niyo, it’s the least I can do.
20. Saan ka nila maaaring makadaupang-palad? I mean,social networks!
Facebook, Tumblr, Twitter, at Ask.fm LOL Sabay sa uso lang. Madalas lang ako sa mga real account ko. Bihira ko na maopen yung mga dummy kasi eto yung iniiwan ko sa Chrome. Hehe. Check niyo tumblr ko! Hahaha. Sabay promote na eh! Pero binubuksan ko pa din yung mga dummy na yun. PM lang kayo at sasagutin ko yung mga yun sa abot ng aking makakaya. ^O^
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Next Writer: Amiel King better known as ImMrKiddoKing! :)
YOU ARE READING
Undiscovered.
RandomCompilations of interviews with the undiscovered Wattpad writers. You want to discover a new good story and a new good author? Check this out!
1. The Fragile Writer - BabaengFragile
Start from the beginning
