"H-hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko pang sabihin, pero ito nalang..." Huminga ako ng malalim at tumingala sa kisame. "Kung nasaan man kayo aking mga lolo, ay alam kong proud kayo saakin... Alam kong masaya kayo, kung pwede kolang sanang kagamit ang kapangyarihang meron ako ay ibabalik ko kayo dito kahit na hindi ako tanghaling pinakamakapangyarihang tao sa mundo nating ito." Emosyonal kong sambit kasabay ng pamuo ng aking luha. "Asahan mong magiging pantay ako sa lahat." Muli ko ng ibinalik sakanila ang aking paningin.

"Ang pag-pasa ng trono..." Ang pangunahing hukom, kasabay ng pag-alalay nila saakin upang maupo sa upuan ng reyna.

"Kaming lahat, kabilang ang boss ay sasaksihan ang iyong pagkahalili sa trono..." Matapos magsalita ng pangunahing ranggo ay inalalayan nila ako ng unang hukom paluhod.

"I..."

"I Siberia Joy Tiger Sky..." Nakangiti kong sambit habang nakayuko at naka luhod.

"Ay nanunumpang magmula sa araw na ito ay gagawin ko ang aking katungkulan..."

"Ay nanunumpang magmula sa araw na ito ay gagawin ko ang aking katungkulan..." Sobra-sobrang saya ang aking nararamdaman magmula sa araw na ito.

"At sumusumpa din akong magiging patas sa lahat ng tao, sumusumpa din ako na po-proteksyonan ko ang aking pamilya at sumusumpa din ako magmula sa araw na ito na hindi ako aabuso sa kapangyarihang meron ako at magiging makatarungan sa lahat, magmula sa araw na ito ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hindi kayo mabigo sa ibinigay nyong tiwala saakin. Makakaasa kayong hindi ako magiging sakim, at magiging gahid sa kapangyarihan." Nakangiti kong sambit, saka muli nila akong inalalayan upang muling maupo sa trono.

"I Heaven Leigh Kim Sky, mag mula sa araw na ito ay ipinapasa ko na sa aking kaisa-isang babaeng anak ko ang aking trono. Nangangako akong gagabayan ko ang aking anak sa lahat at ituturo sakanya ang nararapat nyang matutunan, magmula din sa araw na ito ay itinatanghal ko ang aking nag-iisang anak na lalaki bilang prinsipe ng palasyo." Nakangiting sambit ng mommy, may babaeng lumapit sakanya at ibinigay ang dalawang korona. Para sa prinsipe at para sa reyna, namangha ako sa kakaibang disensyo ng korona.

Pero masyado akong masaya para kay Liam upang ma pagtuunan ko ng pansin ang korona, naunang lumapit ang mommy habang dala ang korona namin. Lumapit ang daddy, dahil hindi maaaring ang dating reyna ang nagbigay ng korona saaking kapatid. Nakangiting inilagay ng daddy ang korona sakanyang ulo.

Matapos niyon ay sabay silang nagpunta sa gawi ko habang may malawak na ngiti sa mga labi.

Inilagay nila saakin ang aking korona, kasabay ng basbas ng hukom, konseho, ang boss at ang tatlong reyna kasabay ng kanilang pagluhod sa aking harapan. Sumunod ang taong bayan na lumuhod at sabay-sabay silang napaluhod.

"Lahat kami ay nangangakong po-protektahan ka, kamahalan. At asahan mo ang aming buong katapatan ay nasasaiyo." Matapos nilang magsalita ay tumayo silang lahat at nagsipalakpakan, mabilis din akong tumayo at niyakap sina mommy, daddy at Liam.

Malapit na ako Venjoe mahal ko... Ngayong maayos na ang lahat babalikan kita aking mahal...

***

If you want to vote, comment and follow me, you can decide on your own. I am now contented on the reads. Hehehe

Anyway you can add or follow me on my FB acc "Tomenes Akira" and also you can like and follow my Page Tomenesakira if you want to!

Mas active ako sa fb madami akong shit post about watty, you can share it churrrrr labslatssss! Mwuahhh!

♠t♠o♠m♠e♠n♠e♠s♠ ♠a♠k♠i♠r♠a♠

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now