CHAPTER 154 :$

102 5 0
                                    

"Siberia!!! Liam!!!" Halos sirain ko yung gate nila Siberia ng makarating ako sa kanilang bahay. "Baby! Please!! Go here outside!! Baby! Please I'm sorry!!!" Kinalampag ko ulit yung gate nila pero wala pa din, imposibleng tulog pa sila 4:20am na! Mabilis na nanggilid ang aking luha, pero mabilis din itong nawala at para akong nabuhayan ng loob ng marinig kong may nagbukas ng gate.

Hindi ko maintindihan ang dibdib ko sobra-sobrang kabado ako, dahil na din siguro sa magkahalong excitement! Wala na akong pakialam kung magalit sya saakin at ipagtabuyan ako basta hihingi ako sakanya ng tawad at sisiguraduhin kong magbabalikan kami, hindi sya aalis!

"Siberia-----" nanlumo ako ng makitang iyong made nila yung nagbukas saakin.

"Sino ho kayo, Serr?"

"I'm Venjoe, pwede ko bang kausapin si Liam at Siberia?" Hindi ako mag-aaksaya ng oras pa, maslalo lang akong kinakabahan lalo na sa mga oras na ito.

"Ayy, Serr. Kanina pa ho nakaalis sila, pero ala singko pa ho ang lipad ng eroplano nila baka maabutan mo pa sila ngayon. Dahil hindi sila dito nag-agahan at ang dinig ko ho ay doon sila sa restawrant ng airport mag-aagahan-----"

"Salamat, Manang." Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko sa mga oras na ako, pero nangingibabaw ang takot sa buo kong sistema. Takot na takot akong maiwan ulit! Pero bakit ngaba hindi ako naniwala sakanya? Paano ako nabulag sa katotohanan? Paano ako naging makasarili?!

Paano ko natiis na saktan sya?! Anong klaseng hayop ako para pabayaan syang naghihingalo? Ganun naba ako kagago para pagmasdan syang sumusuka ng dugo? Ganon naba ako kawalang puso para balewalain sya?! Bakit hindi ko sya nagawang paniwalaan? Bakit ko ba pinahirap ang sitwasyon? Bakit ko sya sinaktan ng ganun?

Kung hindi dahil kay detective ay baka hindi pa ako matatauhan sa mga oras na ito! Pero bakit ngayon lang sya pumarito kung Kailan ay paalis na si Siberia?! Ayokong buong buhay akong magsisi lalo na sa mga sinabi nya noong graduation ng senior at college.

"Parang paulit-ulit lang akong sinasaktan, paulit-ulit din akong napapatanong kung Ano ba ang nagawa ko sa mundong ito at bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Wala akong ibang hinahangad kundi ang kaligayahan pero bakit parang ipinagkakait naman yata iyon ng tadhana? Bakit ba sa lugar na ito puro pasakit lang ang natamo ko?"

Halos madurog ang puso ko ng mareplay yan sa utak ko! Para akong kinakapos ng hininga dahil sa sakit, bakit ngayon ko lang naramdaman ang sakit? Bakit noong sa harapan mo iyan sinasabi saakin eh konsensya lamang ang aking naramdaman??

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now