CHAPTER 153 :S

96 4 2
                                    

(A/N: this day ay iyong huling araw bago umalis si Siberia... Ngayon kolang naisipang isingit si Venjoe, hindi ko na sana bibigyan sya ng POV this season pero ginawan ko pa rin baka magtaka kayo sa susunod pang mga kabanata)

Venjoe POV

Napaungol ako dahil sa antok, pero mabilis ko ding binuksan ang mga mata ko at parang hangin na mabilis na hinanap ang tumutunog kong cellphone pero agad din akong nanlumo ng makita kung sino ang tumatawag.

Psh! Akala ko panaman sya na ang tumatawag----

Fuck! Ano bang iniisip mo Venjoe? Tapos na kayo okay? At ikaw ang may gusto nito kaya huwag kang maarte!

"Detective?" Bungad ko ng masagot ko iyong tawag.

(Bumaba ka, narito na kami ng pamilya mo.)

Mabilis kong ibinaba yung tawag at nagmamadaling bumama, sigurado akong may nalaman na sya kaya naparito sya sa bahay.

"Sit down, Son." Mabilis akong napaupo sa upuan, kami ng pamilya ko ay nasa mahabang sofa habang si Detective Amaro ay nasa single Sofa.

"Magpapakilala ulit ako, batid kong si Venjoe lamang ang nakakakilala saakin. I'm Detective Amaro Montefalco Ferrer, daughter of Akira Montefalco." Nakangiti nyang pagpapakilala at nakipag shake hands kina mommy, habang kaming dalawa ay nagkatanguan lang.

(A/N: si amaro yung anak ni Akira sa THE FOUR BAD GIRLS siningit ko dito nakakatamad umembento ng bagong pangalan ng character.)

"What's bring you here, detective? May impormasyon ka na bang nakalap?" Tanong ko at kagaya nga ng inaasahan ko ay tumango sya. Masyadong magaling ang detective na ito sa tingin ko nga ay 26 or 28 palang sya pero kung trumabaho ay polidong-polido buraot ngalang.

"Totong planado ang lahat, mag mula sa pagpasok ng panibagong character na iyon. Plinano nila ang una ninyong pagkikita sa Bar." Napanganga ako sa sinabi nya, tunay ngang kahanga-hanga maging iyon ay nalaman nya matagal-tagal na ding nangyari iyon.

"Hanggang sa umeksina sya sa buhay mo maging ang pagiging magkaklase nyo ay planado din, wala akong makalap na impormasyon sa kung saan sya nagmula at kung anong klase syang tao. Masyadong pribado ang mga taong nasa loob ng palasyo." Maging ang sa palasyo ay naungkat nya, hindi nga ako nagkamaling lumapit sakanya.

"Plinano nyang mahulog ka sakanyang bitag, napag-alaman ko ding minsan ng nagtungo ang kamahalan sa iyong lolo. Iyong ex mo Zapanta, walang ni sinomang lapastanganan ang maaaring bumanggit ng pangalan nya kaya sana maunawaan nyo ako. Kung mayaman at nakapangyarihan kami ay mas pa sya, kaya huwag kayong magtaka kung bakit sobra-sobrang paggalang ang naipapakita ko sakanya." Nakangiti nyang usal, sabay-sabay kaming nagsipagtanguan.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now