CHAPTER 142 :D

138 5 0
                                    

"Anong wala kang mapagpipiliin? Magtapat ka nga saakin Caeleen?" Si mommy gamit ang nagtatakang tono. Wala akong ibang magawa kundi ang bumuntong hininga nalamang.

"Kasalukuyan akong nasa mission noon ng makita ko si Amanda, hindi ko ito kilala dahil wala na akong ibang pinagkaabalahan sa loob ng palasyo kundi ang sumunod sa lahat ng utos mo."

"Make the story short, we're running out of time." Hinawakan ko ang kamay ni mommy dahil nanginginig ito.

"Nung nasa mission ako 3years ago ay na meet ko sya, that day ay alam naming lahat na tatlong taon ng namatay ang prinsessa, yun ang inaakala namin. Lumapit saakin si Amanda at pinaperma ako ng kontrata" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

"Kontrata? Para saan?" Taka ko pang tanong.

Bumuntong hininga na muna sya bago sumagot. "Kontrata, uubusin ko ang pamilya zapanta kapalit ng kalayaan ng pamilya ko at kalayaan naming dalawa ni Alvin na Fiancée ko. I don't have a choice, pamilya at taong mahal ko ang kapalit... M-may pulang bagay silang idinikit sapamilya ko, sakin at kay Alvin nakakatakot ang sumuway dahil k-kapag nalaman nilang tumaliwas kami sa plano ay pasasabugin nila ang pulang nakakabit sa katawan namin." Pareho kami ni mommy na napahugot ng hininga. "H-hindi ko kilala ang pamilya Zapanta at hindi ko alam na may kaugnayan ang prinsessa sa kanila kaya tinanggap ko ang mission. Ngunit hindi lang iyon ang ipinagawa nila saakin ng malaman nilang buhay pala ang prinsessa, inutusan nila akong guluhin ang nananahimik na paaralan ng mga Ygrid upang palabasin ang prinsessa."

Natigilan ako sa nalalaman ko, alam ko namang planado ang lahat pero hindi ko pa din maiwasang hindi magulat sa mga nalalaman ko, ano ang dahilan ni Amanda para gawin nya ang mga bagay-bagay na ito?

"Palabasin ang prinsessa? Kung gayon ay alam mo noon pa na anak ko si Siberia?" Gulong-gulong tanong ni mommy, maski ako ay naguguluhan sa sinasabi ni Caeleen.

"H-hindi, ngayon kolang nalaman. Ngunit batid kong may hinihintay si Amanda, ilang beses kong sinubukang tanungin si Amanda kung sino ba talaga ang kamahalan, ngunit ni minsan ay hindi niya ako sinagot dahil ang sabi nya ay magbabago ang aking isip kapag nalaman ko kung sino sya." Nagbaba sya ng tingin, samantalang ako ay biglang sumeryoso.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now