CHAPTER 141 :(

156 5 0
                                    

"Hmm.. Subukan nalang natin ulit at tingnan natin kong tsamba lang ba talaga yung pagkasapak ko sayo." Sabi ko at matamis na ngumiti sakanya.

Ang baliw, maslalo pang naiinis. Halata ngang nagalit na, tsk! Kala mo naman kakayanin nya ako dahil sa ginagawa nya. Muli syang sumugod saakin, pero kagaya nga ng naunang ginawa nya ay nasapak ko na naman sya.

Pero napalakas yata yung pagkakasapak ko sakanya dahil natumba na sya, bwesit! Kung hindi ko lang inaalala si mommy baka pinuruhan ko na ang babaeng to.

"Tsamba ba ulit? Gago, laro palang sakin iyan. Pano pa kaya kapag tinotoo na kitang saktan ede napunta ka kaagad sa impyerno?" Normal lang ang pagkakasabi ko niyan, pero maslalo yatang napikon ang baliw na ito.

"Fuck you!" Gigil nyang sigaw saka muling sumugod saakin, kumuha ako ng napakagandang tyempo at hinawakan ko ang kamay nya saka seryoso syang tiningnan.

"Sumuko na kayong dalawa ni Alvin, Cae. Hindi mo nanaisin na tuluyan akong magalit." Malakas ko syang itinulak matapos kong magsalita, dahilan upang muli syang natumba. Susugorin ko na sana ulit sya ng may biglang pumigil saakin.

"Stop it." Si Venjoe, inis ko syang sininghalan.

"Hayop! Akala ko nakapasok na kayo! What the fuck are you doing here?!" Nilingon ko silang lahat, at ngayon kolang napansin na narito parin pala sila Venjoe.

Takte! Akala ko ulo ko lang yung matigas, tsk! Pati din naman pala ulo nila ay wala ng singtigas! Tsk!

"Siberia, Siberia, Siberia..." Sabay naming nilingon si Caeleen na ngayon ay mayhawak ng baril at nakatutok ito saakin! Muli kong binalingan si Venjoe ng paningin, pero nanlilisik ang mga mata ko.

"Peste! Kasalanan mo to!" Inis kong singhal sakanya at binawe yung braso kong hawak-hawak nya.

"Bitawan mo yan, at sumuko ka ng mapayapa. Caeleen, hindi na ako narutuwa sa kalapastanganan na ginagawa mo saakin." Maotoritado kong sambit, at bawat salita ay pinagdidiinan ko upang maunawaan nya ang nais kong iparating sakanya.

"Sinabi ko bang matuwa ka saakin, Siberia?" Sarkastiko pa nyang sabi, sinamaan ko sya ng tingin.

"Nawawalan ka na ng respeto, Caeleen. Ang batas ay iyo ng nilabag, trinaydor mo ang palasyo at tinutukan mo ako ng baril. At ang mas malala pa doon ay sinagot-sagot mo ako ng pabalang at kinalaban." Blangko ang ekspresyon kong sabi sakanya, hindi sya nakinig. Ikinasa nya ang baril pero hindi pa rin ipinuputok.

"Ano bang pakialam ko sayo? At sa tingin mo ba ay matatakot ako sa tono ng pananalita mo, Siberia?! Hindi ako natatakot na magsumbong ka, dahil bago kapamang magsumbong ay sigurado akong nakabaon na ang bala ng baril ko dyan sa utak mo." Mas lalo lamang akong napaseryoso dahil sa mga binibitawan nyang mga salita.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt