ANG KALIWANG PAA NG IMPIYERNO

25 0 0
                                    

Isang kakila-kilabot na amoy ang pumuno sa hangin. Sinabi sa akin ni Jesus, "Sa kaliwang paa ng impiyerno ay maraming balon. Ang lagusang ito ay sumasanga sa ibang bahagi ng impiyerno, ngunit maggugugol muna tayo ng ilang panahon sa kaliwang paa."

"Ang mga bagay na ito na iyong makikita ay laging sasaiyo. Dapat na malaman ng daigdig ang tungkol sa katotohanan ng impiyerno. Maraming makasalanan at kahit na ang ilan sa Aking mga anak ay hindi naniniwala na totoo ang impiyerno. Pinili Kita upang ipahayag ang mga katotohanang ito sa kanila. Lahat nang ipapakita Ko sa iyo tungkol sa impiyerno at ang iba pang bagay na ipapakita Ko sa iyo ay totoo. "

Ipinakita sa akin ni Jesus ang Kanyang sarili sa anyo ng nakakasilaw na liwanag, mas maliwanag pa kaysa sa araw. Ang anyo ng isang tao ay nasa gitna ng ilaw na iyon. Minsan, nakita ko si Jesus bilang tao, ngunit sa ibang pagkakataon nasa anyo Siya ng Espiritu.

Muli Siyang nagsalita, Anak, kapag Ako'y nagsasalita, ang Ama ang nagsasalita. Ako at ang Ama ay iisa. Tandaang magmahal nang higit sa lahat at magpatawaran sa isa't isa. Halika, sumunod ka sa Akin. "

Sa aming paglalakad, tumakas ang masasamang espiritu sa presensiya ng Panginoon. "O Diyos, O Diyos," sabi ko. "Ano ang susunod?"

Tulad nang sinabi ko noong una, nakadarama, nakakarinig, nakakakita, nakakaamoy at nakakalasa ako sa impiyerno. Gayundin ang lahat ng nasa impiyerno. Ang sa akin ay nagtatrabaho na ngayon ng lubusan. Ang takot ay nasa lahat ng bahagi at ang panganib na hindi ipinahahayag ay nakatago sa lahat ng dako. Bawat hakbang ko ay mas kakila-kilabot kaysa nauna.

May mga pintuan na kasingliit ng bintana, na mabilis na bumubukas at sumasara sa ibabaw ng lagusan. Pinupuno ng mga sigawan ang hangin habang lumilipad sa tabi namin ang maraming masasamang nilalang sa itaas at labas ng mga pintuan ng impiyerno. Di nagtagal, nasa dulo na kami ng lagusan. Nanginginig ako sa takot dahil sa panganib at takot sa paligid namin.

Malaki ang pasasalamat ko sa pag-iingat ni Jesus. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa Kanyang kapangyarihan na ingatan tayo, kahit na sa mga balon ng impiyerno. Sa kabila ng sanggalang na iyon na nag-iingat, patuloy kong iniisip, "Hindi ang kalooban ko Ama, kundi ang sa Iyo ang matupad."

Tiningnan ko ang aking katawan. Sa unang pagkakataon, napansin ko na nasa anyo ako ng espiritu at ang anyo ko ay hugis ng aking sarili. Nag-isip ako kung ano ang susunod.

Si Jesus at ako ay lumabas mula sa lagusan patungo sa daan na may malawak na lupa sa magkabilang tabi nito. May mga balon ng apoy sa bawat dako hanggang sa abot ng aking mga mata. Ang mga balon ay apat na talampakan ang lapad at tatlong talampakan ang lalim na hugis mangkok. Sinabi ni Jesus, Maraming balong tulad nito sa kaliwang paa ng impiyerno. Halika, ipapakita Ko sa iyo ang ilan sa mga ito."

Tumayo ako sa tabi ni Jesus sa daan at tumingin sa isa sa mga balon. Ang asupre ay nakabaon sa tabi ng balon at namumulang tulad ng baga ng apoy. Sa gitna ng balon ay naroon ang makasalanan. Sa ilang sandali, ang apoy ay mamamatay na nagiging baga, pagkatapos ay muling babalik sa punarurusahang kaluluwa sa balon kasama ang humahagibis na tunog.

Tumingin ako at nakita ko na ang makasalanang kaluluwa sa balon ay nakakulong sa isang kalansay. " Panginoon," umiiyak ako dahil sa tanawin, "Hindi mo ba sila mapapalaya?" Kakila-kilabot ang tanawin! Iniisip ko, maaaring maging ako ito. Sinabi ko, "Panginoon, nakakalungkot na makita at malaman na naroon ang isang buhay na kaluluwa."

Nakarinig ako ng iyak mula sa gitna ng unang balon. Nakita ko ang isang kaluluwa sa anyong kalansay, na umiiyak, " Jesus mahabag Ka!"

"O, Panginoon!" Sabi ko. Tinig iyon ng isang babae. Tinignan ko siya at nais kong hilahin siya mula sa apoy. Nadurog ang aking puso sa pagtingin sa kanya.

Pahayag Ng Diyos Tungkol Sa Impiyerno Ni Mary BaxterWhere stories live. Discover now