PANIMULA

58 2 0
                                    

Kinikilala ko na kung wala ang kapangyarihan ng Panginoong Jesu-Cristo, ang aklat na ito o anumang pagnanais na ipahayag ang buhay pagkatapos ng buhay na ito ay hindi maisusulat.

Si Jesus lamang ang may hawak ng mga susi ng impiyerno at nagbayad ng halaga ng mga susi ng impiyerno at nagbayad ng halaga para sa ating pagpasok sa langit.

Nakita ko na mahaba, malungkot at mahirap na karanasan ang pagsulat ng aklat na ito.

Sa katotohanan, naghintay ng ilang taon ang aklat bago naipahayag.

Ang mga pahayag mula sa Panginoon ay dumating sa akin noong 1976.

Walong buwan bago ito naisulat.

Ang pagsulat ng manuskrito ay gumugol ng ilang taon at gumugol pa ng isang taon ang paglalagay ng mga reperensya ng Biblia.

Ang pagtatapos sa aklat ay nangyari noong taglamig ng 1982 at 1983.

Karagdagan dito, sa loob ng 40 araw, dinala ako ni Jesus sa impiyerno.

Nakikita ko ngayon na inihanda ako ng Panginoon na isulat ang aklat na ito dahil kahit noong bata pa ako ay napanaginipan ko na ang Diyos.

Pagkatapos na ipanganak akong muli, nagkaroon ako ng napakalaking pag-ibig sa mga makasalanan at ninais kong mailigtas ang mga tao.

Pagkatapos na magpakita sa akin ang Panginoon noong 1976 at sinabi sa akin na pinili ako para sa espesyal na gawain, sinabi Niya, "Anak Ko, ipahahayag Ko ang Aking sarili sa iyo upang dalhin ang tao mula sa kadiliman patungo sa liwanag.

Sapagkat pinili ka ng Panginoong Jesus sa isang layunin: na isulat at itala ang mga bagay ba ipakikita at sasabihin Ko sa iyo.

"Ipapahayag Ko sa iyo ang katotohanan ng impiyerno, upang marami ang maligtas, marami ang tatalikod sa kanilang kasamaan bago maging huli ang lahat.

"Ang iyong kaluluwa ay aalisin sa iyong katawan, Akong Panginoong Jesu-Cristo ang gagawa nito, at dadalhin ito sa impiyerno at sa ibang lugar na nais Kong makita mo.

"Ipapakita Ko rin sa iyo ang mga pangitain tungkol sa langit at ibang lugar at bibigyan Kita ng maraming kapahayagan."


Mary Kathryn Baxter

Pahayag Ng Diyos Tungkol Sa Impiyerno Ni Mary BaxterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu