51

193 16 2
                                    

Mister:

Love?

Misis:

Po?

Mister:

Nag-add pala sa'yo ex ko?

Binuksan ko account mo kanina, e.

Misis:

Sinong ex?

Wala naman akong kilala sa mga ex mo, e.

Mister:

Si Klea.

'Di ko alam bakit ka niya in-add.

'Di ka kasi nagbubukas ng friend requests mo, e.

Buti naman. Dami ring lalaki, e.

Misis:

Check ko, love.

Wait lang.

Accept ko ba?

Mister:

'Wag na, love.

Kilala ko 'yan.

Magpapangaya lang 'yan na ex ko siya.

Kilala niya na naman kasi 'yong bago.

Immature 'yan.

Misis:

In-accept ko na po.

HAHAHAHA.

Kung pangaya siya, love, pangaya rin naman ako.

Pinanganak akong mayabang.

I can handle this.

Mister:

Pasaway ka rin talaga, e, 'no.

'Di ka rin papapigil.

HAHAHAHAHA.

Oh, siya.

Kapag iyan, nagparinig at nainis ka, walang sisihan.

Sinabihan na kita tungkol sa ugali niyan.

Misis:

Ay, aba.

Wait. Stalk ko muna 'to. Tingnan natin kung may dapat ba akong ikabahala.

Mister:

Wala.

At 'wag mo nang subukan ikumpara sarili mo diyan kasi hindi mo deserve makumpara.

Lamang ka sa lahat, love.

Para sa 'kin.

Matalino ka, maganda, matured, family oriented.

Ano pa ba? Masipag ka rin saka masarap magluto, 'di ko lang sure kasi sabi mo lang maman 'yon.

Misis:

Gusto ko lang sabihin na ang pangit pala ng  taste mo dati, love.

'Yon lang.

Mister:

Tingin ko rin, love, e.

'Yon bang sa ugali na lang sana bumawi, hindi pa rin nagawa.

Bobo ako pumili dati, e.

HAHAHAHAHAHAHA.

My Bittersweet Memory|epistolary✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt