34

249 22 0
                                    

Bakla:

Bigla kang nag-offline kagabi, ah.

May dalaw ka siguro kaya ang sungit mo kahapon.

Tomboy:

By.

😭

Si Ate Mayet.

Pinsan ko.

Nasa hospital siya because of her sickness( na hula namin kinukulam talaga siya)

Sabi ng Doctor, if papayag daw bang tubuhan.

By, kapag gano'n low chance nang mabuhay.

Bakla:

By.

'Wag kang umiyak.

For sure, matapang ang pinsan mo.

Lalaban 'yon.

'Wag kang umiyak, nahahawa ako sa lungkot mo.

Tomboy:

Eh, kasi.

Tubo raw, e.

Tumawag sila kay mama.

Pinipigilan ni mama kasi nga mas mapapadali lang ng tubo buhay ni ate.

Bakla:

Ano, pumayag ba sila?

Tomboy:

Hindi raw.

Bakla:

Gagaling ate mo, by.

Tumahan ka na diyan.

Ipagdasal natin siya.

Tomboy:

Opo.

Baka kasi... mawalan na naman ako ng pinsan.

Ayoko.

Bakla:

Hindi ka mawawalan ng pinsan ulit.

Hindi siya mamamatay.

Magdadasal tayo.

August 28, 2019, 8:32 am

Tomboy:

By.

Wala na si ate😭

Iniwan niya na kami.

Sumuko na siya.

Hindi niya na kinaya.

Hinihintay niya lang si Kuya Aye, asawa niya, bago siya bumitaw.

Bakla:

Condolence, by.

Gusto kitang damayan.

Gusto kong punasan luha mo.

Pero masyado kang malayo.

Pasensya na kung ito lang kaya kong gawin sa'yo.

Tomboy:

Naiintindihan ko.

Ang importante nararamdaman ko namang nandiyan ka para sa akin.

Pero sorry kung magiging abala na muna ako ng isang linggo.

Kailangan naming umuwi roon.

Pero papasok pa rin ako sa school since malapit lang din naman doon.

Baka hindi muna ako gaano makapagreply sa'yo.

Bakla:

Naiintindihan ko po.

My Bittersweet Memory|epistolary✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora