"Good evening po, tito. Sorry na-late ako a bit." bati ko sa kaniya at bumeso.

"It's ok, hija. Hindi naman ako ganoong katagal naghintay."

Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko at pinagmasdan ang ayos ko mula ulo hanggang paa. Napabalik uli ang tingin niya sa akin pagkatapos.

"Sayang at hindi kayo magkasama ngayon ni Sandro. Just look how stunning you are tonight, hija." sabi ni tito at pansin ko ang matinding pagmamalaki sa mga mata niya.

"There's always next time pa naman, tito." ngiti ko.

Tumango si Tito Romualdo. "Tama. So, shall we?"

Inilapit ni Tito Romualdo ang kaliwang braso niya sa akin at inilingkis ko ang kamay ko roon. Hinarangan agad kami ng mga journalists bago pa man kami makalapit sa entrance. Good thing at kasama ko ngayon si tito dahil parang hindi ko yata alam ang gagawin pag kinuyog ako ng mga ito mag-isa. The journalists flooded him questions first before finally turning their attentions to me.

"Chandria, hindi mo ngayon kasama si senator?" usisa ng lalaking journalist.

"Sandro's busy but he informed the celebrant beforehand na kami na nga lang ni tito ang pupunta." Humigpit ng kaunti ang kapit ko sa braso ni Tito Romualdo para ipakita sa kanila.

"Bakit ano bang ginagawa ngayon ni senator?" Tumirik ang kilay ng nagtanong na journalist nang umismid ako. Sumagi kasi sa isip ko iyong chat naming apat kanina. Damn you, Tristan.

"He's busy studying the case of the alleged chairman. Sandro told the senate's still on the probe on that." sagot ko.

Nagbato uli ng mga panibagong tanong ang mga journalists. Nagkislapan ang mga flashes ng camera sa kinatatayuan namin kaya pinangharan ko ang isang kamay para protektahan sa kinang ang mga mata. Tito Romualdo held the small of my back and ushered me towards the entrance.

Nasa loob na kami ni tito nang napag-alaman naming papunta pa lang pala ang vice-mayor pati ang ilang kapartido nito. Napansin ko na rin iyon nang napansing tahimik pa ang function room. Tito Romualdo then decided to introduce me to some family acquaintances. Gurang na ang mga kakilala niyang nilapitan namin sa isang bilugang mesa. Puti na ang mga buhok ng karamihan sa kanila pagkatapos ang ilan pa nangingitim na ang mga pekas sa mga mukha. Despite these men being aged, most of them still had that aristocratic aura.

I was right about that. Tito Romualdo informed me that these old men are big businessmen here in San Bartolome. Sila raw ang mga negosyanteng naging katulong ng lolo ko at ni tito para ma-secure ang posisyon nila sa maraming termino.

Tito Romualdo introduced me to some names. There's this one particular man in their group smiling at me during the introduction. I find his grin disturbing. Tumuon agad ako sa kay tito at parang natauhan siya nang nakitang lumingkis ako sa braso nito. Tumikhim ako.

"Gusto mo bang tumakbo, hija? Puwede kitang tulungan basta tama ang negosasyon nating dalawa. Politics is business, afterall." Tumawa ito.

The remaining old men laughed, too. Ganoon rin si Tito Romualdo. Gumaya na lang rin ako maski parang pilit ang dating ng sa akin. Oliveros sounded like a very corrupt man.

I failed to absord the subsequent topics of these aged men afterwards. Totoo niyan kaya ko lang hinayaan ang sariling manatili sa grupo ng mga matatandang ito ay para makuha ang loob nila para sa ikapapanalo ko habang naghihintay sa pagdating nila Joaquin. Few of these businessmen pledged their allegiance to me now. Mga natira na lamang sa kanila iyong pinili nang manahimik sa pulitiko at iyong tapat sa mga Fuego.

Isa sa mga organizers ang lumapit sa grupo namin at pinaalam ngang paparating na ang celebrant. Inanyayahan kami nitong tumayo muna at tumungo roon sa isang specific spot kasama ng mga ibang guests para salubungin raw ang pagpasok ng vice-mayor at mga kapartido niya.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now