Nakasunod lamang sa kanyang likod ang kanina pang tahimik na si Danny.


Nang marating nila ang pangunahing pasukan ng mansyon ay na-inspeksyon sila ng kaunti ng mga taga-bantay. Walang nagawa ang mga ito nang makapkap ang mga baril sa kanilang mga kasuotan.


"What's the gun for, Sir?" Seryosong tanong ng nangunguna sa mga bantay.


Idinirekta ni Valter ang kanyang mga mata rito. "You were not here when we first came here, were you?" Hindi sumagot ang bantay na ikinainis niya. "You think we're stupid enough to let ourselves be unarmed anywhere? This is maybe our allies' quarter, but it's part of our practice to always carry a gun in case of emergency. Isn't that a common sense?"


Napatikhim ang lalaki sa kanyang sarkastikong sagot. "Alright. You may proceed inside, Sir. Please observe proper behavior."


Napaismid si Valter at bahagyang umiling bago dumiretso sa loob. Pansin nila ang napakaraming tauhan sa paligid ng mansyon. Bawat sulok ay may lalaki o babaeng nagbabantay. Tama ang hinala ni Valter nang maisip na pinagsama ng magkapatid na Lovek ang kanilang mga tauhan upang magbantay ngayong gabi sa mansyon. Gayonpaman, hindi natitinag ang determinasyon niyang isagawa ang plano upang iligtas si Clade ngayong gabi.


Natanaw nila si Gaspar na nakaabang sa kanila sa tapat ng isang malaking pribadong silid sa unang palapag. Bahagya itong yumuko sa kanya nang makalapit sila.


"Good evening, Mr. Aed. Dom and Lyanna have been waiting for you inside. Please come in," tumabi ito sa gilid at inilahad ang pinto ng silid.


Walang pasabing pumasok si Valter sa silid kasunod si Danny. Maging si Gaspar ay sumunod sa loob at isinarado ang pinto. Sumalubong sa kanila ang isang may kadiliman na mistulang silid para sa mga pagpupulong. May tipikal na malaking mesa sa gitna at maraming upuan na nakapalibot rito. Ngunit tanging dalawang tao lamang ang nakaupo sa mga ito.


"Aed! Glad you made it." Magiliw na bati ni Dom. Lumapit ito at nakipagkamay sa kanya.


"Yeah. I'm sorry for being a bit late. I had to finish some work in my company." Sagot ni Valter.


"That's okay. We understand since we also have our companies to take care of."


Bahagya siyang tumango sa sinaad ni Dom. Napabaling siya kay Lyanna na tahimik lamang na nakaupo sa kanyang pwesto habang mariing nakatitig sa kanya. Alam ni Valter na malaki pa rin ang hinala nito sa kanyang katauhan.


"Good evening, Miss Lyanna." Bati niya rito.


"Good evening." Walang emosyong sagot nito.


"Well, I think we should get started before it gets very late. Shall we?" Putol ni Dom sa tensyon sa pagitan ng dalawa.


Tahimik na naupo si Valter sa kabilang banda ng mesa habang nakatayo sa kanyang likuran si Danny. Sa kanyang tapat ay nakaupo ang magkapatid na Lovek habang nakatayo sa kanilang likuran si Gaspar. Naka-flash naman sa isang projector screen na nasa harapan ang mga importanteng detalye ng kanilang pag-uusap.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now