Agad naman silang lumingon sa gawi ko.

"Oh I forgot, kailangan niyo palang mag explain tungkol sa nangyari kanina" sabi ni mommy at nilapitan kami

"Are you in a relationship with my daughter, Calixian?" Tanong ni daddy habang naglalakad patungo sa amin.

"Bakit niyo tinago? Hindi naman namin kayo pagbabawalan kung naging kayo man pero dapat sinabi niyo muna sa amin nang hindi kami nagulat" mommy.

Huminga ako ng malalim at magsasalita na sana nang unahan ako ni Calixian.

"Tita, Tito. Wala po kaming relationship ni Felishia. Yung nangyari kanina, it was just an act. We lied. Wala pa kasi akong nahanap na babaeng papakasalan ko kaya nang dumating sila Lola, nag panic ako. I was about to call someone to find me a woman pero yung guests kanina. Yung kumare ni Lola, nasabi niya na Girlfriend ko si Felishia. Kaya wala kaming nagawa kundi magkunwari. I'm very sorry po, it was my fault" pormal na sabi ni Calixian.

Grabe naman to, parang di man lang kinabahan.

"Bakit naman sasabihin nung guests na girlfriend mo ang anak namin?" Daddy.

"Napagtripan ko po kasi si Felishia, at nakita nila kami. Kaya pinakilala ko siya na girlfriend ko." Calixian.

Grabe, hanga na talaga ako sa lalaking to. Hindi ba to kinakabahan? Baka anytime bugbugin siya ni dad?

"Napagtripan huh? Ba't hindi mo nalang totohanin?" Nakangising sabi ni dad.

Nanlaki naman ang mata ko.

"I don't mind kung ikaw ang magiging boyfriend nitong anak ko. Alam kong babaero ka pero I don't know kung bakit may tiwala ako sayo." Sambit ni daddy na ikina gulat ko.

Langya naman oh, akala ko pa naman susuntukin niya tong loko lokong to.

"Yeah, mabuti ngang totohanin niyo yun. Lumalaki na tong anak namin pero di parin nagkaka boyfriend or tumatanggap man lang ng manliligaw. Kaya mabuti pang----

"Mommy! Daddy! Ipinagbibigay niyo na ba ako?"  Sabat ko.

Para kasing feeling ko ibinibilin na nila ako kay Calixian eh.

"Hindi naman sa ganun baby, gusto lang namin na magka boyfriend ka na at mapunta ka sa tamang lalaki na pinagkakatiwalaan namin. Besides, anak siya nang Tito at tita mo, Kilala na namin ang family niya. Kaya panatag na ang loob namin"  mommy

Halos maiyak na ako sa mga pangyayari ngayon.

"But it does not mean na ipapakasal kayo agad. Gusto namin na mas makilala niyo muna ang isa't isa bago yun." Dad.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon