Kabanata 42: Paggising ng Mandirigma

Start from the beginning
                                    

Nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan ng marinig ko ang kanyang sinambit. Gising na si Andra, ibig sabihin gising na rin ang aking espiritu.

"Alam kong may iba ng nakakaalam ng katauhan ni Cluian, tama ba ako Kezia?", alanganin itong tumango at ngumiti. Nakita ko ang lahat ng nangyari.

"Wag po kayong mag-alala, ang sinabi ko lamang po ay kakambal mo siya. Baka kasi hindi na matuloy yung plano mo po pag sinabi ko na kayo ay iisa ni Kuya Cluian eh," nakangiti nitong paliwanag. Ginulo ko ang kanyang buhok ng nawala na ang kirot sa aking puso.

"Kuya...bakit niyo po sinaktan ang sarili niyo? Tingnan mo po kayo ngayon, magaling na ang espiritu ninyo, pero ito namang katawan mo po eh hindi pa naghihilom ang sugat. Bumalik na po kayo sa espiritu ninyo...maging isa n lamang po kayo ulit ni Kuya Cluian," nangungusap nitong sambit. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

Hindi madaling ibalik sa akin ang aking espiritu na ginawan ko ng katawan. Masaya si Andra sa piling ng aking espiritu, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal, kapanatagan, at kasiyahan sa tuwing kasama niya ang aking espiritu. Ako at si Cluian ay hindi kambal, kami ay iisa.

"Kuya, babalik na po ako. Baka po hinahanap na ako ni Ate Andra. Dadalhin ko na lamang po sa kanya itong mga prutas na pinapabigay niyo po," tumango na lamang ako at pinanood siya na umalis.

Balang araw, mauunawaan ninyong lahat ang tunay kong layunin...

Zapira's POV

Masaya na muling magising...

Masaya dahil bubungad sa iyong paningin ang mga taong minamahal mo...

Masaya ako na nakaligtas ako sa nangyaring labanan namin noon...

Pero may kulang, may naramdaman akong kulang ng magising ako, may hinahanap ako. At hindi si Cluian iyon. Pakiramdam ko, may naghihirap..may naghihirap dahil sa akin...

Nagising ako na umiiyak...Hindi ko alam kung bakit. Tiningnan ko ng mabuti si Cluian na hindi pa nagigising. Magkahawak ang aming kamay. May light na nasa gitna nito at nagsisilbing buhay niya. Natatakot ako na kapag bumitaw ako, tuluyan na siyang mawala sa akin.

"Zapira!"

Isang mahigpit na yakap ang bumungad sa aking mga mata matapos kong lingunin ang tumawag sa akin. Si Luna. Imbes na makaramdam ako ng inis, niyakap ko siyang pabalik. At isa na namang dahilan para tanungin ko ang sarili ko ng bakit?

Ni hindi ako makapagsalita. Natatakot ako na iba ang aking mabigkas. Hindi talaga alam kung bakit! Nangungulila ako sa taong kinamumuhian ko! Sa taong dahilan kung bakit ako nagkaganito!

Ano ba self! Tumigil ka na!

"Ayos ka lang ba Zapira? Hindi ka ba masaya na nagising ka na?" Tanong niya sa akin ng kumalas na siya sa pagkakayakap. Luna look at me in the eye and I can't help but to cry...

"S-si....y..yung...si...a-ano...si...L-lucian...?"

Her eyes become wide but then she manage to compose herself. Alam kong nakakagulat ngunit iyon ang dahilan kung bakit ako natatakot na magsalita! I know it's wierd and disgusting! Pero sa ikakapanatag ng aking kalooban ay sinambit ko.

"Y-you know?"

Napakunot ang aking noo...

"Ang alin? May kailangan ba akong malaman?", I ask. Umiwas siya sa akin ng tingin. She's suspicious. Anong itinatago mo sa akin Luna?

"Ah, w-wala, tatanong ko sana kung naaalala mo yung huling nangyari sa inyong dalawa ni Cluian?" ,she's changing the topic. I know when someone is lying or keeping a secret. Dapat alam niya na ang kakayahan kong iyon dahil minsan ko na iyong ipinamalas sa kanya noon.

Lantria Supremo De LunaWhere stories live. Discover now