"Yes madam." sagot ulit nila.

"Good. You may all now dismissed."

Agad naman nag-si tayuan ang mga ito at dali-daling lumabas ng conference room.

Ako naman ay nag-paiwan para pakalmahin ang sarili dahil sa pagod at stress. I close my eyes and rested for about a minute. Maya't-maya pa ay narinig ko ang boses ng secretary ko.

"Uhm, Ma'am Ricci?" tawag nito sa akin.

"What is it?" pikit matang tanong ko.

"May bisita ho kayo sa opisina nyo."

I groan inwardly and let out a heavy sigh. "Who is it?"

"Si Dra. Tuazon po."

Dumilat ako at tumayo, lumabas ako ng conference room saka tinungo ang opisina ko.

Agad kong nakita ang aking kaibigan na si Heart na nakapwesto sa visitor's chair.

"Hey." tawag ko sa kanya na agad namang lumingon sa akin. Nagbeso kami bago ako umupo sa swivel chair. "What brought you here?"

"Pupunta ulit mamaya sa hospital namin ang taga DOH at CIDG para mag-conduct ng investigation regarding duon sa namatay na anak ng senador na naging pasyente namin a week ago."

"Okay, how can i help you with that?"

"I don't want any other Medias going there to take a live coverage except for RIBC. Kayo lang ang pweding pumunta duon. I have enough bullshits and lies from the other medias kaya ayaw namin silang papapasokin."

"On going parin yung kaso?"

Heart sighed wearily. "Unfortunately yes. Ayaw kasing maniwala ng senador na cardiac arrest yung ikinamatay ng anak niya. Feeling niya daw kasi may foul play na nagaganap. It's ruining our Hospital's reputation you know."

Napailing ako. "That must be so stressing."

"Yes it is." pagod niyang sagot.

"Don't worry, i'll send some reporters there. Rest assure that we will hear both sides of the camp before airing it live in the news later at evening."

"Thank you." she smiled at me. "Sa RIBC lang talaga ako may tiwala."

"You're welcome." nakangiting sagot ko.

"Anyways, nag-usap na ba kayo ni Vaughn?" she change the topic. "Nagkita kasi kami kahapon dahil umuwi ako ng bahay. Nabanggit niya sakin na may tampuhan daw kayo."

Agad akong sumimangot. "Not yet. I'm still mad at her."

Tumikhim si Heart. "I don't want to interfere, pero sana mawala sa isip mo na hindi ka niloloko ng kakambal ko."

I heaved a sigh. "Your twin is the one who gives me a reason, Heart. Malaki parin ang paniniwala ko na may namamatigan sa kanila ng assistant niyang 'yon."

Heart chuckled while shaking her head. "Gail is a nice kid, Maui. Kilala ko siya dahil naging yaya namin yung nanay niya. She's not the person you think she is."

"Ah basta, malakas parin ang kutob ko may secret agenda sila ni Vaughn. I could feel it in my instincts."

Napailing nalang ulit si Heart kapagkuwan ay tumayo na at nagpaalam. "Hindi na ako magtatagal, may mga pasyente pa akong dapat alagaan. I'll go ahead now,"

"Bye, ingat." i waved a hand at her.

Paglabas ni Heart ay inaabala ko ang sarili sa pagbabasa ng mga dokumento at book of accounts ng kompanya. Aside from being a journalist and a news anchor, i am also the current vice president of operations here in RIBC. Bukod pa dito, isa din akong professor sa subject na Media Ethics at Multimedia Journalism sa isang public university kung saan isa din ako sa mga board of directors.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon