FIVE: SHATTERED PIECES

73 8 7
                                    


Shattered Pieces


"Ang laki naman ng lugar na 'to, anong budget ba ang hininga nila sa school?" Tanong ko sa sarili ko ng nasa harap na ako ng headquarters ng Elite Club.

Parang ang unfair naman ata ng School dahil maraming beses na ako nag request sa kanila ng fund para suportahan ang club ko which is a necessary one but they keep refusing and telling me na masasayang lang ang fund and this nonsense club, do have a better place than our own classrooms!?

Iniangat ko ang kamay ko para kumatok pero mabilis kong binawi 'yun dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakaharap ko sila. Lalong lalo na 'yung lalaking 'yun. If I'm not mistaken his stupid name is Jun.

"I can't" Mahinang bulong ko sa sarili ko sabay talikod ko. "Pwede pa naman ako mag pa approve sa..." Natigilan ako ng maisip ko kung ano nanaman ang pagdadaanan ko kapag muli akong gumawa ng request letter at kung kanino ako mag papa approve ng finale letter ko. Kay Ms. Victoria. One of the terror teachers at the University and I remember na umabot ng 1-month ang letter ko sa kanya, sa pag papa sign lang.

I can't wait that long again because we badly needed the fund as of now. If not, tuluyan nang mapapasara ang club ko.

Muli akong humarap sa pinto at naglabas ng pagka lalim-lalim na buntong hininga at lakas ng paninindigan bago ko katukin ang pinto nila. I hope I did the right action right now. I hope!

"Who's there?" Nagulat ako ng may boses na lumabas sa maliit na monitor sa tabi ng pinto. How can they afford this technology just for this headquarters only?! It's so unfair!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa monitor doon at nagsalita. "Ahmm..." I can't find the courage to speak and introduce myself.

"Oh! I know you! Wait bubuksan ko lang!" Sabi ng tao sa kabilang monitor. Ganun na ba ako ka famous sa kanila at parang kilalang kilala na nila ako? Paano ba ako napunta sa gantong mundo. My gosh!

Naikuyom ko ang kamay ko habang nasa harap ako ng pintuan at wala akong maramdaman sa mga oras na 'to kung hindi kaba. Mag back out nalang kaya ako. Pilitin ko nalang si Ms. Victoria at baka magawan niya ng mas maaga. Tama back out nalang ako.

Patalikod na ako ng marinig kong bumukas ang pintong nasa harap ko. "Hey! You came! " Naiurong ko ang hininga ko at halos manlaki ang mata ko ng makita ko sa harap si Mio.

"Halika pasok ka! Kanina ka pa namin inaantay!" Nagulat ako ng bigla akong hilahin nito papasok sa loob ng hindi man lang ako nakakapalag.

"Kanina pa?" Takang tanong ko rito at lumingon lang siya sa'kin para tumango. He is Mio Sandoval, the twin and opposite personality of Rui Sandoval. He is well known as the jolly type person on their team and the certified prankster among them.

Kung tatanungin at bakit masiyado ko silang kilala, bukod sa sikat sila sa campus, I am also a journalist who happens to know the life of these people for the entertainment section.

My eyes roam around their headquarters and base on my observation, I can now scream inside of me! It's so unfair! They have the whole big room as their headquarters and it has rooms too! It's not a normal headquarters for a club only, it looks like a dorm.

"She's here!" Napatingin ako sa harap ng bitawan ni Mio ang kamay ko at mas lalong kumabog ang dibdib ko ng mapansin kong lahat sila ay naririto.

"Nice to see you again." Nakangising sabi ng lalaking nasa gitna which is si Jun, habang winawagayway nito ang papel na nasa kamay niya. The letter!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ELITE CLUBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon