FOUR: LETTER

40 6 3
                                    


LETTER



"Tumawag na din ang Kuya mo, mamaya uuwi daw siya kaya inayos ko na ang higaan niya." Bungad sa akin ni Manang Lucy sabay abot nito sa akin ng sapatos. Mabilis ko namang sinuot 'yun at inayos ang damit ko bago muling humarap sa akin.

"Oh, mag iingat ka sa pagpasok mo ah." Paalala sa akin ni Manang kahit na kanina pa ako nag he-hesitate pumasok dahil ayokong makita o makasalubong man lang 'yung lalaking 'yun o sino man sa elite club. Sumasakit ulo ko sa kanila.

Nagkulang din ako sa tulog dahil sa kakaisip sa nangyari sa akin. Everything is too much for a day. Nalaman ko din na ang lasing na si Kael pala ang sinundo ni Jiroh. One of their club members. Bakit ba ako na iinvolve sa buhay nila! Aish!

"Ano? Alis na at kanina ka pa nakatulala diyan." Pagtulak sa akin ni Manang kahit na kontra naman ang paa ko.

Wala naman ako nagawa ng tuluyan niya na akong hilahin palabas kung saan nag-aantay na sa akin si Mang Agustin. Pasakay na ako ng sasakyan ng makarinig kami ng busina mula sa gate namin kaya dali-dali akong nag-angat ng tingin at nakita ko kaagad ang sasakyan ni Justin.

"Hoy babaita! Samin ka sasabay! Hi Manang Lucy, Hi Mang Agustin!" Sigaw ni Nathalia na nasa gunshot seat at ng ibaba nito ang windowshield.

Mabilis naman akong tumakbo sa gawi nila. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"Kikidnapin ka, pinagpapalam ka lang. Natural susunduin ka." Sarcastic na sagot sa akin ni Nathalia sabay ikot ng mata nito. "Hop in! May ichichika ka pa sa amin."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito pero hindi na ako nag-alangan pa at nagpaalam na ako kina Manang Lucy at Mang Agustin na kina Nathalia at Justin ako sasabay.

Binuksan ko kaagad ang backseat para doon maupo. "Okay go..."

"Babaita ka! Hindi ka man lang nagsasabi!" Hindi pa ako tuluyang nakakaupo sa loob ng bigla akong komprontahin ni Nathalia. Naisarado ko naman ang pinto at tsaka na pinaandar ni Justin ang sasakyan.

"So, what happened? You're keeping secrets from us huh." Bungad naman ni Justin sa akin habang pasulyap-sulyap na back mirror.

Naguguluhang tumingin ako sa kanilang dalawa dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa?"

"At ngayon hindi mo na alam? Ayan ka eh, di mo na kami sinasabihan." Nagtatampong sabi ni Nathalia na mas lalong nagpabuhol sa isip ko.

"Wait nga! Hindi ko kayo maintindihan eh." Pigil ko sa kanilang dalawa. "Anong ibig niyong sabihin na hindi ko sinasabi? Ang alin kasi clueless talaga ako." Pagpupumilit ko sa kanila.

"Alam mo, tignan mo nalang 'to." May kinalikot si Nathalia sa phone niya bago 'to iharap sa akin. "Oh, explain this." Tukoy niya.

Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa litratong pinakita nito sa cellphone niya. Ako at si Rui, nung time na nagpapanggap kaming naghahalikan!

"Okay, explain that. Diba ikaw 'yan? Ang linaw-linaw." Ini-scroll pa nito ang pictures na nasa article kaya kinuha ko na 'to sa kamay niya at tinignan isa-isa ang pictures.

May litrato ako dito kung saan pumasok ako sa loob ng bar at may mga lalaking nakapaligid sa akin, 'yun yung mga lalaking manyak. Iniscroll ko pa pababa ang picture at nakuhanan ako ng picture kung saan hila-hila ni Rui ang kamay ko palabas ng bar, sumunod na litrato ay 'yung magkatalikod na kami at nakahawak ako sa ulo niya although di naman nakita na nagkikiss kami kahit in fact, hindi naman talaga pero kung gan'to ang kuha, talagang iisipin mo na nagkiss kami. Muli kong binaba ang scroll ko at ang huling pic na nakunan sa akin ay 'yung sumakay ako sa loob ng sasakyan ni Jiroh although tinted ang salamin, alam ng buong campus ang sasakyan ng isang Jiroh Andales!

ELITE CLUBOù les histoires vivent. Découvrez maintenant