TWO: GELATO

67 14 3
                                    


Gelato



"Let say that mitosis consist of one cell division, can someone tell me what does meiosis does? Anyone?" Tanong sa amin ng Science teacher namin.


Hindi naman ako mapakali sa upuan ko dahil sa kakaisip kung paano ko ba makukuha ang nametag ko. It's an exclusive nametag that given to each student and mine was very important specially the fact that it has a color coding that represents my club, representing that I'm a journalism club president.


"Ayane." Napatingin ako sa katabi kong si Nathalia na pinanlakihan ako ng mata. "Stop, nahihilo ako sa pag-galaw mo." Tukoy niya sa paa kong kumukuyakoy.


"Sorry." Sabi ko na lang dito tsaka ako muling tumingin sa harap kahit hindi ako mapakali.


"No one knows?" Muling tanong ni Ms. Science teacher at nagpalinga-linga pa siya sa paligid hanggang biglang magtama ang paningin namin. Shoot! "You! Ms.?"


Turo niya sa akin kaya tumayo ako sa kinauupuan ko.


"Where's your nametag?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Nathalia na nasa tabi ko at kay Justin na malapit lang sa pwesto namin. Anong palusot ang sasabihin ko?


Nakatingin sa akin ang lahat at ang Science teacher namin na nag-aantay ng sagot sa akin. "Ahm, nasa-" I pause for a while. "Library po, hiniram lang po ng librarian." Halos masapo ko ang kamay ko sa noo sa isip ko dahil sa palusot ko. Kagaling talaga Ayane.


"Oh, okay. Anyway, what does meiosis have?" Ganun lang kabilis 'yun? naniwala kaagad ang teacher namin.


"In meiosis. it involves two successive cell division." Sagot ko rito.


"That's right! Thank you Ms. Whatever your name is." Naupo naman na ako matapos ko sagutin ang tanong niya. Mas lalo tuloy ako nabahala dahil sa pagkawala ng nametag ko dahil sa reaction ni Ma'am.


"So we clearly see-" Natigil sa pagsasalita si Science teacher ng tumunog ang school bell, hudyat na break time na at tapos na ang klase niya. "Okay, we will continue this tomorrow, we will also have a special pop quiz tomorrow. Class dismiss" Dagdag nito bago tuluyang nagpaalam kaya nakarinig naman ako ng kanya-kanyang violent reaction mula sa ibang classmate ko.


"Oh anong gagawin mo ngayon?" Tanong sa akin ni Nathalia ng ligpitin ko na ang mga gamit ko sa lamesa ko.


"Magrereview malamang."


"Tanga, di 'yon ang tinutukoy ko. Yung nametag mo ang meant ko." Ayy, sorry naman. Na pre occupied kasi ako sa pop quiz na for sure ten times ang hirap ng tanong kahit level 1 lang ang turo.

ELITE CLUBWhere stories live. Discover now