CHAPTER 9

397 19 0
                                    

APHRODITE'S

"Sigurado ka manunuod ka? Romantic comedy to ang gusto mo ay horror diba?" Tanong ko sa katabi ko na si dash habang nanonood kami.

"Oo naman! At Maganda naman daw sabi ni deana edi panoorin natin" sabi niya at kumuha sa kinakain ko.

"Oo maganda to ilang beses ko na napanood to eh" Sabi ko habang nakatutok ang mata sa movie.

"Oh ilang beses niyo na pala napanood bat papanoodin niyo pa ulit ngayon?" Tanong niya.

"Gusto niya ipanood kay faye eh" sabi ko at tumawa.

"Hoy nandito tayo para manood hindi para magharutan kayo dyan dalawa nagtatawanan pa kayo" sabi ni deana kaya napatingin ako kay deana.

"Sungit! Nag uusap kami hindi naghaharutan nuh!" Sabi ko.

"Oh talaga pakyu-" di niya natapos sasabihin niya ng sinita siya ni dale.

"Sabi ko wag kayo nagmumura diba" sabi ni dale. Inirapan ko lang siya dahil sakin siya natingin. Bat sakin siya natingin ako ba yung nagmura at sana umalis na lang sila dito tulog naman yung jowa niya hindi naman nanonood tsk. Ganda ganda ng palabas tapos tutulugan lang hmp

"Baka gusto na umuwi ng kasama mo dale mukhang pagod" sabi ko kaya napatingin nanaman siya sakin bago tumingin kay isabella na nakayakap sakanya.

"Hey isabella kung pagod ka pwede ka na muna umuwi" marahan na sabi niya kay isabella.

"Ahm sorry dale pagod talaga ako siguro nga uuwi muna ako ngayon" sabi niya at malambing na niyakap si dale.

Sakit sa eyes myghad!

"Hmm sige pahinga ka ng maayos ha" sabi naman ni dale. Tumango si isabella at hinalikan muna niya si dale sa labi bago tumayo kaya napatingin sakanya ang lahat.

"Ahm deana sorry need ko na umuwi di ko matatapos yung movie" sabi ni isabell. Ngumiti naman si deana bago tumango.

"Sige ayos lang ingat sa byahe" sabi lang ni deana bago tumingin ulit sa pinapanood.

"Mawawala din sa wakas ang epal" mahinang sabi ko pero nagulat ako ng binangga ni isabella yung paa ko.

"Excuse me harang ka kasi BATA" sabi niya at umirap bago umalis sa entertainment room.

"Aba gago-"

"Nauna ka Aphrodite wag mo mamura mura si isabella" napatingin ako sa kabilang sofa na malapit sakin.

"Edi wow" inis na sabi ko at inirapan si dale. Si isabella naman nauuna lagi mainit ulo sakin nun matanda na kasi tsk.



HAYST natapos na yung movie.

"5 pm na ano faye uwi ka na ba? Sabi ng tita mo bago mag 6 uuwi ka diba?" Sabi ni deana. Tumango si faye.

"Oo uuwi na ako nandyan na nga daw si tita sa labas ng mansion niyo" sabi ni faye at tumayo.

"Hm sige halika hatid na kita sa gate. Aphrodite ikaw sama ka?" Tanong ni deana umiling lang Ako.

"Hindi na pagod ako ingat na lang faye byeeee" sabi ko

"Ang ganda nung movie nuh?" Sabi ko kay dash na nakain pa din ng popcorn hanggang ngayon.

"Oo maganda nga" sabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ni dash. No! Wag niyang sabihin iiwan niya ako kasama si dale dito sa loob?!

"Wait aphrodite ha saglit lang to" sabi niya at lumabas na. Pangit mo dash hmp! Mang iiwan.

"Aphrodite" napatigil ako sa pagmura sa utak ng tinawag Ako ni dale.

"Ano?" Inis na sabi ko kunyari di natatakot na sisigawan niya ako.

"Hindi ko ginusto yung inasal mong ugali sa harap ng girlfriend ko" seryosong sabi niya.

"Nauna naman siya dati siya naman lagi nauuna kahit-"

"Wag ka na magpaliwanag rinig na rinig ko tinawag mong epal si isabell umayos ka ampon ka lang pero feeling may ari ka ng bahay na to" sabi ni dale at unang lumabas ng entertainment room.

Hindi ko napansin naluha na ako.

"Si isabella naman lagi nauuna pero ayaw mo maniwala" malungkot na bulong ko at tahimik na umiyak.

(Flashback)

Masayang naglalakad si dora- charot ulit ehem. Habang naglalakad ako papasok ng school napatigil ako ng harangin ako ni isabella at ng mga alipin niya.

"Oh hi bata" nakangiti na sabi niya pero alam ko naman peke yun.

"Ano kailangan niyo?" Yun agad sabi ko. Wag sila magpaligoy ligoy pa alam ko may sasabihin sila kaya nila ako hinarang.

"Hm well bata napansin ko kasi dikit ka ng dikit kay dale at minsan narinig kong tinawag mo siyang ano nga yun? Daley baby! Ang korni huh." Sabi niya at nakipag tawanan sa kasama niya. Narinig niya siguro yun nung sinama ako ni tito sa party kasama ang kambal at inaasar ko si dale nun nayakap yakap pa ako kahit naiirita na siya.

"So share mo lang?" Sabi ko. Mukha nainis siya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin bago tinulak at dahil mas matangkad siya sakin at mas malakas natumba agad ako nasugatan pa siko ko.

"Layuan mo si dale! Akin siya! Akin lang! Naiintindihan mo?! Bata bata mo ang landi landi mo na!" Inis na sabi niya sakin at sinabunutan ako para magtapat ang mukha namin.

"Ikaw nga maganda ka nga pero para kang aso na sunod ng sunod kay dale! Hindi nun kailangan ng aso na sunod ng sunod sakanya!" Inis na sabi ko nagulat ako ng sampalin niya ako at sinabunutan.

"Lumayo ka kay dale! Akin siya! Akin!" Sabi niya bago ako binitawan at umalis siya.

Napangisi naman ako. Kung hindi lang ako ma-call parent baka ginantihan ko na yun kaso nakakahiya kay tito.

"Gaga ano nangyari sayo?! Kailan ka pa naging basagulera?" Bungad sakin ni deana. Kasi naman gulo gulo buhok ko tapos may sugat sa siko tapos namumula pa ata pisngi ko dahil sa sampal ng bwisit na babae na yun.

"Kanina lang" tipid na sabi ko at sinuklay ang buhok ko.

(End of flashback)

Oh diba kahit wala pa sa school namin sina dale dati inaangkin na niya si dale. Nagkakilala kasi sila ni dale sa mga party ng mayayaman ganun chismis sakin ni dash yun dun daw nagkagusto si dale kay isabella. Sus! Nagkagusto daw pero nilandi yung andrea dati.

"Huy ginagawa mo pa dyan? Tara na sa baba nandun si mama at papa hinahanap ka" napatingin ako sa pinto bigla sumulpot si deana.

"Sige sunod ako" yun lang sabi ko bago tumayo at inayos ang sarili.

Makaka move on din ako kay dale bata pa ako madami pa ako magiging crush.



PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH HAHAHAHA





UNWANTEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن