CHAPTER 1

2.3K 33 1
                                    

APHRODITE'S

Condo. Condo ako nakatira. Dati nakatira ako sa mansion ng mga trevino wala na kase akong magulang ang mga trevino ang nagpalaki sakin. 8 years old ako nung nagising ako na nasa mansion ako ng Trevino ang naalala ko may nanay ako pinapatulog niya ako.


'hey baby sleep ka muna ha pag gising mo ligtas ka na'


Yun ang naalala ko. Hindi ko nga alam kung nanay ko ba nagsabi nun eh. Pero boses babae.


Natigil ako sa pag iisip ng may kumatok sa pinto ko.


"Oh hestia, Kuya hypnos ano ginagawa niyo dito??" Tanong ko.



"May dinner sa Trevino mansion later kailangan nandun ka " sabi ni kuya hypnos.


Tuwing weekend kasi may dinner lagi sa Trevino mansion. Parang every weekend may reunion ang family nila. Di ko nga alam bat kasama ako di naman ako belong sakanila ampon lang naman nila ako.



"And you are not allowed to refuse. Tumanggi ka na nung isang beses remember?" Sabi naman ni hestia.


Oo nga tumanggi ako yun yung araw na ipapakilala si deana at si tita Victoria sa mga trevino wala kasi ako sa mood nun kaya sabi ko masama pakiramdam ko. Saka tagal na nun ah! Naalala pa ni hestia jusme.


Huminga na lang ako ng malalim.


"Okay okayyy... Pupunta ako mamaya" sabi ko.


Ngumiti naman ang dalawa.


"Good" sabay pa na sabi.


"Miss ka na nina tito. So need mo pumunta later okay? At miss na din kita I miss doing your make up" sabi ni hestia at tumawa.


Ang babait ng mga Trevino tinuturing nila akong tunay na pamilya kahit na di nila ako kadugo.


Umirap na lang ako.


"Yeah whatever sige na mag aayos na ako para mamaya." Sabi ko.


"Sunduin ka namin mamaya" sabi ni kuya hypnos at pumasok sa katabing condo ko.


Yes, tabi condo namin ni kuya hypnos dito talaga ako nilagay ni tito George para daw may magbabantay pa rin sakin kahit malayo ako.


Habang busy ako sa pag aayos ng gamit ko papunta sa mansion mamaya nag vibrate yung cellphone ko. May nag text malamang.

DEANA GAGA:

Oy babae punta ka sa dinner mamaya ha!


Napairap naman ako. Maka babae naman to parang siga sa kanto magsabi.


ME:

Yes po mahal na prinsesa nag aayos na nga ako ng damit ko kasi alam ko dyan nila ako papatulugin.

DEANA GAGA:

Good.


Hayst magkakamag anak talaga sila pare parehas hilig Sabihin ang word na 'good' sakin.








PAGDATING sa Trevino mansion makikita mo sila lahat sa dinner table ung iba nasa sala nanunuod.

"Omygosh aphrodite I miss you!!" Bati ni ate venus sakin at niyakap ako.

Galing siya sa Italy model kasi si ate venus sa ganda at sexy ba naman niya malamang model talaga to.

"Aww I miss you too ate" sabi ko din.


"Btw may pasalubong ako sayo! Here" sabi niya at binigay sakin ang dalawang paper bag na mukha mamahalin.

"Open it" excited na sabi ni hecate na Kapatid nina hestia.


Pag bukas ko ng paper bag puro damit na mamahalin. Isang white dress off shoulder. At red dress na ang ganda niya.


"You like it?" Tanong ni ate venus.


Ngumiti ako.


"Of course naman ate ang ganda kaya ng bigay mo!" Sabi ko at niyakap siya sa tuwa.



"Uyy may bagong damit nanaman si aphrodite namin!" Napatingin ako sa hagdan bumababa ang magkakapatid. Si dash, dale and deana.



"APHRODITE!!" sigaw ni deana at niyakap ako ng mahigpit


"Hala siya oh parang ilang araw ako nawala ah" pang aasar ko pa.


"Zup aphrodite" bati ni dash sakin.


"Zup kuya" pang aasar ko sakanya. Inirapan lang ako ni dash.



"Gaga one week ka di nagpakita nag aalala kami ni faye sayo nun kala namin kung ano nangyari sayo" sermon ni deana sakin.


Nagkaproblema kase ako nung araw na yun kaya di ako pumasok.



Napatingin ako kay dale. Masamang tingin lang ang binigay niya sakin. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit galit sakin si dale. Kasi siya lang ang Trevino na galit sakin. Pag tinanong mo naman kung bakit galit ang isasagot niya ay "kasalanan mo" tapos sabay alis like tangena anong kasalanan ba yung sinasabi niya?! Tapos dinagdagan ko pa yung ikagagalit niya sakin ehe


"Tsk" yun lang sabi niya bago kami tinalikuran.



"Hayst lagi na lang may regla to'ng si dale" sabi ni ate venus nung umalis si dale.


Napatingin ako kay dale na nasa dining area naka upo ng tahimik.


Siya. Siya ang problem ko.

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon