CHAPTER 3

694 21 4
                                    

APHRODITE'S


Ang aga ko masyado ha. Anong oras pa lang 7 am ng umaga nandito na ako sa school buti nga open na yung school nun kaya pwede na ako pumasok may mga students na din sa ibang classroom pero konti lang. At dahil maaga ako alam ko makakatikim ako ng batok kay Hendrick sabi kasi niya sabay kami papasok ngayon bahala siya.


"Ay pota nagugutom ako" bulong ko. Aga aga kasi di pala ako nag almusal gagi.


"Ate ahm bacon and egg nga po tapos fried rice po" sabi ko kay ate perly na nagtitinda sa cafeteria namin.


"Oh aphrodite ang aga mo ha di ka pa nag almusal sa bahay niyo" sabi ni ate.


"Nagbabagong buhay na ako ate maaga na ako papasok" sabi ko at tumawa.


"Sus ewan sayo oh ayan na pagkain mo 50 pesos yan tapos may libreng gatas na para sayo" sabi niya at binigay sakin ang tray na may pagkain ko.

"Yown thank you ate" sabi ko at umupo na sa upuan na malapit sa bintana.

Susubo pa lang ako ng pagkain ng biglang may bumatok sakin.

"Aba tangi-"


"Oh! Subukan mo ko murahin aphrodite ha yang bunganga mo nahahawa na kay deana" sermon ni Hendrick na kala mo tatay ko tsk. Mukhang badtrip si lolo Hendrick niyo.


"Eh kita mo nakain ako bigla babatok sino di mabubwisit sayo ha lolo Hendrick!" Inis na sabi ko at kumain. Bwisit


"At sino din hindi mabubwisit sayo sabi ko sabay tayo pero nauna ka pa sakin bruha ka" binatukan niya ulet ako kaya natawa ako.


"Gago pakainin mo nga ako" sabi ko sabay inom ng gatas.


"Eh sorry naman iniwan mo kase ako eh" sabi niya sabay inom ng Gatorade na hawak niya.


"Okay lang yan sanay ka naman na iniiwan eh" sabi ko habang nakain.



"Gago personalan na tayo dito ah" sabi niya sabay batok sakin.



"Gago kanina ka pa nabatok" sabi ko at hinampas yung braso niya kaya natapon yung gatorade sa pants niya.


"Ay pota" gulat na sabi ni Hendrick.


"Sorry lolo Hendrick ehe" sabi ko.


"Tsk buset ka talaga" sabi niya bago umalis sa harap ko malamang magpapalit yun.


"Sorry na bebe Hendrick labyu" sabi ko habang natawa at nag flying kiss sakanya.

"Whatever aphrodite" asar na sabi niya kaya natawa ako at bumalik sa aking pagkain.


Pasubo na ako ng kinakain ko ng may nagsalita sa likod ko.



"Landian na pala ang cafeteria ngayon" napatingin ako sa nagsalita si dale pala.


"Ginagawa mo dito? Diba hindi naman na kayo nag aaral ni dash bat nandito ka ha" mataray na sabi ko. Aba minsan ko lang tinatarayan to pagbigyan niyo na.


"Hinatid ko si deana" simpleng sabi niya.


"Ah ganon? Edi wow" yun lang sabi ko at isusubo ko na sana yung kinakain ko ng nagsalita ulit siya.



"So dito talaga kayo sa cafeteria naglalandian ni Hendrick?" Sabi niya.



"Landian ka dyan. Eh kuya na tingin ko kay Hendrick minsan nga mukha ko na siyang lolo eh anong landian ka dyan?! Naiimagime mo ba yang sinasabi mo na lalandiin ko ang lolo o kuya ko?! Parang tanga" inis na sabi ko.


"Pero hindi mo siya kuya na totoo hindi kayo magkadugo kaya pwede mo siya landiin" sabi pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.



"Paladesisyon ka? Hindi ko nga lalandi yun tangina mo naman kung gusto mo ikaw lumandi kay Hendrick support pa kita!"


"Ano sa tingin—"




"Hush shut up Daley baby alam ko nagseselos ka pero sana naman patapusin mo ako kumain kasi gusto ko na maubos to'ng kinakain ko baka lang naman diba" sabi ko at ngumiti gantong nagugutom ako istorbo.



"Hindi ako nagseselos—"


"Yeah whatever kunyari naniwala ako" sabi na lang.


Inirapan niya ako bago umalis.


"Mygosh daley baby is pikon na naman iniwan agad ako omigash talaga." sabi ko at kumain na ng tuluyan


"Oh ano nangyari kay boss dale bat parang gusto manakal nun?" Tanong ni Hendrick na kakadating lang.



"Oo ikaw gusto sakalin nun eh" sabi ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.



"Bat ako nanaman? Kakadating ko lang"


"Pag sinakal ka kantahan mo ng choke me like you hate me" sabi ko at tumawa.


"Bwisit ka kamo. Bat nga ganun mukha nun?" Inis na sabi niya.



"Eh kasi naglalandian daw tayo! Mukha ba tayo naglalandian?! Naiimagime niya ba na pwede maglandian ang mag-lolo na tulad natin! Apo mo ko tapos lalandiin mo ko yucks ganun naiimagine ni dale parang—"



"Dami mo sinabi. Saka maka lolo ka sakin ha! Kapal mukha mo. Saka di naman kita lalandiin mandiri ka nga para na kita nanay tapos bungangera ka pa— aray aphrodite ha!" Inis na sabi niya habang hinihimas yung braso niya na hinampas ko.



"Maka nanay ka bwisit ka ah! Mas matanda ka nga sakin gurang!"

















UNWANTEDWhere stories live. Discover now