Chapter 12

29.3K 738 25
                                    

Cute Size

Nagising ako dahil may kumikiliti sa aking tainga.

"Hmm..." Ungol ko sabay hawi sa bagay na tumatama sa 'kin habang nakapikit.

"Hey..." malambing na tinig ang aking narinig.

Anghel ba 'yon? Teka? Na salvage na ba ako ni boss?

"Wake up, sleepy head..." mahina ngunit may lambing na sabi muli ng anghel.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakangiting lalaki ang bumungad sa 'kin.

"May lalaki pala na anghel?" wala sa sarili kong saad.

Natawa naman ang lalaking anghel sa aking nasambit.

"Still in dreamland, huh?" Binugahan ako nito sa mukha ng kaniyang mabangong hininga.

Napapikit-pikit naman ako at nagising ang aking diwa. Doon ko lamang napansin na ang boss ko pala ang nanggigising sa 'kin.

"B-Boss?! Gising kana pala?"

"Kanina pa po at kanina pa rin kita ginigising..." nakangiti nitong sagot.

Napaupo ako sa kama na aking hinihigaan. At doon ko napansin na bagong ligo na nga ito. Ready na talagang umalis.

"Ano po ba'ng oras na?"

"It's 10 am."

"Hala!" Nagmadali akong umalis sa kama at tarantang pumasok ng banyo. Pero agad din napatigil nang maalalang wala nga pala akong baon na damit.

"Belle..." Kumakatok na tawag sa 'kin ni boss.

Dumungaw naman ako sa pintuan.

"Yes, boss?"

"Here..."

May inaabot ito sa aking paper bag kaya nagtataka ko naman s'yang tinignan. Pero kinuha rin sa kamay n'ya ang hawak nitong paper bag.

"A-Ano 'to, boss?"

"Your things... Clothes."

"Saan galing?"

"Pinabili ko," simple nitong sagot.

"Pati underwear?!" Nanlalaking mata kong tanong.

"Yeah."

"Paano mo nalaman ang size ko?"

Tinignan naman n'ya ako at tumigil sa bandang dibdib ko kaya napatingin din naman ako rito.

"Cute size ka lang naman kaya hindi mahirap."

"C-Cute size?! Insulto ba 'yon?!"

"Huh? Bakit? Ano ba dapat ang size?"

"Aba! Gusto mong ipakita ko pa sa 'yo para malaman mong hindi s'ya cute size?!"

Naghalukipkip ito at tumayo nang maayos sa harapan ko.

"Let me see, then," sabay ngisi pa nito.

Napatakip naman ako sa aking dibdib.

"Bastos mo, boss!"

"Ako? Sabi mo ipapakita mo, ready naman ako. Bakit ako pa ang naging bastos?" inosente n'yang tanong.

"Oo nga, 'no?" tanong ko rin sa sarili ko.

"Ipapakita mo na ba?" Nakangising tanong nito.

"Hindi! Asawa ko lang ang makakakita nito!" sabi ko at pinagsarhan s'ya ng pinto.

"Oo, ako lang talaga dapat ang makakita n'yan!" Sigaw nito sa labas ng pinto.

Sinasabi n'on? Bahala nga siya! Makaligo na nga lang.

Inosente Series #1: Stolen Innocence✔️Where stories live. Discover now