"Open your mouth, Belle," bulong nito sa labi ko.

"Ha—"

Bigla ulit ako nitong sinunggaban nang ibuka ko ang labi ko para sana magtanong. Hindi lamang labi niya ang gumagalaw kung hindi pati ang kaniyang dila. Ilang segundo lamang ay kusa ng pumikit ang aking mga mata at ginaya ang kaniyang ginagawa. Naramdaman ko pa ang pagngisi nito pero saglit lamang at hinalikan na muli ako.

Hinapit ni Lucas ang baywang ko ng isa n'yang kamay upang mawalan nang espasyo sa pagitan namin. Samantalang ang isa naman niyang kamay ay nasa aking pisngi.

Sa pagtagal nang halikan namin ay may iba na akong nararamdaman sa sarili ko. Para akong na iihi na hindi naman, parang may kung ano sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

May naramdaman akong tumusok sa may bandang tiyan ko. Pero hindi ko magawang tignan kung ano dahil sa halik ni boss.

Mayamaya pa ay tumigil din ito pero malapit pa rin ang mukha namin sa isa't-isa. Pareho kaming habol-hininga matapos no'n. Nahihiya naman akong tumingin sa kan'ya dahil hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Hindi kasi ako marunong humalik!

"Happy birthday... Comfort room lang ako. Open your gift. I'll be back in a minute."

Nagmamadali itong umalis habang nakahawak sa kaniyang puson.

"Ihing-ihi na siguro 'yon? Tss. Tagal ba naman kasing humalik. Ihing-ihi na pala."

Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang paper bag na dala niya. Pagbukas ko ay bumungad sa 'kin ang isang kahon na may larawan ng cellphone. Nanlalaki naman ang aking mga mata dahil siguradong mahal ito.

"Hindi ko naman kailangan ng cellphone. Okay naman ako sa cellphone ko kahit hindi latest."

Ilang minuto pa akong naghintay pero wala pa rin si boss kaya sumunod na 'ko. Baka kasi napaano na 'yon sa banyo.

Pagkarating sa tapat ng banyo ay kumatok ako.

"Lucas?" tawag ko sa pangalan n'ya.

"B-Bakit? Bakit ka sumunod?"

"Baka kasi napaano ka na riyan. Kanina ka pa sa banyo. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong habang nakalapat ang aking tainga sa pinto.

"A-Ayos lang... Lumayo ka na lang muna siguro."

Nagtaka naman ako.

"Ha? Bakit naman? Baka kailangan mo 'ko. Ano ba ang maitutulong ko?"

"Mas sasakit lamang 'to, Belle, please..."

"Ano ba'ng masakit? Baka may magawa ako? Sa 'min kasi hinihilot kapag may masakit. Buksan mo 'to at hihilutin ko."

"Fuck!" Rinig kong mura nito.

"Bakit?"

"Delikado kapag hinilot mo. Baka pagsisihan mo kinabukasan."

"Ano bang sinasabi mo? Hihilutin ko lang naman para gumaan na ang pakiramdam mo. Bakit ko pagsisisihan? Papasukin kita riyan, sige ka!"

"Belle, please. Pinahihirapan mo ako lalo! Ang hirap magpigil... Awa na..."

"Luh! Nagpipigil ka ng ihi? Masama 'yan! Magkakasakit ka nga n'yan!"

"Damn! How can I explain this?!"

"Buksan mo na 'to at hihilutin na kita."

"Belle..." Bigla itong sumeryoso at parang nahihirapan. Kinabahan ako.

"B-Bakit? Masakit na masakit na ba?"

"Listen..."

"O-Okay?"

"This is not good for you, just... Just leave me for a while. I need to cool down... Can you do that? Don't worry, I'm fine. This is just a man thing that you wouldn't understand. And I can't promise myself not to... Fuck! Just leave, Belle. Wait me there, I'll be back and I'll be fine... Okay?"

Kahit takang-taka na ako sa mga sinasabi niya ay pumayag na lamang ako.

"O-Okay... Hintayin na lamang kita ro'n."

"Thank you..."

Naglakad ako pabalik nang nagtataka.

"Not good for me? Bakit nadamay ako? S'ya 'yong may sakit. S'ya na nga ang tutulungan nadamay pa ako. Saka...cool down? Mas malamig naman dito sa labas kaysa sa loob. Paano s'ya mac-cool down do'n?" Tanong ko sa sarili habang naglalakad.

Nahiga na lamang ako sa duyan at tumingin sa langit. Naalala ko na naman ang halikan namin kanina. May kinalaman ba 'yon? Pero imposible. O, baka dahil sa pagpipigil n'ya ng ihi dahil hinahalikan pa niya ako kaya sumakit ang puson n'ya?

Bigla na lamang ako inantok sa kaiisip. Kokonti na nga ang utak nababawasan pa. Hindi ko na napigilan pa ang makatulog sa paghihintay.

May nag-uugoy ata ng duyan. Gumagalaw... Imposible naman kasing lumilindol, e.

Naalimpungatan ako sa paglapat ng aking likod sa malambot na kama. Pagmulat ko ay s'yang pagbaba ni Lucas sa 'kin nang buong ingat sa kama.

"Hey, sleep. Inilipat lamang kita para mas komportable ka," mahinang sabi nito.

Para namang magic word ang salita n'ya at nakatulog na muli ako. Bukas na ako magt-thank you sa kan'ya. Bukas ko na tatanongin kung masakit pa ang puson n'ya.


Inosente Series #1: Stolen Innocence✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon