Kabanata 55

11.7K 862 474
                                    

Long chapter ahead! Idk what will you feel in this chapter. Basta, kasi baka may magalit o mainis. Haha! Pero bahala kayo diyan, nagbigay na ako ng signs noon. Nyahahha!

Enjoy and sorry kung na late to ang dami ko lang ganap sa buhay nitong mga nakaraan eh. hehe. Stay safe, loves.

Also, hi to ItsMePrinces7  we all wish you a luck na makapasok sa bahay. Haha. Guys, let's pray for the success of our beloved ka-Watpadian.

Give support to each other and prayers are enough! I wish you all a success in every steps you take para sa inyong journey, personal man 'yan or whatever. i always wish you the best and of course, congrats naman sa mga nagkakaroon ng progress and achievements sa life. Small steps are need to celebrate and recognize too.

God bless you all ❤️

CELESTE

"Celeste."

Natigilan ako sa ginagawa at kusang nanigas ang buo kong katawan ng marinig ko muli ang boses ni Hunter. Dama ko ang sariling paghinga. Mariin kong pinikit ang mga mata at pilit na pinigilan makaramdam ng kahit na anong emosyon para sa kaniya.

Sa huli ay pinili ko na tumayo para lumayo pero sa pagharap ko higit na buhay ang pananabik at pag-aalala ko para kay Hunter.

Kita ko na malaki ang ibinagsak ng katawan niya. Bahagya siyang pumayat at bakas ko ang tamlay sa pagbuhat siya sa sariling katawan. Kahit noong pumunta soya sa mansyon nila Spiderus ay nakita ko na ang pagbabago pero hindi ko akalain na mas lala pa ang sitwasyon niya na halos pansin ko na rin ang paghaba ng buhok niya.

May ilang marka rin ng mga sugat sa mukha ni Hunter. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang buhay niyang mata kung saan ay alam ko na ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos.

Ang paghinga niya na hindi normal at ang bagsak ng balikat niya ay senyales na unti-unti ng nawawasak ang maskara na palagi niyang suot sa harap ng maraming tao.

Kilalang-kilala ko ang bawat galaw niya. Kabisado ko ang bawat parte ng katawan niya at alam ko kung ano at sino ang totoong Hunter sa kabila ng pagiging gago niya sa harap ng marami.

Pero hindi ako pwedeng huminto. Hindi ako pwedeng sayangin lahat at lalong hindi ko gustong pahirapan ang sitwasyon namin kaya imbis na magpakain sa nararamdaman at kagustuhan na hawakan at lapitan siya ay iwas ang tingin kong lumakad para iwan siya.

"It is just the two of us." kumento niya at sa pagdaan ko mismo sa tapat ni Hunter ay mabilis niyang nahawakan ang pulso ko.

Kusa akong natigilan at malalim ang paghinga. Para akong binuhay ng mga hawak niya na animo'y isa akong yelo na unti-unting natutunaw.

At sa takot na hindi ko mapigilan ang sarili ay hindi ko siya nilingon o pinagmasdan man lang.

"You don't have to pretend," he added, and my heart was scarred with pain and only his words and touch can heal all the wounds.

"No, I'm not. Kaya bitiwan mo na ako."  buong loob kong sagot kay Hunter na hindi man lang siya nililingon.

Alam kong kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Walang mga mata ang nakamasid at hindi tulad ng araw na puntahan ako ni Hunter sa mansyon, na dama ko agad ang presensya ni Hera na walang ibang ginawa kundi ang bantayan ako at abangan ang pagkakamali na pwede kong gawin.

Kaya kahit labag sa loob ko magsalita ng masasakit at laban sa kaniya ay ginawa ko and how stupid is he? Sumugod siya nang araw na 'yon na wala man lang kahit na ano'ng baril.

"Ako ba? Ako ba may gawa sa 'yo niyan? D-Did I make you tough enough?" buong loob niyang tanong pero halos pumiyok soya mula sa pagkabasag ng boses.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon