Kabanata 42

11K 793 225
                                    

Flashback yung kay Shiva bago malaman ni Celeste ang tungkol sa wallpaper ni Shiva na si Aoi.

Thank you so much, salamat po sa lahat. And hope na magustuhan ninyo 'to. I'm trying my best to write again 😊

Enjoy bbs ❤️

SHIVA

"Hunter? Hunter? Is anybody here? Roro? Hunter? Shit!"

Wala na naman si Hunter at Roro. Wala na silang ibang ginawa kundi hanapin si Celeste. Wala na silang ibang naging bukambibig kundi si Celeste.

Nasaan si Celeste?

Umuwi na ba si Celeste?

Nandiyan na ba si Celeste?

Hahanapin ko si Celeste.

Puro na lang Celeste!

Nabibingi na ako sa pangalan niya at ito ako. . . na iwan na naman mag-isa rito sa loob ng bahay. Nagugutom na ako dahil wala rin marunong magluto sa amin.

Itong si Celeste ubod ng arte. Naglalayas pero sigurado naman akong babalik siya. Nagpapansin lang naman siya kay Hunter. Gustong-gusto niya agawin ang atensyon ni Hunter mula sa akin.

For sure, alam niya na kasi na mas pipiliin ako ni Hunter. Kumpara sa kaniya na wala ng silbi.

But damn! She makes a lot of show para mabawi ulit ang atensyon ni Hunter. Papansin! Papansin siya masyado.

"Inis!" iritable kong sinipa ang pinto ng hindi ko inaasahan na bubukas ang pinto ng kwarto ni Hunter.

Nakalimutan niya yatang i-lock? I never get inside his room. It is one the restricted room in this house at never niya rin ito iniwan na nakabukas.

Luminga-linga ako sa paligid para siguraduhin na walang ibang tao sa paligid. Mukhang hindi pa dumarating si Hunter at Roro na abala sa paghahanap kay Celeste.

Marahan kong binuksan ang pinto at hindi ko inaasahan kung gaano kalinis at kalaki ang kwarto ni Hunter.

Sadyang nakakamangha ang kalinisan niya at napangiti ako ng humahalimuyak ang pabango ni Hunter sa loob. Iyon ang nakaka-adik niyang amoy, iyong amoy na hindi nakakasawang langhapin.

Pero agad na naglaho ang ngiti sa labi ko ng makuha ng isang portrait ang atensyon ko. Hindi kalakihan ang litrato pero sapat na iyon para tawagin ang atensyon ng kahit na sino.

Marahan ang naging lakad ko patungo rito at hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait ng makita kung gaano katamis ang ngiti ni Hunter sa larawan. Hindi ko pa siya nakitang nakangiti kahit kailan pero sa litrato na ito. . . bakas na kahit ang mata niya ay nagdiriwang sa sobrang tuwa habang nakapasan sa likod niya ang isang batang babae. Ang inosente at batang mukha ni Celeste na mula sa bilog na mga mata ay naglaho iyon sa sobrang lapad ng mga ngiti ni Celeste.

Damang-dama ko sa litrato nilang dalawa ang kakaibang saya. Ang mga ngiti sa labi nila na hindi ko kailan pa nakita pero sapat na para sabihin kung gaano sila kalapit at kasaya sa piling ng bawat isa.

Mapait akong ngumiti at marahas na pinahid ang pumatak na luha sa pisngi ko. Ito ba? Ito ba ang sinasabi niya na wala siyang pakialaman kay Celeste?

Ito ba yung sinasabi niya na kahit isang litrato ay wala sila? Pero itong nag-iisa ay nakapaskil pa sa dingding ng kwarto niya? Ito ba? Ito ba 'yong sinasabi ni Hunter na hindi siya apektado pero halatang ingat na ingat ang nag-iisang portrait?

I cried in pain and hold my chest that tightened in jealousy. Kahit ilang beses itanggi ni Hunyer, iba ang kutob ko, iba ang nararamdaman ko.

Nakikita at nararamdama ko iyon sa bawat hawak niya sa akin, na iba ang taong na sa isip niya. Iba ang tingin niya sa akin kumpara sa kung paano niya pagmasdan si Celeste.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon