17

892 11 0
                                    


very late update sorry busy :>



12:23 am, Birthday ni Marcus. Ginising ko siya sa pamamagitan ng paghalik sa kanya. Umungol siya at nagising. Tiningnan niya ako konti bago binagsak ulit ang ulo sa unan.

"Happy birthday" matamis na ngiti ang sinupil ko saking mga labi. Hinila niya ako dahilan para mabagsak ako sa dibdib niya. Inangat niya ang ulo ko para mahalikan ako sa labi. Ramdam ko pa ang amoy mint na hininga niya na parang kani kanina lang siya nag toothbrush. Napaka unfair.

"Morning love" medyo husky na bati nya sakin.

Pinilit kong ibangon ang sarili ko at tuluyan ng bumitiw sa pagkahawak niya. Dumiretso ako ng CR at naligo at nang pagka labas ko ay ganun parin. May kinulikot pa siya sa cellphone niya at wala sa sariling kumunot ang noo niya.

"May problema ba?" Pukaw ko sa kanya. Nang marinig niya ako ay napakurap siya sa kawalan at tumingin sakin ng may matamis na ngiti. Umiling lang siya sakin at pinalapit niya ako sa kanya.

"No, its just work." He gave me an assuring smile pero hindi yun sapat para mawala ang pag tataka ko.





Busy ang lahat sa paghahanda sa venue. Yung di mo sila magawang kausapin dahil lahat tumatakbo, lahat nag uusap.

"Love" tawag ni Marcus sakin at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

Binigyan nya ako ng halik sa sentido ko at sabay naming pinagmasdan ang venue.

Hawak kamay kaming nag libot at nagtitingin tingin sa paligid. Mamahalin talaga lahat lalo na yung mga kinuha nilang taga ayos ng venue at MC mamaya.

Mahigpit ang seguridad. Normal naman siguro sa dami ang guwardyang magbabantay mamaya. Lahat sila naka itim at naka shades, nakakalat kahit saan ako tumingin.

Sinundot ko sa gilid sa Marcus at nagtaka siyang tingnan ako. "What is it?"

"Andami naman sigurong guard na pinadala mo."

"It's for everyone's safety." Of course.

Napatango nalang ako at kinalimutan nalang. Naalala ko tuloy may nalimutan akong bilhin.

"Where are you going?" Hawak ni Marcus sa kamay ko ng kumawala ako sa pagkakahawak niya.

"Ah.. eh.." nag iisip ako ng palusot dahil ibibili ko naman talaga siya ng regalo. "Uuwi muna ako ng bahay at magpapalit ng damit." Sana maniwala siya. Kahapon ko pa sana siya ibibili kaya lang napasobra ang tulog ko. Epekto rin ng pagbubuntis kasi ang makakalimutin yan tuloy.

"But you have extra in—"

"Please? Gusto ko munang i check si Mavy sa bahay, bibihisan ko muna"

"Well I can drive—"

"Sige na kelangan ka dito wag ka mag alala dadalhin ko si Reese para sa ikatatahimik mo" palusot ko at hinila si Reese sa katabing mesa na kumakain ng mansanas habang nag papakyut sa mga maaagang bisita.

"Hoy buntis! Nabulunan kaya ako!" Habol niya sakin at tinataktak ang dibdib niya.

"Samahan mo muna ako pupunta akong bahay ipag drive mo nalang ako."

"Ay.. lagot ako kay kuya Marcus eh!"

"Nagpaliwanag ako! Sige ka pag makunan ako talagang—"

"Game!" Inubos niya muna yung mansanas at tinapon sa malapit na basurahan.

Time check: 5:13 pm at 6:30 magsisimula ang event. Sana makahabol.




"Aysus bibili lang pala ng regalo tara na ate nagpapalusot ka pa—"

My Only DesireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang