3

1.9K 23 1
                                    


"Ate, pasalubong ko?" Tanong ni Reese paulit ulit sakin habang lumalamon ng dala kong pizza para sa kanila.

"Wala nga diba? Yan lang pasalubong ko nagmamadali kasi kami ni Mavy baka di na namin maabutan yung sasakyan namin pauwi"

"Edi wala, sungit naman bat ba kasi ang init ng ulo sumasabay sa panahon" aniya sabay subo ng pizza.

Wala namang mawawala diba pag sinabi ko sa kanyang nagkita sila Mavy at Marcus? "Reese, Uhh.. nagkita kasi sila Mavy at Marcus—" di ko pa man natapos ang sasabihin ko ay nabulunan agad si Reese .

"Tapos ate anong nagyari? Alam ba ni Mavy na si Marcus ang Papa niya?" Dagliang tanong niya sakin

"H-Hindi pa nga kasi nawala ko si Mavy sandali e. Nalingat lang ako at ayun. Nakita ni Marcus yung anak niyang iyak ng iyak ginala niya at pinagbili pa ng laruan."

"Oh e ano ngayon? Maayos naman pala record niya e."

"H-Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Marcus o ano. Natatakot ako baka kasi tama ang mga iniisip ko e."

"Anong iniisip ba yan ate?"

"Na baka m-may pamilya na siya. O di kaya di niya tatanggapin si Mavy." Napahilamos ako nang bahagyang banggitin yun.

"Ano ka ba ate, di mo malalaman kung di mo susubukan"

"Kaya nga kinakatakot kong malaman ang magiging kasunod ng pagsabi sa kanya. Kahit lang sana tanggapin niya si Mavy wag na ako."

"Bahala ka ate baka sa susunod magtatampo si Mavy sayo at maglayas kasi di mo pa siya pinapakilala sa papa niya" bakas sa tono ang pananakot ni Reese at tsaka naman siyang umalis bigla.

"Pano nga e takot ako." Bulong ko sa sarili ko bago umakyat ng kwarto at tabihan si Mavy na natutulog.

Dala dala ko si Mavy sa office namin dahil saglit ko lang ipinasa ang lahat ng inirequire ng boss ko para sa next meeting namin.

"Mavy san mo gustong kumain ngayon?" Naka ngiting tanong ko sa kanya.

"Mama gusto ko ng may fries! Gusto ko sa Mcdo!" Excited na sabi niya sakin at iginiya ko siya papunta sa parking lot.

Hila-hila ko ang anak ko nang biglang nag ring ang cellphone ko.

"Mavy teka lang muna ha sasagutin lang ni mama to" binigyan niya lang ako ng tango tsaka ko binaling ang atensyon ko sa nag ri-ring kong cellphone.

"—opo pati na yun naibigay ko na kay Missy boss—" natigilan ako nung may bumusina ng malakas at agad nanlaki ang mga mata ko nang malapit nang masagasaan si Mavy!

Dali dali agad akong napatakbo patungo sa kanya.
"Anak!—" napahinto ako nang dali daling lumabas si Marcus sa sasakyan nya at balikwas na pumunta kay Mavy.

"A-Are you alright? Nasaktan ka ba? Nasan ba kasi Mama mo at napakapabaya—" nilingon niya ang direksyon ko at nahagip ng mga mata niya ang gulat na gulat na postura sa mukha ko. "Y-You?" Nagtakang tanong niya turo sakin.

"M-Mavy—"

"Is this your son?" Kunot noong baling niya sa anak ko at saakin. "Pangalawang beses na to Sirene! Anong klaseng ina ka at pinapabayaan mo—"

"Hindi ko siya pinapabayaan Marcus! Hindi ako parehas sayo!" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at humarap sa anak ko.

"Wag mo po awayin si Mama ko!" Iyak na usal ni Mavy sa kanya.

"I-I'm not. I'm sorry" pinatayo niya si Mavy saka pinagpagan at mas kunot ulit ang noong nag tanong. "I didn't ask your name lately." Nag alangan naka tingin siya sakin at kinakabahan na ako. "W-What's your name by the way?" Agad na tanong niya sa anak ko na dahilan para kabahan ako lalo.

My Only DesireWhere stories live. Discover now