9

1.2K 18 0
                                    



Nagising ako pero nakabukas konti yung mga mata ko. Pagod na pagod talaga ako kahapon pa kasi aside sa inasikaso ko lahat yung mga gamit na inilipat ko at lahat ng gamit ni Mavy kwarto niya, may pinadala pang paper works ang boss ko na ikinapagtataka ko pa. Nang nasa huwisyo na ako, pinakiramdaman ko ang paligid at naramdaman kong wala na si Marcus sa tabi ko. Sa wakas it gives me free access to roam around. Gusto kong mag cr kasi malagkit pa ang katawan ko at gusto ko ng malamig na tubig.

Kinapa ko yung katawan ko. Nakahinga ako ng maayos nung kumpleto pa lahat ng damit ko. Grabe na iniisip mo kay Marcus,Sirene di ka naman siguro gagalawin na wala ang permiso mo.

Nung palakad na sana ako sa cr ay saktong pumasok si Marcus. May kausap siya sa tawag at naka suit na siya. Ready na siguro pumunta sa trabaho. Maka pag palit na nga. Tumayo na ako at inayos ang pinaghigaan namin.

"Uhm, yeah sure. I'll give it to you later" kita sa gilid ng mga mata ko na ibinaba na niya ang cellphone niya nang makita ko rin na may dala dala siyang dalawang maleta.

Yung isa color black sa kanya ata pero...

Yung isang maleta akin yun!

"T-Teka, m-maleta ko yan ah?" Alanganing tanong ko sa kanya

"I'm going to work" boring na sagot niya.

"E bakit yung maleta ko? Andami naman sigurong gamit na dadalhin mo? Ilang linggo ka bang aalis?" Takang tanong ko dahil bakit dalawang maleta? Ganun ba talaga siya katagal na mawawala? Madami sigurong kinailangang dahil baka ganun.

"No, you're coming with me." Napa tanga na lamang ako sa narinig. Ano ba yan. Kung ano ano nalang talaga pinag gagawa ni Marcus ah!

"A-anong 'coming with you' ka jan? Maiiwan mag isa dito si Mavy? Hindi ka ba mapipirmi pag aalis ka ng walang anino mo? Ayoko nga, besides nandito yung trabaho ko" angal ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig.

"Mom and Dad came back from Nebraska. She volunteered to look for Mavy. Kaya nga may pinadala ring papers na tatrabahuin mo yung boss niyo diba so you can bring them to Seattle." Kaya pala! Napaka pasaway niya naman! Dinamay pa niya trabaho ko!

"And, if you don't want to come with me, I'll force you to come with me." Nag smirk lang siya at umupo sa kama at tinukod sa likod ang mga kamay niya. "Mag bibihis ka na or gusto mo bang ako na ang magbibihis at mag papaligo sayo?" Kagat labing sabi niya at bahagyang itinaas taas ang kilay niya.

Biglang nag init ang pisngi ko. Hindi ako gumalaw sa kagustuhan kong ayaw sumama. Gusto ko pa sanang tumutol pero tumayo siya at handa nang lumapit sakin para buhatin ako.

"O-Oo na! Oo na maliligo na tsk!" Habang iniiwas ko yung kamay niyang bubuhat sana sakin.

"Good girl" he just let out a small chuckle. Kairita naman!







Pagkatapos kong naligo, nag ayos ako. Nagsuot lang ako ng turtle neck alam na alam kong malamig pagba-biyahe. Pinaresan ko lang ng fitted jeans at sapatos. Kahit na nagpapalit ako nandito parin si Marcus sa kwarto. Ni hindi man lang gumalaw sa pwesto niya kaninang pumasok ako sa cr, ganun parin siya sa pwesto niya. Nakayayo siya. Naka cross arms ganun rin ang sa binti niya habang naka sandal sa pintuan ng cr. Iisipin ko talagang paranoid minsan si Marcus dahil sa ikinikilos niya kapag nasa iisang lugar lang kami.

Nung bumaba kami, expected na nadagdagan ang mga tao dito sa mansion.

Nandito ang parents ni Marcus na sinasabi niyang magbabantay kay Mavy. Nandito rin si Ace na siyang mag da-drive samin sa airport.

Napaisip tuloy akong baka matagalan kami ng uwi at mamimiss ko talaga ang anak ko. Nakakalungkot naman talaga pag wala presensya niya.

"Mama! Take care kayo ni Papa sa flight ha! I will miss you both!" Hinalikan niya ako ng todo sa mukha at niyakap ko naman siya. Hays parang gusto ko talaga siyang dalhin.

My Only DesireWhere stories live. Discover now