5

1.7K 25 0
                                    

Nagtext sakin si Marcus na ibabalik na niya si Mavy samin kaya dali dali akong namalengke at nagluto para mamaya sa pagdating nila.

Excited na akong makauwi si Mavy ilang araw ang makalipas.

"Wow! Ang alam ko lang uuwi si Mavy ngayon pero bat parang may birthday ate?" Tanong ni Reese na isa isang nakatingin ngayon sa mga hinahanda kong ulam.

"Di pwedeng ganto ako ka excited para paghandaan ang pag uwi ng anak ko?" Sarkastikong bara ko sa kanya.

"Sabi ko nga e ganun mo talaga ka mahal si Mavy." napangiwi siya kapagkuwan ay tumulong na sakin sa paghahanda

Nang may kumatok alam ko nang sila Marcus yun at si Mavy.

"Ate dali buksan mo na" dali dali akong nagpahid sa apron ko at pumunta sa pintuan nang pagbukas ko palang ay tumambad agad si Mavy sakin at malaki ang mga ngiti sa labi.

"Mama!" Sigaw niya at agad na yakap niya sakin

"Mavy anak namiss kita!" Niyakap ko agad siya at tsaka pinugpog ng halik sa mukha nang may tumukhim dahilan napa angat ako ng tingin.

Nagkatugma ang mga mata namin. Nag flashback yung nangyari kagabi lang nung nahalikan niya ako. Tsk smack lang naman yun kaya wag feeling. Hindi ko alam ganun nalang kalakas ang epekto niya sakin. Naka pink longsleeve lang naman siya na tinupi niya lang hanggang siko niya at naka slacks.

"May I come in?" Pukaw nya sakin.

"A-Ah.. O-Oo naman." Shit! Bakit nauutal ako!

"Ate tara na sa kusina baka lumamig yung masasarap na handa mo" asar sakin ni Reese na halata namang napakasarkastiko ng pagka sabi niya.

Pumwesto kami sa harap ng mesa. Nasa harap ko si Reese at napapagitnaan namin ni Marcus si Mavy.

I felt awkward kasi mahabang katahimikan ang nakapalibot samin nang basagin yun ni Mavy

"Mama paabot ako nung chicken legs!" Pakisuyo ni Mavy sakin. Inabot ko ang isang bowl na puno ng chicken legs nang sabay din namang inabot ni Marcus yun na di sinadyang nahawakan nya ang kamay ko.

Binitawan namin pareho ang bowl nang napansin niyang na alarma ako "Uh.. E-eto anak" lagay ko sa plato niya

"You eat more okay? If you want to be taller than Nick" paalala niya habang hinihimas sa ulo sa Mavy. Pero na curious tuloy ako kung sino si Nick.

"Opo Papa! Gusto ko rin po maging strong kagaya niya!" Malaking ngiti na sabi naman niya at napangiti naman ako ng lihim dun.

"Of course you can and I know you can" ngiti lang rin ang isinukli niya sa anak niya at bumaling na ulit ang atensyon sa kinakain.

Alam ko at nararamdaman ko naman sa harapan kong tinututukan ni kami ni Reese kaya naman sinamaan ko siya nang tingin pero pigil lang ang tawa niya ang sinukli sakin.

Nakuha ng lahat ang atensyon nung tumayo si Marcus at dahan dahang iniligpit ang mga plato na pinagkainan namin "I'll wash the dishes—"

"Hala wag na.. ako na salamat—." Pilit na agaw ko pero hindi niya parin binigay

"I insist" malambot ang mukhang sabi niya kaya naman hinayaan ko siya.

My Only DesireWhere stories live. Discover now