"Bakit?" walang gana kong tanong.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Hindi ko maiwasang mapalunok ng biglaan dahil sa tanong niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, dumating na ang araw na tatanungin niya ako kong bakit ko siya iniiwasan. Anong sasabihin ko?

Ayaw ko namang sabihin na kaya ako umiiwas dahil nagseselos ako sa kanilang dalawa ng girlfriend niya. Baka malaman pa niyang gusto ko siya. Tsk! manhid pa naman siya.

"Busy lang tsaka wala ako sa mood." sabi ko pero wala pa ding reaksyon ang mukha niya.

Nakatingin lang siya ng diretso sa akin.

"Bakit si Zeddie pinapansin mo?" tanong niya pero hindi ko na siya sinagot pa at inalis na ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at naglakad na ulit pababa at tuluyan na siyang nilagpasan.

"Bestfriend."

Napatigil ako at napapikit saglit ng tinawag niya ako. Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa kanya? tinawag lang niya akong bestfriend ay nanlalambot na ako. Hindi naman ako ganito dati ah!

Nilingon ko siya ulit.

"Kasi nga fiancé ko siya kaya papansinin ko siya."

"He's your fiancé and I'm your boy bestfriend kaya dapat pansinin mo din ako, ang daya naman." sabi pa niya na parang nagtatampo.

"Mag focus ka na nga lang kasi sa girlfriend mo." sabi ko.

Iniwasan ko talagang maging sarkastiko ang tono ng boses ko dahil baka isipin niya na nagseselos ako. Nagseselos naman talaga.

"Are you jealous?"

At tignan mo nga naman, nababasa ba niya ang laman ng isip ko?! Alam na alam niyang nagseselos ako eh.

"Hindi at bakit naman ako magseselos?" sabi ko at tinalikuran na siya ulit.

"I already broke up with her."

Napatigil ako ng dahil sa sinabi niya at diretsong lumingon ulit sa kanya.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

Baka kasi mali lang ang pagkakadinig ko. Lutang pa naman ako ngayon dahil sa pagod.

"I already broke up with her." ulit niya.

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Magiging masaya ba o maiinis? Baka kasi mas lalo lang akong awayin ng impakta niyang girlfriend at pinsan.

"Bakit? bakit ka naman nakipag-break sa kanya?"

"Ayaw ko lang kasing iniiwasan moko." sabi niya at napahilot nalang ako sa sentido ko.

Panigurado na susugurin na naman ako nila Aisah at Jerld. Nakaka stress naman na buhay to oh!

"Bahala ka." sabi ko at naglakad na ulit.

Agad naman siyang sumunod sa akin.

"Sabay na tayong umuwi, ihahatid kita." sabi niya habang nakasunod sa akin.

"May sundo ako."

"Edi sabay nalang tayong pumunta ng parking lot." sabi niya pero inirapan ko lang siya at hinayaan.

Bahala siya, ang kulit ng tukmol na to. Di naman siya ganyan noon. Sabagay nagbabago naman ang mga tao tsaka ganyan talaga siguro pag may jowa. Siyempre kailangan niyang maging makulit para marunong din siyang maglambing kay Aisah kapag may toyo yon.

Eyyyy! ba't ko ba iniisip na naglalambing siya kay Aisah?! break na nga sila diba?Buti nga sa impakta na yon! huwag lang talaga niya akong masisi sisi baka lanpasuhin ko ang pagmumukha niya.

Ng makarating kami ni Jaxson sa parking lot ay dire-diretso lang akong sumakay sa kotse ng driver namin na sundo ko. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

"Tara na, manong." sabi ko at agad namang pinaandar ng driver namin ang kotse.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at biglang may tumawag sa cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bag ko. Si Jaxson. Wala akong balak na sagutin siya kaya hinayaan ko nalang.

Hindi ko maiwasang mairita dahil panay ang kakatawag niya. Ng akmang papatayin ko sana ang cellphone ko ay biglang napakunot ang noo ko ng makita ko ang kotse niya na parang nakikipag racing sa kotse na sinasakyan ko ngayon. Nakita kong binuksan niya ang bintana nito at parang may sinasabi siya tuwing lilingon siya sa akin pero hindi ko maintindihan.

Ng akmang bubuksan ko ang bintana ay nagulat nalang ako ng biglang binangga ng kotse na sinasakyan ko ang kotse ni Jaxson na nasa tapat lang namin. Hindi ko maiwasang mapatili sa gulat at napalingon sa driver namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ang driver namin ang nagda-drive. Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko siya kilala. Sa sobrang lutang ko kanina ay di ko man lang napansin.

"S-sino ka?" kinakabahan kong tanong pero hindi siya nagsalita.

Nakatingin lang siya sa akin sa rear view mirror. Nakakatakot ang mga tingin niya, parang killer. Mabilis kong binuksan ang pinto dahil balak kong tumalon pero naka lock! Kukunin ko sana ang cellphone ko kaso dahil sa pagkataranta ay nahulog ito. Wala akong nagawa kundi ang mapasigaw nalang at napalingon sa labas ng bintana. Sinubukan kong buksan ang bintana pero naka lock din!

"Jaxson tulong!" panay lang ang kakasigaw ko kahit alam kong hindi ako maririnig ni Jaxson.

Halos mahilo ako tuwing magsasalpukan ang dalawang kotse. Wala bang traffic light dito?!

"Sino ka ba?! punyeta pakawalan moko! palabasin moko dito!" sigaw ko sa lalaki na hindi ko kilala habang pilit ko pa din na binubuksan ang pinto.

Panay lang ang pagwawala ko hanggang sa may maamoy akong masakit sa ilong. Dahan dahan akong nawalan ng lakas at unti unting pumipikit ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong napahiga sa upuan ng kotse.

Nakita ko pang patuloy pa din sa pagri-ring ang cellphone ko na nasa paanan ko nahulog. Gusto ko itong abutin pero wala akong lakas at bumibigat din ang talukap ng mga mata ko.

"J-jaxson...t-tulong..."

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now