"Po?"

"That boy who keeps standing outside every morning to take you to work." Sabi ni Mami. "Mas mayaman tayo kesa sa family nila and hindi maaari na mabuhay ka sa puder niya."

"What do you know about what I need? Mami, hindi ko hahayaan na lait-laitin niyo ang family background ni Ion dahil sa nakikita niyo."

"Alam namin ang mas makabubuti para sa'yo." Sabat ni Dadi.

"Iba ang alam niyong mabuti sa nararamdaman ko." I said then got up. "Marangya nga ang buhay natin...pero hindi ko hahayaang manatili ako sa puder niyo. Kasi hindi niyo alam ang nararamdaman ko para kay Alion."

"Anong nararamdaman mo sa lalakeng iyon, huh?!" Sigaw ni Dadi pero hindi ko siya pinansin at nagkulong sa kuwarto ko.

I dialed his number while packing my things. Naiiyak ako dahil andiyan na naman sila, andiyan lang sila para kontrahin ang mga desisyon ko sa buhay na ALAM KO na makakabuti sa akin kasi ako ito. Mas kilala ko ang sarili ko kesa sa kanila. Nagbukas bigla ang pinto ko kahit naka lock at pumasok sina Mami, they saw me packing so I grabbed my things and my phone.

"Klaui?" Rinig kong tawag sa akin ni Alion from the other line.

Naramdaman ko ang sampal ni Mami sa akin. "Klaudia, anong kagagahan ito?" Mami asked pero hindi ako umimik. "Aalis ka? Sige! Lumayas ka na sa pamamahay na ito!" She said then grabbed me by the hair and pulled me out.

"Mami! Nasasaktan ako!" Sigaw ko para tumigil siya pero para akong walang boses sa kaniya.

"Mami!" Sigaw ni Kyla kaya natigil kami. "Ate?"

"Ky, go back to your room." Sabi ko. "Ayos lang si Ate, don't worry." Kahit lumuluha ako ay pinilit kong ngumiti. "Sleep well, Kyla. Study hard and I love you. Go sleep now."

Hindi pa nakakapasok si Kyla ay hinila na ulit ako ni Mami palabas. "Mami huwag!" She said then pushed through Dadi para mahabol kami. She grabbed Mami's arm pero tinulak siya sa sahig. "Ate Klaui!"

"Huwag kang babalik dito! Wala kang utang na loob! Bobo ka, Klaudia!" She said then pushed me out of the gates. I felt the neighbours eyes on me. "Hindi ka sana mahalin niyang lalake mo." She locked the gates and pulled Kyla inside.

I sat there, crying on the street when I felt a coat on me. Napatingin ako at nakita si Alion na nag-aalala. He hugged me and helped me get in his car.

"Narinig ko lahat since hindi mo pinatay ang phone." Napatingin ako sa phone ko. "Unang rinig ko sa sampal sa'yo ay agad na akong lumuwas para puntahan ka." He stopped the car on the side of the road. "Doon ka muna sa amin. Papabantayan kita kayna Mama."

"Nakakahiya, Alion." Sabi ko.

"Sa amin ka pa talaga nahiya?" He asked then chuckled. "I have some towels here, you should dry yourself since naputikan ka." I landed on a puddle when Mami pushed me earlier. "I swear, Klaui." He said kaya napatingin ako. "No one can love you the way I know how to."

"Sinasabi mo ba iyan para pumayag ako na ligawan mo ako?"

Umiling siya. "Ligawan man kita o hindi, alam ko naman na ako lang ang may kayang pahalagahan ka ng ganito." Sagot niya. "Let's watch the moon."

Lumabas kami at umupo sa hood ng kotse niya. Nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya while we watched the stars. "The moon is beautiful isn't it?" He said at kinilig naman ako.

"Alion...let's do it." I said. "Let's date."

"Let's do that." He said then pulled me closer. "I love you, Klaudia."

"Salamat." I can't say it yet. Pero I know I want to love him pero not now siguro, maybe a few more days before I say I love him too. "Alion. Inaantok na ako."

Heaven's CommunicationWhere stories live. Discover now