CHAPTER 125 )¬º¶°)¬

Depuis le début
                                    

"Anak, magpapaliwanag ako..." Buong pagsusumamong pakiusap ng chairman akmang hahawakan pa nito ang anak niya pero agad din itong lumayo sakanya, habang umiiling-iling. Nagtungo siya kung saan naroroon si Venjoe, kaya wala akong magawa kundi ang pumunta, at damayan sila.

"Tita---"

*pak*

"What now, Siberia!! Really? Sinumbong mo sakanya yung tungkol dito? Hindi mo manlang sinabi saamin! Ano ba talaga yung plano mo! Balak mo ba talagang sirain yung buhay ng anak ko! Pinahiya kami ng babaeng iyan! Hindi manlang kami binigyan ng kahihiyan! At ikaw? Trinato kita na parang anak! Wenelcome kita sa pamilya ko pero ito! Ito ba ang igagante mo sa lahat ng kabutihang ginawa ko sayo! Ito ba ha! Matagal mo na palang alam pero sumagi manlang ba saisip mo na sabihin ang tungkol dito saamin?! Ilang beses mong nakakasama ang anak ko pero ipinaalam mo ba sakanya!" Hindi ako nakapag salita galit na galit siya. Hindi ko alam kung ano ba yung gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag sakanila.

"Hindi mo manlang din sinabi sa mga pulis! Kinunsenti mo ang papa! Para ano? Para magustuhan ka namin para sa anak ko?! Gusto naman kita eh! Botong-boto ako sayo pero ang gaguhin mo kami ng ganito? I wonder kung masisikmura ka pa ng anak mo, sa palagay ko hindi masisikmura ng anak ko ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nagkasira ang pamilya namin! Simple lang naman ang hanggad ko! Pero bakit parang ipinagkakait nyo ito saamin! Alam mo? Simula ng makilala ka ng anak ko, at simula ng pumasok ka sa buhay namin... Nagkanda letche-letche na kami!" Ang nakayuko kung ulo kanina ay biglang umayos, walang emosyon ko siyang tiningnan pero halata ang mukha ko ang galit... Matinding galit na nararamdaman ko.

"ang tungkol sa anak ko at sa ex mo! Ano! Ikaw yung... Ikaw yung kinampihan ko! Ikaw yung kinampihan naming lahat pero bakit naman ganito Siberia! Bakit ka naman ganito saamin? Ni minsan hindi kita pinakitaan ng pangit! Ni minsan wala kang masakit na salita na narinig galing saakin pero bakit naman ganito!" Hindi ko na naatim ang makinig, bakit ba ako yung sinisisi nila? Kasalanan ko bang mabilis silang maniwala? Kasalanan ko bang, hindi nila hiningi ang paliwanag ko?

Kasalanan ko ba talaga ang lahat ng ito! Wala akong ginagawa, wala akong binalak na sirain sira pero bakit ang bilis nilang husgahan ako? Bakit ang bilis nilang maniwala na ganun nalang ako kasama?

"S-simula... Simula sa araw na ito, ayaw na ayaw ko ng nakikita kang kasama ng anak ko, ayoko ng makitang lumalapit ka sakanya, ayoko na ding malaman na nagkabalikan na kayo, dahil simula sa araw na ito... Hindi ko na gustong nakikita ka, at ayoko na ding maka rinig ng tungkol saiyo, at simula din sa araw na ito... Puputulin ko na ang anu mang ugnayang meron tayo, wawakasan at tuluyan kana naming ibabaon sa limot. You don't deserve us, sarili mo lang ang tangi mong iniisip. Hindi na yata ikaw yung babaeng una naming nakilala, you change a lot. Wag na wag mo nang lalapitan si Venjoe o kahit na sino sa pamilya namin.. Tara na Venjoe! Forget her! Let's forget her!" Naistatwa ako, parang biglang namanhid ang buong katawan ko, parang kinakapos ako ng hininga. No! Hindi ako papayag na hindi nila marinig ang side ko. Hindi ako papayag na kamuhian nila ako ng hindi nila naririnig ang side at paliwanag ko.

***

Pain :(

***

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant