"Nakita mo na kaming nagkasama dati?"


Tumango ako. Mahirap na kasing maniwala kung nahuli mo na sila ng unang beses. Though, alam ko namang hindi intensyonal 'yon. Still, masakit pa rin.


Bumuntong hininga siya at pinatakan ng halik ang labi ko.


"Hindi ka na aalis ulit, okay? Kung may problema, sabihin mo agad sa akin. Communicate to me, baby."


Tumango lang ako dahil nanghihina na rin at inaantok.


"Let's sleep." Aya ko.


Ngumiti siya at hinalikan akong muli.


Natulog na kami pagkatapos no'n. Kinaumagahan, nag ayos na rin kami ni Trevor. Nagpaalam na 'ko kay tita Vet gano'n din kay Kevin. Alas nuebe kami nakaalis sa Siargao.


Habang nasa helicopter kami ay hilong-hilo ako. Nag almusal naman ako pero parang gutom ako. Umiikom din ang tiyan ko pero hindi naman ako nasusuka. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko. Basta't hindi ako komportable at masakit din ang ulo ko.


"You okay?" Tanong sa akin ni Trevor.


"Okay lang." Saka ako bumaling sa bintana para manood na lang ng ulap.


Pagbaba namin sa Airport ay nakita ko ang supervisor ko. Nanghingi ako ng pasensiya dahil sa hindi pagpasok sa OJT ng dalawang araw. Ayos lang daw dahil nakapagpaalam naman daw ako sa kan'ya. Bago kasi ako umalis, pagpapaalam sa OJT supervisor talaga ang inuna ko.


Sumakay na 'ko sa kotse si Trevor. Habang papasok ako sa front seat ay muntik pa 'kong matumba, buti na lang at nasa likod ko si Trevor kaya nasalo niya ang bewang ko at naalalayan ako sa braso


"You sure you're okay? You look pale." Alu niya ulit.


"Okay lang talaga ako. Nahilo lang siguro ako dahil sa biyahe."


Nakita kong kumunot ang noo ni Trevor. Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n.


"Tara na. Para makapagpahinga ka na."


Tumango ako at tuluyan nang sumakay sa kotse.


"Mom!" Tumatakbong tawag sa akin ni Cali.


Nasa tapat pa lang ako ng pintuan namin ay yumakap na agad siya sa balakang ko.


"Why did you leave!" Iyak niya.


Tinanggal at hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod sa harap niya.


"I'm sorry, baby. Mom just fixed something." Saka ako ngumiti.


"Was that for my birthday?" Lumiwanag ang mukha niya. May mga luha pa rin sa pisngi.


Lalo lang tuloy akong nagsisi kung bakit umalis pa 'ko. Naiwan ko ang anak ko dito nang walang paalam. Ang nasa isip ko lang talaga noon ay umalis. Napaka selfish ko.


"Y-yes, baby." Sagot ko na lang.


Nakita kong bumaba ang mommy ni Trevor at si Andrew galing sa taas.


"Oh? Nakauwi ka na, Ria. Nag alala kami sa'yo." Saka siya tuluyang lumapit sa amin


Tumayo naman ako at umayos. "I'm sorry, mom. Bigla na lang akong umalis, iniwan ko si Cali dito nang walang paalam."


"I understand iha." Tinitigan niya 'ko at kumunot ang noo niya.


"Namumutla ka yata, Tharia? Are you feeling well?"


All of Her (His Maid Sequel) Where stories live. Discover now