Second Chapter - Rude Boys

Start from the beginning
                                    

At ang mas lalo ko pang ikinagulat ay nang umupo ang minamahal kong gangster sa kaharap na upuan niya.

"Bakit? Nung meron?" Walang kaalam-alam na tanong ni Tyrone kay Jet kasi nakatingin ito sa akin. Napadako din ang tingin nito sa akin at what should I expect? Napakunot na naman ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay.

"IKAW?!! NA NAMAN??!! Sinusundan mo pa rin ba ko?" Malakas na sabi ni Tyrone dahilan para magtinginan ang ibang customers sa amin. Napayuko na lang tuloy ako sa sobrang hiya.

"Wait, bro. You know this guy?" tanong ni Jet kay Tyrone.

"Hindi, ah!! Pero sunud nang sunod sakin, eh. Stalker yata." sagot ni Tyrone at tumawa.

'Tumawa siya...'

Before, I have always dreamt of becoming the reason of his every laugh and every smile. Pero bakit ngayon, tumatawa siya dahil sa kin pero iba yung pakiramdam. Diba dapat masaya? Kasi, yung pakiramdam ko ngayon habang tinitingnan siyang tumatawa dahil sa akin, iba e---masakit....nasasaktan ako.

Suddenly, I thought na mas mabuti pala na hindi niya nalang ako tiningnan nung araw na isinauli nila sakin yung portfolio ko, na sana naging invisible nalang ako sa kanya, na sana hindi na ako nakapasok sa mundo niya. Kasi nuon naman, I don't hear hurtful words from him because he doesn't know me. Ang sakit kasi, eh.

"Really?"

"Yup. Pero hayaan mo na yan. Kumain na tayo at umuwi na." ani Tyrone at nagsimula nang kumain. Napatingin ulit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay habang punum-puno ng pasta yung bibig niya.

"Wala ka bang balak umalis dyan?" aniya.

"S-S-Sorry po..." matapos mag-bow ay umalis na ako sa harap nila.

I feel so down... Siya ba talaga yung Tyrone Rivera na nagustuhan ko? Bakit ganun siya? He's so......different.

Matapos ng duty ko ay umuwi na ako dala dala yung sobrang bigat na feeling.

Tyrone's P.O.V.

Matapos naming kumain ng pinsan kong si Jet ay umuwi na kami at oo, pareho kami ng bahay na inuuwian. Dumiretso agad ako sa kwarto ko para icharge ang phone ko. Baka kasi nagtext na si Katarina pero tae lang 15 minutes na ang lumipas pero la man lang akong narereceive na text. Bad trip.

Naligo na lang muna ako. Pagkatapos ay tiningnan ko ang phone ko kung meron na ba pero wala pa rin. Sa sobrang inis ko ay sinubsob ko na lang yung mukha ko sa unan. Asar.

Nahiga na lamang ako sa malambot na kama at pumikit. At habang nakapikit ako ay unti-unting nabubuo ang larawan ng mukha ni Katarina sa isip ko. Nakangiti siya sa akin. Ewan ko pero bumilis yung tibok ng puso ko.

Kung curious kayo sa relasyong meron kami, hindi ko siya girlfriend pero gusto ko siya. Gustung-gusto. Pero wala akong lakas ng loob para aminin sa kanya yun. Kahit kailan kasi ay hindi pa ako nagtapat ng feelings ko para sa isang babae, eh. Alam ko rin naman na gusto niya rin ako. Hihintayin ko na lang na umamin siya sa akin. Ganun naman na ngayon diba? Girls do the confessions.

Napadilat ako bigla at napabangon nang may ibang mukhang nabuo sa isip ko. Mukha nung baklang sunud nang sunod sakin. Akala ko binangungot na ko, eh. Bakit kaya bigla-bigla ko nalang naisip yun? Nakakakilabot. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Brrrr.

Tinitigan ko na lang yung kisame hanggang sa makatulog ako.

Mabilis na sumapit ang araw ng Lunes. Maaga akong pumasok. Bakit? Lampakialamanan.

Medyo kaunti palang ang bilang ng mga estudyante. Lahat ng makakasalubong kong babae at bakla ay napapahinto pero hindi ko sila pinapansin o kahit tingnan saglit. Tinungo ko ang locker ko kaso may nakita akong pigura ng isang tao na nakatayo sa harap nito kaya nagtago ako. Sinilip ko ito, nandun parin siya. Baka siya na yung paulit-ulit na naglalagay ng basura sa locker ko. Lumingon-lingon siya sa paligid bago inilusot yung basura niya sa locker ko. Matapos niyang ilagay ay mabilis siyang naglakad papunta sa direksyon kung nasan ako. Nagtago ako nang mabuti at balak kong gulatin siya. Naririnig ko na ang tunog ng kanyang mga yapak. Ayan na siya....

Isa....

Dalawa....

"UWAAAAAAAAAAAAAAA!!!" (Sigaw ko yan) Napabalikwas ako ng bangon. WOOH. Panaginip lang pala. Anak ng tinapay. Teka, parang bangungot nga yun, eh. Tama, bangungot nga.

Ba naman, himbis na siya eh ako pa ang nagulat nang pagsulpot ko sa harap niya eh yung baklang sunud nang sunod sakin yung nakita ko. Brrrr.

Isa pa yan sa ikinaiinis ko. May paulit-ulit kasing nagalalagay ng basura sa locker ko. Ibig kong sabihin eh mga love letter pero mas gusto ko lang tawaging basura. Uso pa pala yung ganun? Dati pa ako nakakakita ng ganun sa loob ng locker ko, eh. High school pa lang ako nang magsimula akong makatanggap ng mga ganun. Hindi ko naman mahuli-huli yung naglalagay. Hindi ko rin naman binabasa, tinatapon ko lang agad.

Napatingin ako sa orasan sa bedside table ko. Pota alas 2 palang ng madaling araw? Arggggh. Puyat na naman ako nito panigurado. Salamat nalang at walang pasok. Sa totoo lang eh ayoko naman talagang pumasok kapag inaantok ako o puyat o di kaya ay tinatamad lang. Kundi lang panakot ni daddy sakin yung pagkumpiska niya ng asawa ko, eh.

Yung asawang tinutukoy ko eh si Ruby pero hindi siya isang tao kundi isang kotse na natanggap ko bilang regalo mula sa parents ko nung 18th birthday ko. Sinubukan ko na lang na matulog ulit pero nabigo na ako kaya nagdota na lang ako.

Mico's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa mall kung saan ako nagtatrabaho pero mamaya pa yung duty ko. I'm here in the supermarket at namimili ng groceries.

Pumunta na ako sa counter at sakto nang mabayaran ko lahat ay tumawag yung store manager namin at pinapapasok ako nang maaga, I mean now na so dumiretso na ko sa store namin. Gulat pa nga si sir Kim dahil ang bilis ko daw.

After kong isuot ang uniform ko ay nagstart na ako. It was just an another extra normal day for me but, not until matapos yung work ko. Yung jeep kasi na nasakyan ko ay colorum pala kaya ayun kinailangan naming bumaba lahat kasi hindi rin pala lisensyado si kuyang driver. Kasora. Sobrang layo pa naman ng sakayan mula sa pinagbabaan namin. At ang mas nakakainis eh lahat ng jeep na dumadaan ay puno. Ang bigat kaya ng mga buhat ko. Haaayysss.

Isang oras na ang lumipas pero hindi parin ako nakakasakay. Actually meron namang humihinto na jeep kaso dahil sa dami ng bitbit ko eh ang bagal ng kilos ko kaya palaging may nakakauna sa akin. I felt so frustrated.

Tiningnan ko yung oras sa cp ko. Alas dies na ng gabi. May gagawin pa akong homeworks. Kainis naman. Nang sa tingin ko ay wala nang pag-asa ay naglakad nalang ako. Yun sana ang plano ko, ang maglakad hanggang sa makasakay ako. At ng makakita ako ng pedicab ay tila lumiwanag ang buong paligid. No kidding.

Pinara ko ito at sumakay na. Mukha namang mapagkakatiwalaan yung kuyang driver, eh. Habang sakay ako ng pedicab na yun eh nakatingin lang ako sa kung saan. At dun sa isang may kadiliman na eskinita, I saw a group of guys, gangsters siguro, tapos napansin kong nagkakagulo sila dahil binubugbog ng limang lalaki yung isa pang lalaki na nakahiga na sa sahig at tila wala ng malay. Nakita ko pang may hawak na baseball bat yung isa sa mga lalaking nakatayo.

"Ay kuya, saglit lang po." Inihinto naman ni kuyang pedicab driver ang pagpedal at prumeno. "Kuya tulungan po natin yung lalaki." ani ko dito.

At grabeng gulat at kaba ko nang bumunot ng baril sa kanyang maliit na bag si kuyang driver. Pero pagkuha niya nun ay dumiretso siya dun sa mga lalaking gangster. Pulis ba siya?

"HOY!!! ITITIGIL NYO BA YAN O KAKALAT MUNA ANG MGA UTAK NIYO DITO??!!" ang super tapang na sigaw ni kuyang pedicab driver sa kanila habang tinututukan ang mga ito.

God. All this time, pumara ako ng isang pedicab na yung driver ay may baril sa bag niya?! Nakakatakot talaga ang mundong ito.

Natakot yung mga gangster at nagtakbuhan. Bumaba ako ng pedicab at lumapit dun sa lalaking nakadapa sa sahig. Nang iharap ko ang mukha nito sa akin ay nagulat ako at hindi makapaniwala.

--------------

Locker 246Where stories live. Discover now