Second Chapter - Rude Boys

Start from the beginning
                                    

Tumingin siya sa wrist watch niya at akala ko ay aalis na siya pero sumubsob ulit. Puyat na puyat? Bakit naman kaya?

5 minutes nalang ay matatapos na ang break kaya kahit ayoko pang umalis sa tabi ni Tyrone ay niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo na. Samantalang itong katabi ko eh walang gana sa pagtulog. Hindi ba siya aattend ng susunod niyang klase? Paano kaya siya pumapasa?

Labag man sa kalooban ko ay umalis na ako ng library at pumunta sa room ng next subject ko. Nagstart na yung class pero yung utak ko eh ang layo ng nilalakbay. Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa mga nangyayari ngayong araw.

'Everything's too good to be true...'

Nasa kalagitnaan ng discussion yung prof namin nang makaramdam ako ng pagkapuno ng pantog ko kaya nagpaalam akong pupunta ng c.r.

Tumapat ako sa isa sa mga wall urinals sa men's comfort room at umihi. Wala namang tao kaya dun ako umihi. Usually kasi sa cubicle ako umiihi, eh. Maarte kasi ako. Pagkatapos kong umihi ay nagsalamin muna ako. Hindi na ako naghugas ng kamay para tipid sa tubig. At tsaka, it's not as if inihian ko yung kamay ko, diba?

Kumalam yung sikmura ko kaya dinukot ko mula sa bulsa ng pants ko yung coin purse ko at binilang ang mga laman nito. Dahil nga sa coin purse ko ako naka-focus, umiral na naman ang kalambutan ko at natisod. Sa lakas ng impact ng pagkakatisod ko, nabitawan ko yung purse ko at nakita ko kung paano nagtilamsikan ang mga baryang laman nito.

"Anak ng..." Agad kong pinagdadampot yung wallet ko at ang mga laman nito. "Ang lampa-lampa mo talaga. Sementado naman yung sahig kaya walang dahilan para matisod ka pero bakit natisod ka pa rin? Nakakainis ka!." Pagkausap ko sa sarili ko.

Busy ako sa paglingon sa sahig para tingnan kung may na-miss ba akong barya nang may humintong dalawang black leather shoes sa harap ko. Nakaupo ako nun sa sahig. Pag-angat ko ng tingin ay isang lalaki ang nakita ko na may iniaabot na ten peso coin.

I was taken aback kasi kilala ko siya. Totoo nga yung sinasabi nila na guwapo siya. Sikat siya sa campus dahil isa siya sa mga basketball players ng university team.

Tumayo ako at pinagpag yung dumi sa slacks ko bago kinuha mula sa kanya yung barya.

"Thank you." I said and shyly smiled at him. Tiningnan niya lang ako at nilagpasan na.

'I thought he's nice.'

Nagmadali na akong bumalik sa room dahil di pa nga pala tapos yung current period. Nakasalubong ko pa si Katarina na parang humihikbi. Nakayuko siya kaya hindi niya ako napansin. Bakit kaya siya umiiyak?

"Napano kaya yun?" Bulong ko bago buksan ang pinto ng room.

Pagpasok ko sa room ay kinantiyawan ako ng mga magagaling kong classmate nang sabihin ng magaling naming prof na ang tagal ko daw mag-c.r. at siguro daw ay may milagro pa akong ginawa.

Seriously, sir? Milagro? Pshhh.

Nang matapos ang huling klase ko para sa araw na ito, dumiretso na ako sa part time job ko. Grabe ang dami ng mga tao. Hindi naman na yun nakapagtataka dahil araw ng suweldo ngayon kaya marami ang gustong magshopping. Siguro ako bukas na mamimili ng groceries tutal wala akong pasok dahil Saturday.

Puno ang store namin sa dami ng mga customer.

"Mico, number 7." sabi ni kuya Roy. Kinuha ko yung tray na may pagkain at hinanap yung table na may stand na #7. Nang makita ay tinungo ko ito para iserve.

"Here's your order, sir." sabi ko habang nilalapag ang tray ng pagkain sa table niya.

"Bakit ang tagal?! Kanina pa ko naghihintay, eh!!" Napatingin ako sa customer at laking gulat ko nang makita ko ang parehong lalaki na nag-abot sa akin ng sampumpiso ko nung mabitawan ko yung coin purse ko kanina.

Locker 246Where stories live. Discover now