CHAPTER 122 ( ̄(エ) ̄)

Start from the beginning
                                    

"Galing ako kina Sheila at Jayvee, and guess what? Sumugod ang tauhan ni Dracula. Balak silang idamay sa kaguluhang nagaganap sa pagitan natin at nila." Tahimik lamang kami ngunit madami kaming gustong itanong sakanya. "Kailangan na nating tapusin ang mission nating ito." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabi niya. Natauhan ako na para bang galing ako sa pagkakatulog.

"Sa susunod na linggo.. Kailangang matapos na ang lahat ng ito. Tapusin na natin ito ng magkaroon na tayo ng kapayapaan."

—end of flashback —

•C•A•E• •P•O•V•

"tell us the truth, Dracula. Please! Sino ba talaga si Siberia!" Kanina pa ako nagmamakaawa kay Dracula na sabihin saamin ang info ni Siberia pero hindi siya nagsasalita, bagkos ay tumataas ang kilay nito at biglang humahalakhak.

"I can't, remember pur contract? Nakapirma doon na hindi mo ako tatanungin tungkol sa nakapaligid sa mission nyo? Ikaw mismo ang umalam. Bibigyan kita ng huling tatlong linggo upang gawin ang ipinapagawa ko sainyo. At kapag hindi nyo ito nagawa... Pasensyahan nalang tayo, kapwa kayong dalawa'y mamamatay." Seryoso nitong sabi na ikinakilabot ko. May isang salita si Dracula kaya nararapat lamang na hindi namin ipagsawalang bahala ang sinasabi niya.

"What should we do?" Nanghihina kong tanong kay Vin. Makakaya ba naming pabagsakin si Siberia sa loob ng tatlong linggo? Paano ko ngaba siya palalayuin sa mga Zapanta! Damn It! Bakit ba kasi sumulpot pa siya! Madali nalang sana yung lahat e! Madali na sana yung mission kong hindi siya dumating!

Kailangan kong gumawa ng paraan para kamuhian siya ng mga zapanta. Kailangang sirain ko siya para ipagtabuyan siya ng mga ito! Iyan nalamang ang tanging paraan upang mapadali yung mission namin.

•S•H•A•N•E• •P•O•V•

"nasaan ako at bakit ako nakatalo---ouch! Fuck!" Sigaw ko ng magpumiglas ako at maramdaman ko ang hapdi ng braso kong binaril ng pesteng babaeng iyon! Bakit ngaba sa aming tatlong may takip ang mukha ay ako lang ang napili niyang buksan yung takip ang mukha!

Malakas yung kutob ko na may traydor saamin, may isang nagsusumbong. sa pagkakaalam ko ay hindi nagdadala si siberia ng baril sa kanyang bag? Ang baril niya ay naroon sa sasakyan niya. Kung nagtungo siya sa kanyang sasakyan ede sanat tumagal siya doon dahil mayroon kaming in-i-assign na magbantay doon.

Balak namin siyang surprisahin pero kami yata yung na surprisa niya? Damn! Sino yung traidor sa samahan? Paano ko maipapaalam kay Dracula na mayroong traydor! At nasaan ako? Ano ang ginagawa ko dito! Sino ang nagdala saakin dito!

"Fuck it!!" Muli kong sigaw ng humapdi ang sugat ko, napansin kong nagdurogo na ito.

"Kamusta?" Natigil ako sa pagpiglas at dahan-dahan kong iniangat ang mukha ko.

"Tita... Heaven." Sambit ko, nasapalasyo ako! fuck! Wala akong kawala dito! Damn it! Damn it! Paano si Dracula? Paano yung mission namin! Damn! Papatayin ako ng mga tao dito!

"Why? Anong kasalanan ng pamilya ko? Bakit ikaw Shane! Your sister loves you so much! But what is this? What the hell did you think to do this!" Napayuko ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano yung isasagot ko.

***

:(

***

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now