KUNG WALA NA ~~~~~5:
O_O
Grabe lang! Ang lahat ng choices na binili niya eh magaganda, at magkakacolor-coordianted. Stylist kaya siya? Ngayun lang ako natuwa sa mga pinaggagagawa niya sa buhay niya ah.
But since kailangan isa lang ang gamitin ko, I chose the ecru long dress, Gucci. Halter top siya na may mga details ng crystals sa paligid ng neckline tapos may mahabang slit sa left side ng legs ko. May kapartner na silver stiletto at silver purse, all in Gucci. Antaray naman ng taste ng taong ito oh! I mean kung pagbabasehan ang paraan ng pagpili niya ng mga damit ko, I can say that he is a well off person. Sa itsura palang ng kwartong ito eh talgang iisipin mong mayaman ang may-ari. But on the contrary, mayaman nga demonyo naman! Arrrrgh!! I cant help na magpabalik-balik ang galit ko sa kanya. Kahit anong ganda pa ng buhay na kaya niyang ibigay sa akin, hindi matatakpan nuon na isa siyang mamamatay tao sa paningin ko. Dahil kayang-kaya namang ibigay ni dad at Johnny ang buhay na ganito without making my life miserable.
O____O
Ooops, hindi akin ang mga matang iyan. Ganyan kalaki ang mata niya pagkakita niya sakin matapos kong makapagbihis. Yeah, I made myself Celine Saavedra para pag may nakakita sa akin, alam nilang ako ito. At maaaring makahingi ako ng tulong, tama, I kept a pen in my purse para pag may pagkakataon, makapagsulat ako ng help note sa kahit isang tissue at ibigay yun kahit kanino.
“Princess, you look stunning!” hindi siya magkamayaw sa kung paanong tingin ang gagawin niya sa akin na para bang gusto na niya akong hubaran.. eeeeewww nakakasuka!
“Let’s go, I’m quite hungry” I said in a very cold tone. Ayoko nang magpaliguy-liguy pa, gusto ko nang lumabas!
At ayun nga, lumabas na kame ng impyerno. Akala ko sa langit ang destinasyon namen. =__=
Sa hinaba-haba ng nilakad namen, napunta kami sa isang parang ballroom, at may isang kainaman sa laking lamesa na puno ng pagkain, may mga waiters, at may bouquet ng bulaklak sa lamesa, may wine, champagne, siguro for options. At medyo dim, as in a candlelight dinner. Psh. Ang bwiset, dito lang pala sa loob ng bahay! Tanggalang yan oh, escape plan na naging bato pa!!
Inalalayan niya ako para maupo. Although parang isang boltahe ng kuryente ang bawat dampi niya sa balat ko, dahil narin sa galit ko sa kanya, hindi ko ito maituring na kilig, kundi pandidiri. Kahit gutom ako, parang nawalan ako ng gana nang malaman kong hindi pala kami sa labas kakain. Buo pa nman ang plano kong manghingi ng tulong sa kahit anong paraan basta magkaroon ako ng chance. Ayoko na talaga rito.
Nilagay na ng waiter ang pagkain sa harapan ko nang hingi tumitingin sa akin, hinihiling ko pa naman na kahit sana tingnan niya ako sa mata para kahit sa ganung paraan manlang malaman niyang kailangan ko ng tulong. Hindi ba niya nakikita ang mga pasa ko sa mukha? Siguro naman kung iniisip niyang syota ko ito, hindi maganda ang pagsasama namen at kailangan kong makaalis dito. Pero mailap ang swerte sa akin. Hindi manlang ako dinadapuan ng tingin ng kahit sinong nagsisilbi sa amin. Tanging ang nakatingin lang sa akin eh ang hinayupak na lapastangan na nasa harapan ko ngayun na tuwang tuwa na kala naman niya mapapatalon niya ako sa saya dahil sa pinaggagagawa niya. Kung alam lang niya na gustung-gusto ko nang sumigaw dito para makahingi ng tulong pero alam kong hindi pwede dahil narin sa napakaraming gwardiya at may mga hawak pang baril.
Gusto ko nang mamatay pero may nabubuong plano sa utak ko ngayon. Sa lahat ng naranasan ko at mararanasan pa sa kamay ng taong ito, mas gusto ko na muna ngayun makatakas rito ng buhay at bigyang hustisya ang pagkamatay ni Johnny bago ako magbuwis buhay. Sa ganung paraan siguro mapapatawad ako ni Johnny sa maaga niyang pagkawala. Hay naalala ko na naman siya. At parang gusto na akong traydurin ng mga luha ko. Hindi niya ako pwedeng makitang umiiyak habang nasa hapag.
