KUNG WALA NA ~~~~~4:
“Johnny…” Pilit kong minumulat ang mga mata ko dahil medyo masasakit pa ang mga talukap nila dahil narin siguro sa pag-iyak ko buong maghapon.
“Princess, thank God buhay ka kala ko wala ka na” Niyakap-yakap niya ako at muli, tumulo na naman ang masaganang mga luha sa mga mata ko dahil alam kong hindi si Johnny ang yumayakap sa akin ngayon kundi ang halimaw na ito na hindi ko alam ang pangalan. Walang pakundangan niya akong dinala dito sa lugar na ito at wala ata siyang balak pang lubayan ako. Hagulgol lang ang naisagot ko sa mga yakap niya at pagtatanong sa kung bakit ko ginawa yun.
Habang yakap-yakap niya ako…
“Princess, you got me so fuckingly worried nung sinira ko ang pinto ng banyo at nakita kitang halos wala nang buhay sa bathtub. Napansin ko kasing sobrang tagal mo na sa banyo at nung kumatok ako wala manlang sumasagot sa akin, kinabahan talaga ako na baka may masamang mangyari sayo, baka kako nadulas ka o, basta! Pinag-alala mo ako” Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya habang sinasabi niya yun. Hindi ko maintindihan pero parang nag-aalala siya sakin? Mukha niya! Punyeta siya! Hindi niya lang alam na sobrang dismayado ako nang malaman kong buhay pa ako!
“Bakit mo pa ako niligtas??? Gusto ko nang mamatay!!! Hindi mo ba maintindihan?! Ayoko dito! Gusto ko nang manahimik at mamatay!!!” Inilabas ko na ang mga gusto kong sabihin. Hindi ko na kaya pang itago. Hinang-hina na ang katawan ko sa sobrang pagod ng emosyon ko pati narin ng katawang lupa ko. Utang na loob Diyos ko iligtas niyo po ako.
“Bakit? Bakit mo gustong mamatay?? Dahil gusto mong makasama ang lampa mong boyfriend na hindi ka manlang maipagtanggol sa akin?? Ha? Ganun ba?? Ako!! Ako ang andito at sa ayaw mo at sa gusto mo ako ang mamahalin mo!!! Naiintindihan mooooooooooo!?!!!!” Nahintatakutan ako sa sobrang lakas ng pagsigaw niya, ume-echo sa buong kwarto ang lakas ng boses niyang buong-buo! Halos mabasag na ang eardrums ko dahil sa sigaw niya. At lalong nakapagpatakot sa kin ay ang sinabi niyang sa ayaw ko at sa gusto ko mamahalin ko siya! Hindi! Yan ang hinding-hindi ko magagawa sa buong buhay ko! Ang mahalin at patawarin ang taong sumira sa buong pagkatao ko!
“Hindi siya lampa!!! Duwag ka lang!! Dahil kung matapang ka, hindi mo siya ipabubugbog sa mga basura mong alalay!!! Dapat isa-isa lang!!! At alam kong alam mong hindi mo siya kayang mag-isa kaya duwag ka! Duwag!!!” Napasobra ata ang nasabi ko but he deserves it! Napasobra nga talaga ang pagkasabi ko ng duwag siya kaya sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas! Pakiramdam ko namamaga na ang buong mukha ko sa pagkakasampal sa akin mula kahapon at ngayon.
“Manahimik ka! Hindi ako duwag ayoko lang madumihan ako nang dahil sa cheap na basurang katulad niya! Kaya ikaw! Mag-iingat ka sa pananalita mo dahil hindi mo ako kilala! Magpahinga ka na jan at mamaya ipadadala ko ang mga inorder kong designer clothes para sayo para gamitin mo sa dinner” At nakuha niya pa akong bilhan ng mga damit at para daw sa dinner, ano yun formal dinner dahil ipapakilala niya ako sa mga alalay niyang basura bilang girlfriend?? Punyeta talaga siyaaaaaaaaaaaa! Mamatay na siyaaaaaaaaaaaaaa!!
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak sa buong maghapon na andito ako sa impyernong kwarto na ito. Yun na lang ang pwede kong magawa sa buhay ko. Gustuhin ko man umalis dito at tumakas, kahit gustuhin ko pang mamatay eh wala ring nangyayari kaya ano pa ba? Wala na db?! Iyak nalng ang tangi kong escape para gumaan ang pakiramdam ko. Ayoko na dito.
Ayoko na mabuhay pa kung dito lang din ako mamamalagi.
Ayoko na makita pa ang taong unti-unting pumapatay sa akin.
Ayoko na…
------
Nakatulog ako siguro habang umiiyak at hindi ko namalayan na nagbukas na ang pinto ng impyerno, este kwarto pala. Pero nagtulug-tulugan parin ako dahil ayoko makakita ng demonyo. Nararamdaman ko nang lumalapit siya sakin. Hindi parin ako nagpapahalatang gising na ako at para hindi na niya ako gambalain pa. Pasalamat na nga lang ako at hindi ako nagising sa masamang panaginip.
“Hay, ang princess ko tulog na tulog parin. Pasensiya ka na kung nasaktan kita kanina, as much as I wanted to control myself but you provoked me. You know, I believe that I am the one who can protect you and love you if you will just let me. Nung una kitang makita sa abandoned building na naglalakad ka at binabaybay mo ang pader, I don’t know what comes to my mind at hindi kita pinatay. Hindi dahil sa mamamatay tao ako, kundi parang bumilis ang tibok ng puso ko para sau. Alam kong kayo ng impakto mong boyfriend ang andun sa likod at nag-iingay dahil may naririnig akong music at kaya ako lumabas ng abandoned building para patahimikin kayo. Once I laid my eyes on you, I don’t know but there’s something in me that saying to stay with you and be mine. I am so sorry that we have to be in situation. But I believe that there comes a time na mapapatawad morin ako at tuluyan mo na akong mamahalin.”
Hindi parin ako makaimik sa mga pinagsasasabi niya. Gustong lumambot ng puso ko dahil sa mga sinabi niya pero ang utak ko, nagsasabing hindi ko siya mapapatawad kahit anong mangyari. Pinatay niya ang kaisa-isang kakampi ko sa buhay, bestfriend ko, love of my life ko, si Johnny. Pinatay niya si Johnny right before my eyes and he wanted me to believe that he is fucking sorry?!? Hell no!!
Napapaiyak na naman ako, which is naging hobby ko na since that tragedy. Shit this can’t be!! Hindi ako pwedeng mahalatang gising kundi makikita ko na naman siya. And much to my disappointment, he kissed me on my head which gives shivers to my spine.
Hindi ko na kaya umarte, although magaling ako umarte, I am Celine Saavedra in the first place. Umingit ako para malaman niyang parang nagising niya ako sa paghalik niyang… eeeewwww nakakasuka!
Magkukunwari akong mabait kung ito lang ang tanging paraan para makaalis ako dito. Since I remembered na dinner ito, so he might take me somewhere na pwedeng may makakilala sa akin at makahingi ako ng tulong, in that case, pwede ko nang mabigyan ng justice ang nanagyari kay Johnny.
“Hey princess” he greeted me with a wide grin. Kinikilabutan parin ako sa tuwing binabanggit niyang princess. Gusto kong sipain siya at patayin siya the very moment na naririnig ko ang salitang yun.
Kinusot-kusot ko kunwari ang mata ko, “hey” that is all I can say, in a cold voice. Alangan in a sweet voice?? Ano siya sinuswerte?? Hindi ibig sabihin magpapakabait ako, eh magiging sweet ako sa kanya.
“I bought you designers clothes para sa dinner, magbihis ka na when you are ready, pwede ka narin mamili ng damit at shoes pati purse, I bought like 5 different styles to fit you since I don’t have any idea what is your style” sa haba ng sinabi niya, wla akong naintindihan. Tumago nalng ako para hindi na humaba pa ang usapan. Kase baka magsimula na naman ang inis ko.
Lumabas na siya muna ng kwarto at ako naman tiningnan ko ang choices na pwede kong isuot para sa dinner ek ek nitong demonyong ito.
O__O
to be continued . . .
