KUNG WALA NA ~~~~~3:
“Johnnyyyyyyyyyyyyyyyyy” Bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga at bigla kong naramdaman ang sakit ng katawan ko. Tuluyan na akong naiyak. Isang masamang panaginip ang gumising sa akin. Hindi ko na gustong magising pa. Hindi na. Pagkatapos ng gabing yun, hindi ko na ninanais na gumising pa. Wala na si Johnny. Wala na ang pinakamamahal ko, wala na siya, dahil sa akin.
“Princess, what happened?! Binangungot ka lang.. don’t worry. I’ll comfort you.. I’m here…” Ay sana lang mamatay nalang ako ngayon na! Nilinga linga ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko alam kung nasaan ako. Pero may hinala na ako. At hindi ko gusto ang hinalang namumuo sa isipan ko. “J-just tell me what you want and I will give it to you” He look so fucking worried…duh?!
“I want you to kill me just like how you killed the love of my life in front of me” I said in a very cold voice while looking straight into his eyes. That is what I want right now, ang makasama si Johnny at matapos na ang nangyayari sa akin.
Bigla na lang niyang iniangat ang kamay niya at akmang sasapukin ako pero hindi ako natinag at tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. Hindi niya tinuloy pero hinawakan ko ang kamay niya para ilapat sa mukha ko dahil yun ang gusto ko! Gusto kong saktan niya ako at para tuluyan na akong mamatay.
“Sige ituloy mo! Yan lang naman ang alam mong gawin sa buhay mo db?! Ang manakit at pumatay?!!! Gawin mo!! Saktan moko! Patayin mo ako para magtuloy-tuloy na ang kaligayahan mo! Mamamatay taooooooooooo!!! Nag-aagawan kame sa kamay niya na pilit kong inilalapit sa mukha ko at siya naming inilalayo niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto at malakas na isinara ang pintuan.
Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil narin sa nangyari at sa kinasadlakan ng buhay ko ngayon dahil narin sa katangahan ko.
------------------------------------
Makalipas siguro ang mga ilang oras, bumukas ang pinto habang ako, hindi parin naalis sa kung paano niya ako iniwan kanina. May dala siyang tray ng pagkain. Sa totoo lang, gustung-gusto kong kumain pero habang nakikita ko ang mukha ng aswang na ito, nasusuka na ako.
“Here you go princess, kumain ka muna at para makapagpalit ka na ng damit mo mamaya” Nakangiti pa talaga siya habang inaabot niya sakin ang tray eh kung isaklob ko ang tray na ito sa pagmumukha niya?? Tama!! Bakit hindi ko planuhin ang pagtakas?
“Hindi ako nagugutom!” Kunwari. Pero talagang gutom na gutom ako. Pero nung nakita kong may tinidor sa tray… “Pero gutom talaga ako, kaya akin na yan!” Iniabot naman niya sa akin ang tray habang nakangiti.
Kumain muna ako nang kumain para pag itinarak ko ang tinidor na ito sa leeg niya eh may lakas ako. Kailangan ko talgang makaalis dito para mabigyan ng hustisya ang pinakamamahal kong Johnny. At ako mismo ang papatay sa kanya!
“Nagustuhan mo ba princess?? Kung gusto mo ikukuha pa kita” Kinikilabutan parin ako kapag tinatawag niya akong princess. Gusto ko siyang patayin ngayun din!
“Hindi na, busog na ako dito.” Yun lang ang sinabi ko habang hawak-hawak ko parin nang mahigpit ang tinidor na itatarak ko sa leeg niya mamaya onti kapag lumapit siya ng onti sa akin.
Ipinorma ko na ang kamay ko, dahil handa na akong magbuwis buhay para sa ikalawang kalayaan ko!
Nung lumapit siya sakin para kunin ang tray dahil sinabi kong tapos na ako, mabilis kong ikinilos ang kamay kong may hawak ng tinidor at isinaksak ko iyun sa leeg niya pero dahil matangkad at mabilis siyang kumilos, naikalmot ko lang ito sa parting braso niya at tuluyan na niyang nailaglag ang tray na hawak-hawak niya. Sinamantala ko ang pagkakataong iyun at mabilis na tinunton ko ang pintuan saka binuksan yun at lumabas.
