*boooogsh*
Pagbukas na pagbukas ko palang ng pintuan ay napabalik ako agad sa loob dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko sa lalaking tila nag-aabang sa pintuan ng kwarto ng aswang na ito. Nakalupasay na ako sa sahig at siya namang hablot sa akin ng lalaking nakaharang sa pintuan para itayo ako at sinapok ako ng pagkalakas-lakas na siyang ikinabagsak ko naman sa kama. Oh Lord, tapusin niyo na po ang paghihirap kong ito.
And I heard a gun shot. How I wished that I was the one who was shot and died. But much to my disappointment, that was the guy who slapped me.
Again, I witnessed how this son of a bitch took a life right in front of my eyes. Ilang buhay pa kaya ang kailangang mawala dahil sa akin? Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala sa harapan ko?? Ilang buhay pa kaya ang pwedeng mawala dahil sa kabaliwan ng aswang na ito. Hanggang kailan ko pa ba dadanasin ang mga nakakatakot na mga pangyayaring ito??
O baka naman wala na akong pag-asa pang makaalis dito? O baka naman hindi na ako makakatakas pa sa nangyayari? Si daddy? Hindi niya ba ako hinahanap? Ang media? Hindi ba sila nagtatanong kung asan ako??!!
“Did you just tried to escape princess?? Just so you know, you can’t!” Bullshit!! I don’t wanna talk to this bullshit anymore!! I just wanna die!!
“Who would want to be with a heartless monster like you huh??!!!”
“You will. And you should. Or else…” Eto na ba ang pinakahihintay ko???
“What? You will kill me?? Hell yeah!! I would love that!!!!!!” I dared him and I will definitely provoke him even everyday hanggang sa mapatay niya ako kesa sa makasama ko siya dito!!
“Ha-ha! Very funny” He said sarcastically “Nobody will be able to hurt you except me! You understand that? And now, bago pa kita tuluyang masaktan, calm yourself down, get some shower and get dressed so we can talk. You got be a good girl coz you won’t like me being mad…” He smirks. Ang demonyong ito! Kala niya ba tuwang-tuwa ako na andito ako ngayon at kasama siya??
Since I got stucked myself up to this hell, I have to go to the bathroom, shower, at para makapag-isip ako ng new escape plan. Magdamag nang masakit ang mata ko at ngayon na naman. Papunta na ako sa banyo pero ang luha ko ayaw tumigil. Kusa silang lumalabas, ewan ko kung ilang balding luha pa ba ang kailangan kong mailabas para tuluyan kong matanggap na nawala lahat sa akin nang dahil narin sa kagagawan ko. I never thought it will going to be this way, the freedom that I want, I really want it now, pero wala narin kwenta dahil wala na si Johnny sa tabi ko. Ako mismo ang pumatay sa kanya. Si Johnny na nung bata pa kame laging nakaalalay sa akin sa tuwing madadapa ako, si Johnny na laging nagtatanggol sa akin sa tuwing may nambubully sa aking mga classmates, si Johnny na lagi kong sinasabihan kung gaano ako kaganda, si Johnny na sumasaway sa mga kalokohan ko, si Johnny na bestfriend ko na sinasabihan ko ng mga secret crushes ko, si Johnny na boyfriend ko na mahal na mahal ako at inialay ang buhay niya para sa akin at siyang sumuporta sa akin sa plano ko sa lecheng birthday ko.
Now I am here. Stucked up. Devastated. Imprisoned in this hell. Sana pala hindi ko na ninais na makuha ang panandaliang freedom mula sa mata ng media na huhusga sa akin. Sana pala hindi nako tumakas sa birthday ko dahil kung tutuusin mas masaya pa dun, dahil dun, Johnny still lives. Dahil dun, ako ang bida. Dahil dun, nakatutok man ang mga camera sa buong paligid, buhay si Johnny at siyang pinagpipiyestahan ng media dahil sa super hot niyang boyfriend. Dahil kung hindi lang sa pagnanais ko ng walang kwentang freedom na ito, buhay pa sana siya.
Iyak lang ang ginagawa ko dito sa banyong ito habang pinapaliguan ko ang sarili ko ng malamig na tubig para mamanhid na ako sa sakit na bumabalot sa buong katauhan ko ngayon. Ayoko nang isipin pa ang mga pwedeng mangyari sa akin sa loob ng bahay na ito sa mga susunod na araw. Gusto ko nang matapos ang lahat ngayon din. Gusto ko nang makaalis dito. Wala na akong pakialam kung buhay man o patay akong makakalabas ng bahay na ito basta ang mahalaga, makaalis ako dito! Wala na akong pakialam pa sa buhay ko dahil wala naman akong kwentang tao eh, bestfriend – boyfriend ko pinatay ko. Hindi na rin dapat ako binubuhay eh. Siguro parusa ito sa akin dahil sa kalokohan kong hindi ko manlang inisip ang mga pwedeng mangyari. Masaya na nga ako sa buhay ko naghangad pa ako ng mas masaya. Pero hindi nangyari. Mapagtatanto talaga ng tao ang halaga ng buhay pag wala na ito.
Habang patuloy ang tubig sa pag-agos mula sa shower, hindi ko sinasadyang matabig ng paa ko ang pin na siyang magcoclose ng drain para mapuno ng tubig ang tub na kung saan ako nakaupo ngayon. Tama! Dahil wala nakong kwentang nilalang, at hindi na ako kawalan sa lipunan, mabuti pang lunurin ko nalang ang sarili ko para matapos na ang lahat. Ipapanalangin ko nalang na magkita kame ni Johnny sa kabilang buhay para makahingi ako ng kapatawaran sa kanya. Sana lang wag muna akong mapunta diretso sa impyerno dahil sa pagpapakamatay ko, sana payagan naman ako muna ni Lord na mapunta muna sa purgatory para magkita kame ni Johnny para mapatawad niya ako.
Puno na ng tubig ang tub at walang atubili akong humiga para wakasan na ang buhay ko. Sana pagmulat ng mata ko, si Johnny na ang makita ko para sigurado akong patay na talaga ako.
Sana….
to be continued . . .
KUNG WALA NA ~~~~~3:
Start from the beginning
