"Pero mommy, tungkol kay Kuya Felix, kailan po ba kayo magiging okay?" tanong ko at bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

"Mommy please...magbati na kayo ni Kuya, mahal na mahal ka ni Kuya kaya please lang huwag naman kayong mag-away. Anak niyo din naman po siya kaya dapat lang po pantay ang pagmamahal niyo sa amin." sabi ko at bigla namang siyang nag-iwas ng tingin.

"Baby, huwag na muna nating pag-usapan yan." sabi niya at tumayo na.

"Pero mommy. " sabi ko at napabuntong hininga naman siya.

"Baby, alam kong narinig mo ang mga sinabi ko sa Kuya mo pero gusto kong malaman mo na mahal ko kayong apat na mga anak ko." sabi niya at umupo ulit sa kama.

"Nadala lang ako ng galit kaya nasabi ko yon lahat. Oo inaamin kong hindi ko ginusto ang nangyari sa akin at na trauma ako pero hindi ko pinagsisihan na naging anak ko si Felix. Nanggaling man siya sa lalaking sumira sa buhay ko pero nagpapasalamat pa din ako dahil biniyayaan ako ng anak na katulad niya."

"Mommy..." hinawakan ko ang kamay ni Mommy at mabilis na pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi niya gamit ang kamay ko.

"Inaamin ko na hindi ako perpektong ina pero ginawa ko ang lahat para lang maging mabuting ina sa kanya pero kahit kailan hindi ko man lang naiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko habang lumalaki siya dahil sa tuwing naiisip ko kong paano ako binaboy ng ama niya ay sobrang sakit sa akin... nandidiri ako sa sarili ko at pakiramdam ko napakasama kong ina dahil kinailangan pang madamay ng Kuya mo sa pinagdadaanan ko."

Tuluyan ng naiyak si mommy kaya agad ko siyang niyakap at hinaplos ang likod niya. Sobrang sakit din sa akin bilang anak niya na kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng hirap dahil sa nangyari sa kanya. Hindi deserve ng kahit sinuman ang makaranas ng naranasan niya. Hindi ko maiwasang maiyak din pero agad kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na nagpapakatatag.

"Mommy, mabuti po kayong ina. Sadyang masakit lang po sa inyo ang nangyari at hindi pa po huli ang lahat para maiparamdam mo kay Kuya Felix ang pagmamahal niyo. Palagi niyo pong tatandaan Mommy na nandito po kaming mga anak niyo para pasayahin kayo at mahalin kayo. Tutulungan po namin kayong kalimutan ang nakaraan niyo at patawad po kong kailangan niyong pagdaanan lahat ng hirap dahil sa nangyari sa inyo." sabi ko at mas lalo siyang niyakap.

Inalo ko lang si Mommy hanggang sa naging okay na siya at tumigil na sa pag iyak. Agad ko namang pinahid ulit ang mga luha niya at hinalikan siya sa pisngi.

"Tama na ang iyak, mommy. Sige ka baka pumangit ka! pangit ka na nga mommy tapos madadagdagan pa naku! hindi naman yata pwede yon Marga! chariz joke!" sabi ko at natawa naman siya.

"Gusto mo sayawan kita mommy? anong gusto mo? watsminaenae ba?" tanong ko at sinimulan ng sumayaw sa harap niya kaya mas lalo lang siyang natawa.

"Ikaw talagang bata ka ang kulit! sige na kumain ka na, lalabas na ako." sabi niya at tumayo na at tuluyang lumabas kaya wala akong nagawa kundi ang mapatango at umupo na ulit sa kama ko.

Mukhang hindi pa din talaga sila magiging okay ngayon. Siguro kailangan lang nila ng oras para makapag isip- isip. Kumain muna ako bago magpatuloy ulit sa pag-aaral. Sana lang talaga itong mga pinag-aralan ko ay lumabas sa exam dahil kong hindi ay ewan ko nalang.

Dumating ang lunes at puro kaba nalang ang nararamdaman ko. Ng makarating ako sa classroom ay naka arrange na ang lahat ng upuan. Ginawa itong one seat apart para walang magaganap na kopyahan. Hindi ko maiwasang mapailing bago umupo sa upuan ko. Paano na kong sakaling diko alam ang sagot? kakaloka naman, zero naba this?

Napalingon pa ako kay Jaxson saglit na abala lang sa cellphone niya. Wala akong planong pansinin siya ngayon dahil gusto kong mag focus muna sa exam. Napalingon din ako sa upuan ni Zeddie. Wala pa siya.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now