Napatakip ako ng bibig at magkasabay kaming tumawa, "Ikaw puro ka biro, Cholo!" ani ko at pinalo siya.

"Totoo nga!"

He pushed the restaurant's door for us. Nauna akong pumasok. He's still holding my hand na parang ayaw niya akong bitawan.

"But when my dad died, he become assistant of all of the employees from being executive consultant." Biglang lumambot ang mukha niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya, "Hindi ko alam ma ganiyan pala ang trabaho niya noon, siya lang ata ang mapagkakatiwalaan ni dad."

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti, "It's okay, you can still change his position. You are now the chairman," sabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at pinatakan ng isang matamis na halik.

"I love you," he whispered.

"Mr. Delavin, this way po," the waiter cut us off. Sumama ang mukha niya kaya natawa ko. Hinila ko na siya papasok. Nagpa-reserve pala siya ng table para sa 'min.

Ipinanghila niya ako ng upuan. Nanatiling nakabusangot ang mukha niyang humarap sa 'kin.

"Cholo," marahan kong tawag sa kaniya. Umangat ang dalawa niyang kilay, "I love you," I mouthed.

Bigla siyang napaatras at ginulo ang buhok niya. His face flickered. Sobrang lawak ng ngiti ko at umabot na hanggang tenga. Iba talaga ang epekto ko sa kaniya.

Kinuha niya ang upuan niya at itinabi sa 'kin.

"Anong ginawa mo?" nagtataka kong tanong. Hinawakan niya ang braso ko saka isinandal ang ulo sa balikat ko na parang batang naghahanap ng lambing ng ina, "Cholo, do'n ka sa kabila," sabi ko at ginalaw ang balikat ko. Lalo lang siyang kumapit.

I roamed my eyes. Napapatingin ang mga tao sa gawi namin dahil sa ginagawa niya.

"Sa bahay mo ako matutulog mamaya, ah?" sabi niya at ngumuso. I laughed.

"Alam mo ba na pinagtitinginan tayong dalawa?" mahina kong tanong sa kaniya, "Cholo," I mumbled.

"Hayaan mo sila. By, tabi tayong matutulog mamaya," pag-ulit niya ng sinabi. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang buhok niya.

"Oo na nga, doon ka na sa bahay matulog." Sobrang bilis ng pag-ahon ng ulo niya. Matamis siyang ngumiti sa 'kin, "Nababaliw ka na ba?" he shook his head while grinning. Humalukipkip ako.

Agad niyang binalik ang upuan sa puwesto. Naglambing lang ata siya dahil gustong matulog sa 'kin. Hay, Cholo.

Bakit wala pa ang menu? Kanina pa kami dito. "Hindi pa ba ta---,"

"Andito na po ang pagkain niyo, ma'am, sir." Nagsidatingan ang mga pagkain at nilapag sa harapan namin. Nakapag-order na pala siya. He rubbed his hands na parang takam na takam. Kaya pala, andito ang paborito niya. I didn't know that this is his favorite.

Ipinanghiwa niya ako beef at nilagay sa plato ko.

"May trabaho ka ba sa linggo?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa 'kin.

"That's our time together. Hindi ako magtatrabaho kapag linggo, why?" tanong niya pabalik. Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon. That's my off kaya siguro gusto niya ring mag-day off sa ganiyang araw.

"My colleague will open her resto. She invited me to be there," sabi ko sa kaniya sabay kain. I chewed it. Lumunok muna siya bago sumagot.

"Ikaw ang bahala. The decision will be on you, I just thought na pupunta tayo kay tita," sagot niya sa 'kin. Kumuha siya ng vegetables at nilagay sa pinggan ko. Magmula ng pumayag si mommy na maging boyfriend ko siya ay lagi namin itong dinadalaw. Siguro dahil gusto niya rin ng kalinga ng isang ina.

DS #4: Our Bloody Life Where stories live. Discover now