Kabanata 4

1.5K 40 3
                                    

When I drive through the condo’s front, I saw Cholo walking. Lagi kaming nagkikita, nag-uusap sandali o ‘di kaya ay babarahin niya ako. It’s okay. Imbis na dumeretso sa elevator ay sa harap ako dumaan. I roamed my sight, hindi ko alam kung saan siya pumunta. I am still wearing my green uniform. Pagpasok ko ng pumasok ako sa isang convenience store. Palinga-linga ako sa loob, namili kunwari ng tinapay.

“Ano kaya ang mas masarap?” pabulong kong tanong. Napakagat ako ng labi. Ano ba ang ginagawa ko dito?

“Miss, do you have here a wheat bread?” he asked. Napaangat ang tingin ko. Nandito pala siya. Pagtingin ko sa hawak kong tinapay ay…napangiti ako ng malawak.

“Andito po siya, Sir,” sabi ng saleslady. Namili ako ng tinapay habang naririnig ang yabag nila, “Dito po.” Nagulat akong tumingin sa kaniya.

“Cholo? Andito ka rin pala?” tanong ko. Pigil ang ngiti ko habang sinisilayan ang mukha niyang naiinis na naman sa ‘kin. I heard him took under breathe. Mabilis siyang kumuha ng whearbread sa harapan ko at tumalikod. Sumunod ako sa kaniya dala ang dalawang supot, “Suplado naman nito. Magaling na ba ang paso mo sa kamay?” pangungulit ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at pumila para makapagbayad, “Cholo, yuhoo…” Sumilip ako sa tagiliran niya. Tiningnan niya lang ako at umiirap.

Tiningnan ko ng mabuti ang kamay niya. Hinawakan ko ito ng maigi, wala na siyang suot na benda.

Mabilis niyang binawi ang kamay niya, “What are you doing?!” he asked, irritating.

“Wala naman, tinitingnan ko lang.”

“You don’t have to,” matigas niyang sagot. Napalabi ako. Nagbayad siya ng pinamili niya. Pagkatapos ay ako. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.

“Hinatayin mo ako,” sabi ko.

“Let me go!” angil niya. Hindi ko siya binitawan. Pilit niyang pinitik ang kamay ko. Ang sakit.

“150.26, ma’am,” sabi ng cashier.

Napadaing ako. Ang sakit ng pitik niya.

“Aw! Teka lang, miss.” I slide my hand inside my pocket. Napalunok ako ng hindin mahanap ang wallet ko. Sa kabilang bulsa ay phone ang nandoon. Nabitawan ko ang damit ni Cholo dahil sa pagkataranta.

Napansin ata ‘yon ng cashier, “Wala ka po bang pambayad?” tanong niya sa ‘kin.

“No, meron. Teka lang ah? Hindi ko mahanap ang wallet ko, e,” tugon ko. Napasabunot ako ng sariling buhok dahil sa paginis. Bigla kong naalala na nasa kotse pa pala ang bag ko. Kainis naman.

“Guard!” sigaw niya. My eyes rounded.

“Teka lang! Sa taas lang ako nakatira,” sambit ko. Hindi ko napigilang ikunot ang noo ko. Napakagat ako ng mga daliri, “Nalimu--”

Sisigaw na sana siya ulit ng biglang may lumipad na pera sa harapan niya. Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko, “Keep the change. Your mouth isn’t good at all,” he sarcastically said. His lips pursed. Hindi na nakapagsalita ang cashier dahil sa sinabi niya.

Napaawang ang mga labi ko. Hindi niya man lang ako hinintay at umalis na lang na parang walang nangyari. Nakaalis na siya kanina ‘di ba? Bumalik ba siya? Tinaasan ko ng kilay ang cashier at dahan-dahan kong kinuha ang binili ko. Naiwan ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad. Pagdating ko sa labas ay agad kong hinanap si Cholo. My eyes wandered around and I didn’t see his shadow.

Ang bilis niya namang maglakad.

Itinaas ko ang hawak na supot. Napadiin ang pagsara ng bibig ko dahil sa ngiti.

DS #4: Our Bloody Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon