Simula

3.3K 74 6
                                    

“Good job, Doc,” Nurse Lee said. Napangiti ako habang hinuhubad ang suot kong surgical gown. Tinapon ko rin ang suot kong mask bago humarap sa kanila. Bahagya akong yumuko.

“Naku, wala ‘yon, nurse. Kung hindi dahil sa inyo hindi ko rin naman magagawa ‘yon,” sabi ko sa kaniya. Si Nurse Lee ay matagal ng nurse dito. She is in her 40s kaya medyo may edad na rin. Napalingon ako sa pintuan ng OR matapos mahagip ng mga mata ko si Doc Zamora. Sa pagkakaalam ko malapit na siyang magretiro. Tiningnan niya ako ng mabilis at naglakad patungo sa gawi namin. Sobrang lawak ng ngiti ko dahil ngumiti siya, akala ko makakarinig na ako ng magandang salita mula sa kaniya.

“Good work, team,” sagot niya. Tinapik niya ang mga kasama namin maliban sa ‘kin. Napairap ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang weird talaga ng matandang‘yan. I stomped my feet at stared at our anesthesiologist who can’t stop himself to laugh.

“Nurse, naman!” sambit ko. Nagsitawanan silang lahat. Marahas kong hinubad ang surgical cap ko. Ang unfair niya.

“Ano ka ba, Doc? Proud ‘yan sa ‘yo kapag wala ka,” sabi ni Nurse Valdez.

Sa huli ay napanguso na lang ako habang naglalakad kasama nila paalis sa operating room. We did a appendectomy surgery. It is a removal of appendix. After kong mag rounds ay doon na ako nakaramdam ng pagod. I massaged my neck while groaning. I stretched my arm, going round pace. Napamulat ako ng mga mata ng may natamaan ako. Napakagat ako ng labi sabay talon. Tiningnan ko ang likuran ko at nakitang si Doc pala.

“Doc, s-sorry po,” nauutal kong sambit. Minus 5 na naman ako sa kaniya. His forehead creased. He is wearing a white scrub, merong stethoscope sa leeg. Muntikan ng magrambulang ang mga kilay niya habang nakatitig sa ‘kin.

“Hindi ka ba nagpahinga pagkatapos mong mag surgery kanina?” tanong niya sa ‘kin. Nawala bigla ang kaba na naramdaman ko dahil sa tanong niya. Merong namumuong ngiti na ayaw lumabas sa labi ko.

“Sandali lang po, Doc. Meron din kasing nangangailangan sa ‘kin sa taas, e,” sagot ko. Pigil ang ngiti ko habang nakikita ang pag-aalala sa mukha niya. Senior ko siya kaya sobrang taas ng respeto ko. Magaling din siyang doctor, marami nga ang humahanga sa kaniya.

Napailing siya, “Magpahinga ka rin, ang dami mo pang gagawin sa loob ng isang araw!” napalakas ang pagkakasabi niyang ‘yon kaya nagtinginan ang mg nurse na nasa station. Humalukipkip sila. Nanlaki ang mga mata ko. I never had this long relationship with my dad kasi maaga siyang namatay. I have this dream to save lives.

Napaiwas siya ng tingin. He gulped, “Magpahinga ka na. You still need to attend trauma conference later,” he said, walking away. Napalingon ako sa kaniya habang hawak ang mga labi ko. Nakita kong nakangiting lumapit si Nurse Lee sa ‘kin. Sinundot niya ako.

“Sabi ko na sa ‘yo. Suplado lang ‘yan si Doc pero marunong ‘yan mag-alala,” bulong niya. Nalingon ako kay Nurse John na naka-approve sign sa ‘kin. Hindi ko rin inaasahan ‘yon, “Sige na, ako na ang gagawa ng gagawin mo. Ano ba ‘yon?” tanong niya. I’m on my 3rd year sa pagiging resident doctor dito sa St. Lukes Medical Hospital. I love this work kahit na nakakapagod, kailangan mong tumayo kahit na nangangalay na ang mga paa mo.

“Paki-check na lang ng patient natin na inoperhan kanina. Okay lang ba ‘yon, Nurse? Wala ka bang trabaho diyan sa station niyo?” nag-aalangan kong tanong. I have to make sure kasi, lahat naman kami may kaniya-kaniyang trabaho. Lahat naman pagod sa kaka-rounds.
“O, sige. No problem para sa paborito ni Doc Zamora!” she exclaimed. Napatakip ako ng bibig dahil sa hiya. Ang daming taong nakarinig. Hindi naman tayo sigurado diyan. Ang totoo, ayaw niya sa babaeng Doctor, gusto ni Doc na lalaki kasi daw matalino ang mga lalaki, maparaan na hindi natataranta. Pero napatunayan ko naman ata ‘yon sa kaniya na kaya ko rin. Imagine, ayaw niya sana akong tanggapin sa hospital na ‘to.

DS #4: Our Bloody Life Where stories live. Discover now