13: Hide and Seek

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sigurado ka? Maraming kwarto dito, tatlo pa ang extra. Mamili ka kung saan mo gusto,"


"Hindi na po," pagtanggi ko ulit.


"Osige, hindi na kita pipilitin pero huwag ka nang magbayad para sa magiging room mo ha?"


Tumawa ako at tumango.


"Sige po, kung iyan ang ikakasaya n'yo."


Mahaba-haba pa ang naging kwentuhan namin at kumain na rin. Kahit ngayon na lang ulit ako nakapunta dito, komportableng-komportable pa rin ako.


"Kevin, ihatid mo na si Tharia sa hotel, doon mo siya ilagay sa executive suite, tapos ipasyal mo siya bukas. Saka itry n'yo rin ang iba't-ibang water activities."


"Osige po,"


Alas siyete na rin ng gabi nang maihatid ako ni Kevin sa kwarto ko. Nagpasalamat ako at inayos na ang damit sa cabinet. Good for 3 days ang dala ko. May mga swim suit din at summer dress.


Pagkatapos mag ayos ng damit ay naligo ako. Pinuno ko ang bathtub ng tubig at bula. Pinatay ko din ang ilaw. Dahil glass wall, kita ang kalakhan ng beach at ilaw ng poste mula sa banyo.


Mas nilubog ko ang sarili ko sa bathtub at pinilit na huwag isipin ang mga nangyari.


Puro na lang kami problema mula nang dumating ang Chivalry na 'yan. Pasalamat siya at hindi ko siya nasampal kanina. Ayoko lang kasi talagang nakakasakit sa totoo lang. Hanggat maaari, kung kaya kong magtimpi, magtitimpi ko.


Bigla ko tuloy naisip ang anak ko. Malamang hinahanap na 'ko noon. Siguro, kumakain na siya ngayon dahil alas otso na.


Si Trevor? Ewan ko kung anong ginagawa niya. Baka nasa opisina pa siya o kaya nama'y kasama si Chivalry.


Hindi ko makalimutan ang itsura ng babae na 'yon no'ng nakita ko siyang lumabas sa opisina ni Trevor. Halatang may ginawa. Tapos napaka iksi pa ng suot niya.


Hindi ko alam kung bakit may gano'ng klase ng mga babae. Ano bang gusto nila sa buhay? Wala ba silang pangarap kaya ang gagawin na lang nila ay ang mangabit sa may asawa na?


Wala man lang delikadesa ang babae na 'yon. Talagang may lakas siyang harapin ako at sabihin sa akin ang ganoong mga bagay.


Chivalry... She misunderstood our situation, since the wrong message was sent to me.


Words of Trevor keeps flashing on my mind.


That jackass could never really lie to you huh?


"Argh!" Napabangon ako sa tub nang maalala ang mga sinabi ni Eros.


Paano kung... Naggagawa lang ng kwento ang babae na 'yon?


Ewan ko! Naguguluhan ako!


Gusto ko mang buksan ang cellphone ko pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka matuntun ako ni Trevor.


Umalis ako para makapagpahinga at mapag-isa pero hanggang dito ata ay aabalahin nila ako kakaisip sa kanila!


Nahihilo tuloy ako. Kakaisip siguro 'to ng mga problema dagdag pa ng pagod.


Bumaba ako para mag almusal sa resto. Pancake lang ang kinain ko dahil ayoko ng heavy breakfast.


Nakasuot ako ng black see-through at maong shorts at naka bikini sa loob.


All of Her (His Maid Sequel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon