Ang akala ko kasi isa kang malaking aso na tumatahol-tahol, kakasigaw diyan.


"Unfortunately, I don't think you're a human in that situation to change at all. I thought you were just an animal or just something that prompted me to learn how to be a real human being..." I sighed in emptiness. Well, that's definitely true. I think someone like her is unlikely to change at all. It's not like I'm being such a judgmental person, but I've known this woman for a long time.


She is Margarine Jubielle Sandrival, also known as Jubie. No other than my enemy.


"One more thing, Jubie. If I were to tell you my grade is more higher than the value of your whole life. What can you say?" I grinned as I tilted my head to my right side. I also followed her flowy gaze while biting my lower lip.


"As you said earlier, Jubie. After you kill me, you will also kill yourself. Gaano na lamang kalaki ang halaga ng buhay mo kung papatayin mo na kaagad ang sarili mo? Well, mas mataas pa sa grado ko ang halaga ng buhay mo. Ikaw mismo ang nagsabi kanina sa akin na papatayin mo ang sarili mo matapos mo akong patayin."


Kumunot na ang kaniyang noo. Marahil ay dahil sa kaniyang kumukulong dugo ngayon. Gusto kong aminin na kahit ako ang nasa ibaba ngayon, siya pa rin ang napipikon sa akin ngayon.


"Will you stop--"


"I'm sorry to interfere, Jubie. But I thought you're going to kill me? What now and what the hell are you looking at? Have you decided yet? You're making me wait, you know?" Tumawa ako at nakipag-biruan sa kaniya, ngunit mukhang hindi niya alam kung paano makisama sa trip ko. Psh, she's a boring woman!


"Oo, huwag kang mag-alala! Balak talaga kitang patayin! Simula pa lang ay gustong-gusto na talaga kitang patayin, Risha. Manahimik ka na lang diyan kung ayaw mong patayin na kita kaagad!" Padabog siyang umalis ng bodega habang ako naman ay naiwan dito mag-isa sa upuan na ito.


Tangina, dapat ay kanina pa kayo nandito.


Gwen, nasaan na ba kasi kayo?! Tsk, kahit kailan talaga! Late na nga kanina sa klase, late pa rin hanggang dito!


Sinubukan kong gumalaw-galaw at gamitin ang buong enerhiyang mayroon ako upang makatakas sa upuang ito, ngunit hindi ko pa rin magawa dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa akin ng lubid na ito. Iginala ko ang aking mga mata upang makapag-hanap ng matulis na bagay, ngunit wala rin akong napala dahil malayo ako sa nakita kong kutsilyo. Sa halip ay bumuntong-hininga na lamang ako.


Talaga bang pinapahirapan ako ni Jubie bago niya ako patayin? Humanda ka sa akin, Jubie. Dahil sa oras na makatakas ako, sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka sa gagawin nating laro.


Maya-maya, mayroong pumasok na isang lalaki kaya tumigil ako sa aking ginagawang paggalaw. Naka-suot siya ng itim na leather jacket at t'saka itim na pantalon. Halos itim lahat ng kaniyang suot at may pakiramdam ako na kasabwat ni Jubie itong lalaking ito. Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ba talaga ang lalaking ito. Hindi ko makita ang buo niyang mukha dahil siya ay naka-suot ng itim na face mask. Tanging nakikita ko lang ay ang kaniyang mga mata.


Well, isa lang ang masasabi ko sa kaniya. At iyon ay hindi ko siya kilala...


"Sayang lang ang lakas mo, miss. Huwag mong piliting tumakas dahil hindi ka talaga makakatakas diyan. Huwag ka na rin umasa na may tutulong sa'yo dahil walang katao-tao sa lugar na ito. Limang persyento lamang ang mga taong nakakaalam nito at isa na tayong dalawa roon." Hindi pamilyar ang kaniyang boses. Hindi ko naiwasang hindi magtanong sa kaniya.


My Karma StipulationWhere stories live. Discover now