CHAPTER 115 ⊂(^(工)^)⊃

Start from the beginning
                                    

"Ang konseho." Wala ni isa sa aming nag salita, nanatili kaming nakikinig kay siberia na nagpapaliwanag kay Siberia.

"Isa din ba sa alituntunin nyo ang bawal sumuway o tumanggi sa utos ng konseho?" Ramdam ko ang kaba at takot sa tanong ni Venjoe, kaya ba talaga niyang tanggapin kung sino si siberia at kung ano ang landas nito na papasukin niya?

"Meron." Tipid na sagot ni Siberia, napabuntong hininga ako ng taliman ako ni Venjoe ng paningin sinabayan ko pa ito ng iling-iling.

"Ngunit bakit hindi siya tumanggi?" Itinuro pa ako nito rinig ko ang pigil na tawa ni Master Liam kaya muli akong napailing.

"Answer him, Vince." Natigilan ako pero agad ding tumayo at nag bigay galang sakanya bago humarap kay Venjoe.

"Wala akong ibang pamilya sa loob ng palasyo, tanging si Loyd at Ken lamang ang aking kaibigan sa loob at kapwa wala sila, ang buong akala ko ay iniwan na nila ako kaya buong puso kong tinanggap ang mission, ang pagtanggap ko sa mission na ito ay sya ding pag yakap sa aking nalalapit na kamatayan." Yumuko at nagbigay galang akong muli bago naupo, napatanga saakin si Venjoe kaya napaiwas ako ng tingin.

Nang matapos ang pag sisiyasat ni Venjoe ay itinuloy na namin ang aming pag pupulong na bahagyang naudlot ng mag tanong ng tanong si Venjoe.

R•o•s•e• •P•O•V•

"Babe... Please kausapin mo naman ako ng maayos." Sinamaan ko ng tingin si Liam at umiling-iling ako.

"No, hanggat hindi ako kinakausap ni Siberia, hindi din kita kakausapin!" Matigas kong sabi sabay akyat sa hagdan, he always here on our house pero hindi ko siya pinagbibigyan na kausapin niya ako ng maayos, bumababa lang ako para paulit-ulit na sabihin iyan sakanya, 2days na akong hindi kinakausap ni siberia kaya two days ko na din siyang dinededma, dahil kapag kinakausap ko siya ay parang nakokonsensya ako dahil hindi ko kaagad sinabi Kay Siberia na kami na ng kuya niya.

Sa bahay na ito ay wala akong ibang ginagawa kundi ang tumambay sa kwarto ko, magmukmok at mag isip kung paano ko kakausapin si Siberia at kung paano kami mag kakaayos. Kumusta na kaya si sheila? Okay na kaya sila ni Siberia?

"Babe, Please... Kausapin mo naman ako, ang sabi din ng maids nyo hindi kapa kumakain! Babe, god! Baka mapano ka nyan hindi lang naman ikaw yung may kasalanan dito so please wag mo namang akuin ang lahat, baka makasama sayo. Sa tingin mo ba gusto ito ni siberia? She's just thinking so we just respect her decision. Alam mo namang hindi niya kayo matitiis is e, at hindi niya gugustuhin ang makita kayong ganito." Kinuha ko yung unan ko at mahigpit itong niyakap habang umaagos yung luha ko.

"Pero... Galit siya sakin." Muli akong napaiyak dahil sa sinabi ko, bakit ba ang emotional ko this time? Pero seryoso ang bigat talaga sa pakiramdam lalo na sa iisipin na galit talaga saakin si Siberia.

"Hindi nga siya sayo galit, so stop blaming your self and get out of that room please." Sunod-sunod akong umiling na para bang nakikita niya.

"No, just respect my decision... Also." Sambit ko at humikbi, ibinaon ko yung mukha ko sa unan ng hindi ko na marinig ang boses ni liam sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Ngunit makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya kunot nuo akong napatingin dito at nakita kong si Liam pala ang ng bukas, ito ang kauna-unahang pagkakaong pumasok siya sa kwarto ko.

"Liam..." Basag ang boses kong sambit sa pangalan niya.

Don't forget to vote, comment and follow! Dahil hindi ko i po post ang next chapter kapag wala ni isang Vote and comment! Pasensyahan nalang tayo mwuahhh😚

For more update just visit my Facebook page @tomenesakira

Thank you babies!

♥♥t o m e n e s a k i r a♥♥

This Man Stole My Heart (Season 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now