Chapter 11

572 49 13
                                    

"So, that was it?"

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim, alam ko na ngayon ang sagot sa tanong kanina ni Prof. Alvarez sa recit. Mabigat pa rin ang loob ay tiniklop ko na ang kuwaderno ko at isinilid na iyon sa bag.

That was such a loss. A loss indeed dahil nakita pa ako ni Mommy kung paano ko sukuan ang tanong na iyon. How could I even have overlooked that one?!

"Tara na sis?" Si Bobbie, nagyayaya nang lumabas ng silid.

"Uh... una ka na lang," sagot ko. "Pinapapunta pa kasi ako ni Mommy sa office niya eh."

"Ha? Bakit daw?" Takang tanong nito.

Umiwas ako ng tingin. Bobbie shouldn't know kung bakit ako pinapapunta, I don't want to be pitied just because of the missed recit as the root of this!

"Uhm, baka may i-uutos lang," pagrarason ko. Bumaling ulit ako sa kanya, trying to look straight. "So, baka matagalan ka pa kung hihintayin mo pa ako, una ka na lang." Sabi niya kasi sa'kin may lalakarin pa siya, hindi ko lang alam kung saan na naman.

"S-sige..." tila nag-aalinlangang saad nito. I smiled to assure him. "Una na lang ako, ha?"

"Yeah."

"Okay, g. Babush, see you on Monday na lang." Beso nito sa akin.

I smiled. "Bye."

At umalis na nga ito ng silid. Tumayo na ako at isinukbit ang bag. I heavily breathed as I went out the room, thinking twice if I should go to Mommy's office.

Who am I lying? Of course, I should go! Kung ayaw kong mapahamak pa lalo, I should go. Why am I even nervous, as if Mommy would slap me or something.

But that's the thing, Mommy's harsh words are like slaps on my face. Pero about sa recit lang naman 'di ba, so Mommy won't go overboard. I just hope she won't.

I sighed as I decided to walk myself towards the building in Mommy's office. Lulan ng elevator ay tila kabado pa rin ako. Pero ngayon ay medyo humupa na. Lahat na lang ng bagay, basta when it comes to Mommy, kabado ako!

I stepped out the elevator and walked the hall that leads to Mommy's office. Liliko na sana ako nang makita ko siya na nasa sa labas lang din ng office niya. I stopped, she was holding her phone on her right hand, talking to somebody over the device.

"Sige, pupunta ako riyan mamaya sa kompanya," saad nito sa kausap niya. "Yeah... Okay... Sige, salamat, Ernesto."

For a moment, I wished na sana ay hindi lang muna matapos ang tawag na iyon, ngunit parang hindi ko talaga araw ngayon, kung kaya't hindi lang din nagtatagal ay ibinaba na nito ang tawag. I don't know what's happening with the company. She seems to be so busy with it these days. Mabilis na akong naglakad patungo kay Mommy nang balak na sana nitong pumasok sa opisina niya.

"Mommy..." tawag ko, nakatalikod siya sa akin.

Agad naman niya akong nilingon at pinanlisikan ng mga mata. I lowered my head.

"We're still in school," matigas nitong saad.

"Ah, I mean, M-ma'am Vasquejo," mababang ani ko.

Why did I forget that! It has always been a rule to me na 'pag nasa sa eskwelahan kami, I should address her formally. Buti na lang at walang tao na dumadaan rito. Tsaka uwian na rin kasi.

"Let's talk inside of my office." Abang maglalakad na sana ito sa loob ng opisina niya nang mabilis akong nagsalita.

"Dito na lang po," pigil ko sa kanya. Never in my guts I wanted to enter into her office once again. Baka maulit lang iyong pangyayari no'ng huli akong pumasok sa opisina niya. I don't want to feel the same way as I went out into her office. Disappointments and everything. So much for a déjà vu.

Thorns All Over the Stem (SHS Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon