Chapter 05

657 50 8
                                    

"Shuta! Ba't ngayon mo lang 'to sinabi? Ba't di mo 'to chinika sa'kin nung pauwi tayo? O kaya nung linggo!"

I covered my ears as Bobbie rants beside me. Naka-upo kami ngayon dito sa isa sa mga bench malapit sa labasan ng school. Kagaya no'ng sa Friday, naghihintay ulit ako kay Mang Selmo.

Hindi pa kami nakakalabas nang room ay panay na ang tanong sa akin ni Bobbie tungkol kay Prof. Alvarez. Like, ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?

He keeps on bugging me kung ano raw ba iyong nangyari sa may bookstore last Saturday, at sa sinabi kong si Prof. Alvarez iyong lalaking tinutukoy ko no'ng kaganapan sa Biyernes. I thought he already forgot about that since after naming makabayad sa cashier no'ng nagpunta kaming mall ay umuwi na kami agad sa kanya-kanyang bahay, 'tsaka wala rin siyang tinatanong about doon the day after. Recapitulation it is!

Hindi ko muna sinagot iyong mga tanong niya dahil kasama pa namin si Paul kanina. Kami pala iyong hinihintay niya. I don't know what he's up to. Umalis muna siya sandali at may pupuntahan daw. Hindi na nagsabi kung saan.

At ngayong dalawa na lang kami ni Bobbie, sinabi ko na nga lahat-lahat sa kanya. From the very beginning no'ng tinapon ko yung card ko at no'ng naabutan niya kami sa bookstore. It was not a big deal for me, pero parang umaatake na naman iyong pagka-OA ni Bobbie. Psh.

"So, nasa sa kaniya iyong report card mo?" Bobbie asked.

"I guess?" Hindi ko siguradong sagot. "Hindi ko lang alam kung ibinalik niya ulit sa basurahan since I asked him to do so."

"What? Alam mo gaga ka talaga, report card 'yun sis! Though it's not really a big deal since you have your Mommy on your back 'tsaka inutos niya naman sa'yo 'yun diba? Pero ang engot mo lang sa part na sinunod mo talaga," mahabang lintaya ni Bobbie. I glared at him. "What if you try to ask him kung nasaan na ngayon 'yung card mo?"

"What? Why would I?!" May kalakasang saad ko. I mean, it was just a report card, right?

"And why is that?" Tanong niya. I suddenly remembered kung bakit ayaw ko talaga. I really don't want to engage another conversation to that prof of ours.

Bigla ko tuloy naalala 'yung huling sinabi niya sa akin no'ng sa bookstore. How dare he! Do I look like someone who's fond of reading such books? Such risqué type of books?!

"Tatanungin mo lang naman kung tuluyang tinapon niya nga talaga 'yung report card mo, eh," sabi-sabi ni Bobbie. If there was a part na hindi ko isinama sa kwento ko. Iyon yung sinabihan ko 'yung dalawang estudyante na hina-harass ako. Oh my, I suddenly cringed!

I sighed and decided to tell that part to Bobbie. And as I go back to that situation, parang nahihiya ako sa sarili ko. That was just too pity and childish. That was just not so me.

Pero naalala ko kung ba't ko nagawa iyon. Not because he held my wrist without my consent, but because he mentioned about Mommy being proud of my grades. Nag-burst out lang talaga 'yung sama ng loob ko that day. And unluckily, siya 'yung napagbalingan ko.

"Yeah. I understand naman kung bakit mo nagawa iyon, Resh..." Bobbie tapped my back. Napangiti ako. Pero agad ding naglaho nang may kalakasan niya akong itinulak. "Tapos makapagsabi ka sa'kin na OA wagas ah! Eh ikaw nga 'yung mas OA sa 'tin! Parang hinawakan ka lang harrassment na agad?"

"Eh that was the first thing that came in my mind. That was not really serious though, I just didn't expect na aalis iyong dalawang estudyante para magtawag ng guwardya talaga." I defended. "Hindi ko lang alam kung tinotoo nila because I left the scene already na."

"Naku, keri na 'yun! Nakaka-babae yung part na yun ah. Pero mas better ata kung sinabi mong..." Nagulat ako nang biglang tumayo siya. "Rape! Rape! Rape!" Bobbie acted.

Thorns All Over the Stem (SHS Trans Series #1)Where stories live. Discover now