"J-joaquin!" pigil agad ng lalaki bago pa man makalapit si Gino.

"Sino ha? Girlfriend mo? Girlfriend ko 'yan!"

"P're! Paawat ka! Joaquin!"

"Sino ha? Sino? Sabihin mo!" galit na galit na sigaw ni Gino.

Nahuhubaran na si Gino sa pagpupumiglas niya. Umurong si Sage sa akin at kaunti na lang para na siyang magtatago sa likuran ko. Namumutla naming tiningnan ang dalawang lalaki na halos mag-wrestling na sa dance floor.

"Joaquin! Tangina ang init naman ng ulo mo! Joaquin!" sabi ng lalaki.

Madilim ang paligid pero kitang-kita kung paano mag-angatan ang mga ugat sa leeg ni Gino. Naaawa rin ako sa kasama niya na ilang beses nasisikuhan sa mukha. Natatakot na napaakap si Sage sa akin at lalong naniklab ang mga mata ni Gino. Nagwala siya lalo. Our scene is quite gathering a commotion now and people around us stopped dancing.

Lumingon ako nang marinig ang boses ni Orianne. Lumapit siya sa amin kasama sina Sandro at Tristan.

"Guys, what happened? Narinig naming may nagsisigawan rito," tanong agad ni Orianne.

Sage told her everything. Hindi na niya nakayanan ang eksena at nangingiyak siyang nagkuwento sa mga kasama namin. Tristan rushed to her side and comforted her.

Orianne verified the truth from me. Busy ako sa pagsagot sa mga ilang katanungan niya at hindi ko namalayan na nawawala na pala si Sandro sa paligid namin. Tumili ang ilang babae sa malapit. Lumingon ako roon at halos mamilog ang mga mata ko nang nakita ko mismo ang panununtok ni Sandro sa kay Gino.

"Sandro!" I called.

"Calderon!" Orianne did, too.

Napaupo si Gino sa biglaang panununtok ni Sandro. Nag-urungan ang ibang tao sa paligid. Sumisigaw na naghamon si Sandro sa kay Gino. Tumingala naman ang huli. Gino smirked and a brutal intention was in his charcoal-black eyes.

Tumayo si Gino at mabilis na gumanti. Si Sandro naman ngayon ang napasubsob sa paanan ng mga tao. The girls screamed once more.

"Shit." mura ni Tristan at dali-daling umalis para tumulong.

"Tristan." tawag na naman ni Orianne pero huli na.

The next thing happened fast. Si Sandro, Tristan, Gino, at ang kasama niya ay nagbubunuan na sa gitna naming lahat. Tumulong kasi si Tristan para gulpuhin si Gino na siya namang tinulungan ng kasama niya. Tilian ng mga babae at hiyawan ng mga lalaki na ang pumapalibot sa dance floor imbis na ang malakas na tugtog ng dj.

Pumunta kami ni Orianne sa kanila para awatin sila. I saw Gino holding the collar of Sandro's long sleeves before giving him a headbutt. Dumaing si Sandro pagkatapos at parang siraulong umismid si Gino.

Sumugod si Sandro sa kay Gino at dinambahan ito. Bago pa man makabangon si Gino, dinaganan na siya ni Sandro upang paulanin ng mga magkakasunod na suntok. Hinarang ni Gino ang mga kamay niya para protektahan ang sarili. Panandalian akong nahinto nang naalala ko ang sa despedida dati. Ganitong-ganito rin ang nangyari.

"Sandro! Stop!"

Tumakbo ako sa gilid nila. Si Orianne naman sa kay Tristan at sa kasama ni Gino. Sumusuntok pa rin si Sandro nang makarating ako kaya tinulak ko siya. Si Gino agad ang tinugunan ko nang maitaboy ko si Sandro.

"Gino! Ok ka lang?" nag-aalala kong tanong.

Nanginginig kong hinawakan ang isang kamay ni Gino. Nanatili siya sa ganoon pero nang nahawakan ko dahan-dahan niyang inalis iyon. Putok ang kaliwang sulok ng kaniyang labi at nagdudugo ang isang butas ng ilong. I almost cried upon seeing his almost beaten face. You are at it again, Maginoo.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now